Napangiti siya nang lumabas sina Travis at Thor mula sa kwarto. Alam niyang napaamo na ito ni Travis dahil doon naman ito talaga magaling, ang paikot-ikutin ka pagkatapos ay basta ka na lang iiwan. "Luisa, okay ka lang ba?" biglang tawag sa kan'ya ni Ate Nilda. Mabilis naman siyang natauhan at napagtantong nakaupo na pala sa may harapan niya ang mag-ama. "Papa is going to stay here with us for a week," masayang anunsiyo ni Thor sa kanila. Mabilis naman niyang nalunok ang kinakain niya kaya muntik na siyang mabulunan. Mabilis naman siyang inabutan ng tubig ni Ate Nilda. "Why? May problema ba?" kunot-noong tanong ni Travis. "Uhm, ano kasi. Alam mo naman na dalawa lang ang kwarto rito sa may bahay. Si Ate Nildaay sa sala lang natutulog, pagkatapos ay magkasama na sina Thor at Trisha sa

