Mabilis naman itong tumango bago tuluyang pumasok. Si Thor naman ay pinasundo na ng daddy niya at papunta na raw dito sa may hospital kaya kailangan na niyang umalis bago pa siya nito makita. Mabilis naman siyang sumilip sa ICU para makita ang prinsesa nila. Kung sana ay maaari niyang kunin ang hirap at sakit na nararanasan ng anak niya ay gagawin niya. "Anak, magpalakas ka riyan ha? Papa will going to watch you grow. May importante lang gagawin si papa, but don't hate me please, okay? I promise, babalikan ko kayong tatlo," mahinang bulong niya kahit alam naman niyang hindi siya nito maririnig. Naniniwala siya sa Diyos na pagagalingin nito ang anak niya. Ilang sandali pa ay umaalog na ang mga balikat niya tanda ng paghagulgol. Mabilis siyang tumalikod at mabilis na naglakad palabas. Mal

