Ano bang trip nito? Bakit bigla-bigla na naman itong sumusulpot. Akmang pipihitin niya ang pinto nang bigla itong mag-lock. Nang humarap siya rito ay nakangisi lang ito sa kan'ya. "Ano ba talagang kailangan mo?!" naiinis na sabi niya rito. "I just want to know how miserable you are right now." "Ano?" "Pinapahirapan ka na ba ng asawa mo?" "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ganoong klase ng tao si Mateo," pagsisinungaling niya rito. "Really? amused na sabi niya. "Is he a Saint to you? Gan'yan ba kataas ang tingin mo sa asawa mo?" "Pwede ba Travis, buksan mo na ito at bababa na ako. Hinihintay na ako ng asawa ko," seryosong sabi niya habang binigyan diin niya ang salitang asawa. "As if maniniwala ako sa iyo, Luisa. He is not waiting for you because he is waiting for another woman." "Pw

