"Uy, Ate Luisa! Si Travis Williams ba iyong naghatid sa iyo kanina?" biglang sabi ni Jinky na kanina pa siya kinukulet. Mukhang nakita kasi nito si Travis kanina nang bumaba ito saglit para pagbuksan siya. Sa halip na sagutin ito ay umiling na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa, brask-time kasi nila ngayon at may exam sila sa susunod na subject nila. "Bakit mo ba tinatanong, ha? Landi mo girl," inis na sabi ni Riza kay Jinky na kanina pa mukhang nag dadaydream. "Siya kasi iyong nasa may magazine roon sa may convenient store na pinagbilhan ko ng slurpee kahapon. Mas gwapo pala siya sa personal." Ngiting-ngiting sabi nito. "At paano naman iyon makikilala ni Ate Luisa, aber? Ang mga simpleng ganda natin ay hindi mapapansin ng mayayaman no," inis na hirit pa ni Riza rito. "Huwag

