Mabilis naman siyang natigilan. Ito pala si Hannah? Palihim niya itong tinignan mula ulo hanggang paa. Maganda pala ito at sexy. Morena ito na may kulay ash blonde ang maikling buhok. Bago pa siya makapagsalita ay mukhang nakita na ito ni Travis. "Oh, Hannah. What are you doing here?" At mabilis itong lumapit sa kanila. Nakaligo na pala ito. Kita naman niyang natigilan ang babae bago sumagot. "Ah, wala. Naiwan mo kasi itong pamunas mo. Baka kako kailangan mo." Ngiti nito kay Travis. "Ah ganoon ba? Pasok ka muna," aya ni Travis. Tumango naman ang babae at inilibot ang mata nito sa tinutuluyan nila. "Maganda naman pala itong inuupahan niyo pero medyo mahal. May pinapaupahan din kasi akong bahay sa may tabi ng bahay ko," baling nito kay Travis. "Ah hindi na, okay na kami rito," mabilis

