Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil sa gulat na nararamdaman. Ilang sandali lang ay humarap siya kay Jinky. "Jinks, you told me that our investor is Ms. Mauricio?" kunot-noong tanong niya rito. "Yes, that's correct, Luisa. I am Ms. Nicole Mauricio," biglang sagot ni Nicole na mukhang narinig ang sinasabi niya. Mabilis naman siyang napalingon dito habang napapalunok. "I didn't know that it's you," seryosong sabi niya. "Why, Luisa? Do you mind?" seryoso ring sabi nito. "No, I don't." At mabilis siyang ngumiti rito. "Please sit down." At itinuro ang mga bakanteng upuan na nakahanda para sa mga ito. Mabilis naman siyang pumunta sa may harapan kahit ang totoo ay hindi siya komportable. "Allow me to introduce myself. I am Ms. Luisa Guillermo, the Ceo of this company and this is Jinky Jim

