"Sorry Luisa, kung matanong ako." Tipid na ngumiti lang siya rito at tumango. "Nandito na tayo," anunsiyo ni Tuper nang makarating sila. "Kapag may ibang lugar ka pang hindi alam, pwede kang magtanong sa akin." Ngiti nito. "Salamat, Tuper. Thor, say thank you kay Tito Tuper." Baling niya sa anak. "Thank you po. Ba-bye!" At kumaway pa ang anak niya rito. Mabilis silang nakahanap ng mga murang gamit. Tinatanong niya rin ang anak niya kung gusto nito ng laruan pero ang sabi nito ay ibili na lang nila ng gamit sa bahay. Masaya siya na sa murang edad ay nakakaintindi na ang anak niya. Halos alas-dos na ng hapon nang makauwi sila dahil sa pag-iikot. Nang makauwi ay nadatnan na nila si Travis na nakaupo sa may sala at may hawak na bote ng alak. "Meds, ang aga naman yata niyan." At mabili

