"Uhm Luisa," biglang tawag sa kan'ya ni Ate Nilda. "Bakit, ate?"Nakangiting baling niya rito. Busy kasi siya sa pagluluto ng tanghalian habang ito naman ang may karga kay Trisha. "Gusto kasing makita at ipasyal ni Sir Travis ang mga bata," nahihiyang sabi nito. Mabilis naman siyang natigilan sa paghihiwa ng gulay at biglang nawala ang mga ngiti sa may labi niya. "Ate, alam mo namang ayoko siyang makita hindi ba?" seryosong sabi niya rito. "Silang tatlo lang daw kasi at ako. Ayaw ka raw niyang makita, Luisa, Pasensiya ka na," malungkot na sabi nito. Mapait naman siyang napangiti. "Ate, bakit ka naman humihingi ng tawad sa akin?" "Dahil alam kong nahihirapan ka na. Alam kong marami kang katanungan na hindi mo masagot. Luisa, alam ko kahit hindi mo ipakita at sabihin sa akin, alam kong

