Seryosong napatingin naman si Mateo sa kan'ya lalo na sa may parteng dibdib niya dahil nahulog pala mula sa may balikat niya ang isang strap ng nighties na suot niya.
Dahan-dahan naman siyang napatayo at napakunot-noo na bumaling dito. "Mateo, ano bang nangyayari sa iyo? May problema ba?"
Parang bigla naman itong nahimasmasan at nagbago ang ekspresyon ng mukha. "I am sorry, I am just really tired. Matulog na tayo." Seryosong sabi nito at tuluyan na ulit nahiga at pumikit.
Malalim naman siyang napabuntong-hininga. Bakit parang may mali?
Wala siyang nagawa kaya nahiga at natulog na lamang sa tabi nito.
Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na siya, kaagad niyang sinilip ang anak niya at nakitang masarap pa ang tulog nito. Kaagad naman siyang nagluto ng breakfast, hindi kasi sanay si Mateo na kumain lang ng tinapay kapag umaga.
Nang makapag-luto ay sakto naman ang pupungas-pungas na anak niya habang naglalakad papunta sa may kusina.
"Good morning, anak." Ngiti niya rito sabay yakap at halik sa may pisngi nito.
"Mama, si papa po nandito pa siya hindi ba?" seryosong tanong nito sa kan'ya.
"Oo naman, bakit mo naman natanong iyan, anak?" takang tanong niya rito.
"I had a dream po kasi mama, may masama raw po kasing nangyari kay papa," malungkot na sabi nito habang nangingilid ang mga luha.
Mabilis naman niya itong binuhat. "Anak, it's just a dream okay? Papa is here, walang mangyayari sa kan'yang masama." Ngiti niya rito sabay punas ng mga luha sa may pisngi nito. Pagkatapos ay marahan na rin niya itong ibinaba.
Inakay niya ito papunta sa may lamesa at iginawa ng cereals nito. Kumakain na ito nang dumating ang bagong ligong si Mateo.
"Good morning, papa!" masayang bati ni Thor dito.
"Morning," at tipid itong ngumiti.
"Kumusta ang tulog mo?" Tanong niya rito habang ipinagtitimpla ito ng kape. Dinagdagan niya ito ng creamer dahil gusto ni Mateo ang creamy na kape.
Nang ilapag niya ang kape rito ay napakunot-noo nito iyong tinitigan. "What is this?" takang tanong nito sa kan'ya.
"Your coffee? Ayaw mo na ba ng kape?"
"Palitan mo, I want it black," seryosong titig nito sa kan'ya.
Heto na naman ang mga mata nitong madilim kung makatingin.
"Ha? Pero Mateo, hindi ba ay hindi ka umiinom ng black coffee--"
"I want to try new things," putol nito sa sasabihin niya.
Ilang sandali siyang napatitig dito bago tuluyang pinalitan ito. Siya na lang ang iinom ng kapeng ginawa niya dahil sayang naman ito.
Habang nasa may hapag-kainan ay sobrang tahimik nito, ibang-iba sa Mateo na mag-kwekwento ng mga nangyari rito tuwing bumabalik ito galing business trip.
"K-Kumusta naman ang business trip mo sa Singapore?" siya na ang kusang nagbukas ng usapan.
Bahagya lang itong natigilan bago tumingin sa kan'ya. "It's fine," tipid na sagot nito.
"Papa, wala po ba akong--"
"We are eating, can we just continue this discussion later?" iritang putol nito sa sasabihin ng anak.
Gulat naman siyang napatingin dito, pagkatapos ay napalingon sa malungkot na mukha ng anak.
"Anak, halika na. Tapos ka na sa cereals mo? Paliguan na kita." Ngiting baling niya rito pagkatapos ay mabilis nang tumayo at inakay ito pababa ng upuan at binuhat papasok ng kwarto nito.
"Mama, bakit po ganoon si papa?" malungkot na tanong ng anak habang pinapaliguan niya ito.
"Hayaan mo na muna ang papa mo anak, baka marami lang siyang iniisip." Ngiti niya rito at ipinagpatuloy na niya ang pagpapaligo rito at mabilis itong binihisan.
Inabot niya muna rito ang ipad nito bago siya tuluyang lumabas para iligpit ang pinagkainan.
Nang matapos ang lahat ng kailangang gawin sa may kusina ay mabilis niyang pinuntahan si Mateo na nakaupo habang nakaharap sa laptop nito.
"Mateo, mag-usap nga tayo," seryosong sabi niya rito.
"What?" iritableng sagot nito pero ni hindi makuhang tumingin sa kan'ya.
"Ano bang problema mo? Bakit pati kay Thor ay gan'yan ang pakikitungo mo? May nangyari ba sa Singapore?" Seryosong tanong niya rito at mabilis itong nilapitan.
"I told you, wala," balewalang sagot nito.
"Pero bakit ka nagkakagan'yan?!" Hindi na niya maiwasang sumigaw at hilain ang isang balikat nito para mapatingin sa kan'ya.
Nanlilisik ang mga matang napatingin ito sa kan'ya at pabalyang tumayo. "Damn! Are you shouting at me, Luisa?!" Galit na sigaw nito at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang isang braso niya.
"Mateo!" gulat na gulat na sabi niya rito.
"Bullshit!" Galit na sabi pa nito bago padabog na binitawan ang braso niya.
Nang tignan niya ang braso niya ay bakat na bakat pa mula roon ang mga daliri nito.
"Dalawang buwan kang nawala, Mateo! Pagkatapos ay babalik ka na ni wala man lang paliwanag?!" inis na sabi niya rito.
"Ano bang klaseng paliwanag ang gusto mo, ha? Ah! Alam ko na, baka naman naiinis ka kasi dumating ako pero hindi ako sabik sa iyo. Ganoon ba?" ngisi nito sa kan'ya.
Matagal niya itong tinitigan sa mga mata bago sumusukong napaiwas ng tingin. Akmang tatalikod na siya nang mabilis siya nitong hawakan sa isang braso.
"I am still talking to you. Huwag kang bastos, Luisa!" mariing sabi nito sa kan'ya.
"Ano pa bang pag-uusapan natin? Hindi ba nga ay sabi mo ay wala kang dapat ipaliwanag? Then, be it!" inis pa rin na sagot niya.
Pero mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot niya kaya mabilis siya nitong nahila at naitulak sa may kama.
Nang kumubabaw ito sa kan'ya ay damang-dama niya ang init ng buong katawan nito.
"Mateo!"
"Why, Luisa?" Amused na amused na tanong nito sa kan'ya habang malaya nitong tinititigan ang buong mukha niya at mabilis na dinala sa may ulunan niya ang dalawa niyang mga kamay.
"Bitawan mo ako, marami pa akong kailangang gawin." Iwas niya ng tingin dito at pilit inaalis ang pagkakadikit ng mga kamay niya sa may kama.
"You want my attention, right? I am giving it to you now." Seryosong sabi nito pagkatapos ay mabalasik siyang hinalikan sa may labi.
Halos mapugto na ang hininga niya sa tindi ng pagkakahalik nito. Halos kagatin, hilain, at sipsipin na kasi nito ang mga labi niya.
"Mateo, ano ba!" galit na sigaw niya rito nang bumaba pa ang mga halik nito sa may leeg niya at tila nag-iiwan ng mga marka.
Galit itong napatigil bago siya padabog na binitawan. "Hindi ba at nagpapapansin ka?! Ngayong pinapansin na kita, aarte-arte ka!" Inis na sabi nito bago siya tuluyang iniwanan sa kwarto at pabagsak na isinara ang pintuan.
Naiwan siyang nakatulala at nagtataka sa nakakapanibagong ugali ng asawa.