Chapter 4

1076 Words
Nang ganap na mapag-isa sa may kwarto ay mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Bakit tila may nag-iba talaga rito? Nang mahimasmasan ay mabilis niyang pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga mata niya at inayos ang kama para mahiga. Kahit nakahiga na ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Mahigit isang oras na kasi nang lumabas si Mateo sa may kwarto nila at hindi pa ito bumabalik. Pero ilang sandali pa ay narinig na niya ang tunog ng seradura ng pinto. Mabilis naman siyang napapikit at nagkunwaring natutulog na. Naramdaman niya nang lumundo ang kama at ilang sandali pa ay narinig na niya ang malalalim nitong hininga tanda na tulog na ito. Nang masigurong tulog na ito ay maingat siyang gumalaw para pagmasdan ito. Kahit mukha ng asawa niya ang nakikita ay tila iba ang pakiramdam niya, bakit tila ibang tao ang katabi niya ngayon at hindi ang asawa niya? Pero mabilis niyang ipinilig ang ulo at iwinaksi ang iniisip. Marahil ay matindi lang ang pinagdadaanan nito sa may opisina kaya mabilis itong magalit. Sa dami ng iniisip ay hindi niya namalayang mabilis na rin pala siyang nakatulog. Nang magising siya ay mabilis siyang napabalikwas ng bangon. Nang tumingin sa may kama ay wala na roon si Mateo, agad siyang napatingin sa may orasan at nakitang alas-sais na pala ng umaga. Mabilis siyang bumangon at naghilamos pagkatapos ay nagmamadaling lumabas, hindi na niya pinagkaabalahang palitan ang pantulog na damit. Agad niyang sinilip ang anak niya at napangiti siya nang makitang masarap pa rin ang tulog nito. Alas-otso pa kasi ng umaga ang pasok nito sa may school kaya mamaya na niya ito gigisingin at magluluto na muna siya. Kaagad niya namang hinanap si Mateo pero wala ito. Nagkibit-balikat na lamang siya at nagsimulang magluto. Halos nasa kalagitnaan na siya ng pagluluto nang makarinig siya ng tikhim. Nang mapalingon dito ay nakita niya ang seryosong mukha ng asawa niya. Mabilis siya nitong hinagod ng tingin na siyang ikinailang niya. "What are you doing?" kunot-noong tanong nito. "Ha?" "Bakit gan'yan lang ang suot mo?" dinig sa boses nito ang pagkairita. Nang bumaba ang tingin niya sa sarili ay siya naman ang napakunot-noo. "May problema ba sa suot ko, love?" Pero sa halip na sumagot ay nilapitan siya nito pagkatapos ay pinatay ang kalan at mabilis siya nitong kinaladkad papunta sa may kwarto. "Are you seducing me?" nagbabaga ang mga matang tanong nito. "Ha? Mateo, ano bang pinagsasabi mo? Hindi ba ikaw ang may gusto na ganito ang mga isuot ko? Hindi ba ay ikaw pa mismo ang personal na namili at bumili ng mga ito?" nagtatakang tanong niya rito. Mabilis naman itong natigilan. "Then, I already changed my mind," iritang sabi nito sa kan'ya. "Anong ibig mong sabihin?" "Look at yourself, aninag na aninag ko iyang mga u***g mo mula sa may damit mo, do you really want to brag your n*****s infront of your son?!" Mabilis naman siyang napalunok sa sinabi nito. Akmang tatalikod na siya nang haklitin nito ang isang braso niya. "Anong oras ang pasok ni Thor?" "A-Alas-otso, bakit?" "Be ready at exactly 10am, may pupuntahan tayo." At mabilis na siya nitong binitawan at mabilis na lumabas ng kwarto. Naguguluhan at nagugulat man sa mga inaasal nito ay mabilis siyang nagpalit ng isang simpleng oversize shirt at lumabas. Kailangan niyang magmadali dahil baka dumating na ang school bus ni Thor. Ilang sandali pa ay ginising na niya ang anak at pinaliguan bago pakainin. Nang ganap na makaalis ang bus na sinasakyan ni Thor ay nagulat siya nang hilain na naman siya nito papasok sa loob ng bahay nila. "What do you think you are doing?" naniningkit ang mga matang tanong nito. "Ha?" naguguluhang tanong niya. "Ganiyan ba ang ginagawa mo kapag wala ako?" kita pa rin ang dilim sa mga mata nito. "Love, ano bang pinagsasabi mo?" "Inaakit mo ba iyong school bus driver ni Thor?" at lalo pang naningkit ang mga mata nito. "Mateo!" gulat na gulat na sabi niya. "Bakit ganoon mo na lang iyon titigan?" inis pa rin na sabi nito. "Mateo! Hindi siya ang tinitignan ko kung hindi si Thor," mariing paliwanag niya rito. "Whatever! Pumasok ka na." Iritableng sabi pa rin nito bago tuluyang nagmartsa papasok sa loob ng bahay. Mabilis naman niyang inayos ang hapag-kainan para makakain na rin silang dalawa ni Mateo, pinauna na niya kasing pakainin ang anak dahil baka ma-late pa ito. Simangot pa rin ang mukha ng asawa niya nang ganap na makaupo sa may harapan ng lamesa. Nakanguso pa ito, at tila may isang imahe ng tao siyang biglang naalala. Ito lang kasi ang lalaking kakilala niyang mahilig sumimangot habang nakanguso. "Why are you staring me like that?" seryosong tanong nito na ikinabalik niya mula sa balintataw. "Ha? Wala, love." ngiti niya at lumapit dito para bigyan ito ng kanin at ulam. "You don't have to do that, I still have my hands. Hindi naman ako baldado," seryosong sabi nito sa kan'ya. "Pero love, hindi ba ay gustong-gusto mong pinagsisilbihan kita? At ang isa pa, nakasanayan ko ng gawin sa inyo ito ni Thor," nakangiting sabi niya rito. "Then from now on, ayoko ng ginagawa mo akong inutil. I can eat alone," seryoso pa rin na sabi nito habang nakatitig sa kan'ya na siyang ikinailang niya. Bakit tila pati pagkislap ng mga mata nito ay nag-iba? "Why are you still standing there? Let's eat." Matigas na sabi nito at mabilis nang kumain habang siya ay wala sa sariling tumango-tango lang dito. Mabilis siyang naligo at nagbihis pagkatapos niyang hugasan ang mga pinagkainan nila. Isang simpleng white dress ang suot niya at naglagay ng manipis na make-up. Ang gusto kasi ni Mateo ay lagi siyang magmukhang kaaya-aya. Naunang lumabas si Mateo sa kan'ya kaya nagmadali na siya. Nang makita siya nito ay mabilis naman itong natigilan at napakunot-noo. May problema na naman ba sa suot niya? "Are you going to a party or something?" inis na tanong na naman nito. Mabilis na naman siyang napakunot-noo. Ano na naman ba ang problema nito? "May mali ba sa suot ko?" Pero imbis na sagutin ay mabilis na itong tumalikod sa kan'ya at mabilis na sumakay ng sasakyan. Mabilis naman siyang sumunod dito pagkatapos ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Habang nagmamaneho ito ay nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa may tinatahak nilang daan. "Love?" pukaw niya sa atensiyon nito. "Uhm," mahinang sagot nito pero hindi ito nag-abalang tumingin sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD