Kinabukasan ay nagkunwari siyang masama ang pakiramdam niya para hindi siya makasama sa mga ito. Pinang-pump na lang niya si Trisha ng gatas para may mainom ito. Iniwasan rin niyang makipag-usap at makasalubong si Travis. "Mama, are you okay? Your eyes are swollen po kasi," biglang sabi sa kan'ya ni Thor na gwapong-gwapo sa suot nito nang puntahan siya nito sa may balkonahe habang malalim siyang nag-iisip. "Okay lang si mama, anak." Pilit na ngiti niya rito. "Mag-enjoy ka sa pupuntahan niyo okay?" "Mama, ayaw ko na pong sumama. Babatayan at aalagaan ko na lang po kayo," seryosong sabi ni Thor sa kan'ya kaya biglang nawala ang mga ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng kakaibang pakiramdam. Parang gustong magtubig ng mga mata niya. Kinuha naman niya ang magkabilang mga kamay nito at pi

