Kita naman niya ang gulat sa mukha ni Tuper nang lingunin niya ito. "Hindi ko alam na may bisita ka pala, Luisa." Biglang seryosong sabi nito sa kan'ya at mabilis na tumayo. Kita naman niya ang biglang pagsalubong ng mga kilay nito. "Do I look like a visitor to you?" mariing sabi nito. "Hindi ka naman dito nakatira kaya bisita ka pa rin," seryosong sagot naman ni Tuper. "Ahm, Tuper ang mabuti pa ay hintayin mo na lang ako sa may canteen, puntahan na lang kita mamaya. Patapos na rin naman ako," alanganing sabi niya. Mukhang nagkakainitan na kasi ang dalawa. "No. Ako na ang maghahatid sa iyo mula ngayon habang nandito ako,"matigas na sabi nito. "Hindi na kailangan pa, Travis. Mas komportable ako kung si Tuper na lang ang maghahatid sa akin," seryosong sagot niya rito. Kita naman niya a

