Ilang oras na akong naka upo dito. Hindi ako mapakali. I'm sure something happened downstairs. I heard a loud bang, linukuban ako ng kaba. Ang lakas ng pintig ng puso ko at bumibilis ang pahinga ko. Napatingin ako sa pintuan.
Parang may sariling buhay ang aking mga paa. Lumakad ang mga ito sa pintuan. Pinihit ko ang door knob at nakahinga ng maluwag nang hindi naka lock iyon. I open the door.
Tumingkayad ako habang naglalakad. Isang putok ng baril ang nakakapag patigil sakin. Yumuko ako at hinawakan ang aking ulo. Napasigaw ako sa gulat. Naiiyak ako. Kael suddenly appeared on my mind.
Baka sinaktan siya ni Drakke, baka balak siyang patayin nito. Kinakabahan man ay pinilit ko paring tumakbo papunta sa may hagdanan.
"YOU TOOK HER AWAY FROM ME!! INIINGATAN KO SIYA KAEL!" rinig kong sigaw ni Drakke. Napatigil ako sa paglalakad. I listened. He cried? He screamed as if he was out of control.
"I FOUND HER FIRST! YOU WERE THE REASON WHY WE LOST HER!" Sigaw ni Kael. Galit siya pero may kaunting lungkot sa kaniyang mga mata.
"Please, ibigay mo siya sakin" Drakke sound desperate. Sino ba ang pinag a-agawan nila?
"The Del Fierro Family is searching for her" si Kael. Hindi na talaga ako humakbang pa at nanatili nalang sa kinatatayuan.
"I know, just give her to me please. She lost her memory. She is scared of me Kael" nagmama kaawang ani ni Drakke. My heart hurt hearing him struggle and in pain.
"No!"
A continuous shots were fired again and again. Napayuko ako at napaiyak. Pero kahit na natatakot tumakbo ako pababa and there I saw Drakke. He shot everyone. He shot the maid, his bodyguards, sinusugatan niya ang sarili. Para siyang... baliw.
"Volkov give me the medicine please!" Sigaw ni Kael. Hindi nila ako napansin. Ang mga gamit ay nagkalat, I saw a familiar woman lying on the floor. May tama siya sa gilid. I crawled up to her and was taken aback when I saw Shermaine in a critical state.
Hinawakan ko ang sugat niya. She looked at me with surprise in her eyes. Palinga linga ako sa paligid. No one notice me. Ang daming mga bodyguard na nakahiga sa sahig blood is everywhere. This familiar scene. It feel so familiar. Unti unting sumasakit ang ulo ko habang nakatitig kay Drakke nag wawala.
"I LOST HER!! I LOST HER KAEL!!" sigaw niya, hindi ko mapigilang maiyak. He is crying and screaming desperate to find someone he couldn't. Kael was just standing there blood is on his blazer. Natamaan din si Kael.
I felt a hand on touch mine. I look at Shermaine.
"H-help him please" pagmamakaawa niya.
"Help my older brother....." Sino ang tinutukoy niya. I look at Kael who's struggling because of his wound.
"Help Drakke" nanghihina niyanh sabi. Parang tumigil ang mundo ko sa narinig.
"Serene" tawag niya, kunot noo ko siyang tinignan. Pumikit siya ng mariin. May dugo na ang mga kamay ko.
"f**k YOU!!" Sigaw ni Drakke at hindi nagdadalawang isip na iputok ang baril. The world slow down as I stared at Kael's shocked expression. Nakatitig ako sa kaniyang likod. Parang nahulog ang puso ko sa tiyan sa sakit nun.
Ang mga mata ni Drakke ay puno ng galit at poot habang umiiyak. He kept on firing the gun he was holding. Wala akong ibang narinig kundi ang sarili kong mabibigat na hininga kasabay ng t***k ng puso ko.
Namamasa ang aking mga mata dahil sa luhang dumadaloy. Drakke is a beast. I was captive by the don. I was captive by the beast.
Malalaki ang hakbang ko papalapit sa kaniya. I heard Kael called, but my body won't react to him. Dire-diretso ang aking lakad papunta sa kinaroro-onan ni Drakke. I felt pain inside my chest when I came close to him. Tinatadyakan niya ang mga gamit na humarang sa kaniya.
"SERENE!" He kept on calling a name that I don't know. Something is pushing me to comfort him. To hug him. He was about to pull the trigger to kill manang Elvie when he stops. I wrapped my arms around him while crying. Ibinaon ko ang aking luhaang mukha sa likod niya.
Natigilan siya kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.
"Bali" I called. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang salitang yun pero kailangan kong sabihin. Kailangan kong sabihin na para bang gamot iyon ng kaniyang pagwawala.
He cried again but this time no violent reactions.
"Tama na please" pagmamakaawa ko sa kaniya. Nagulat nalang ako nang may biglang tumusok sa braso niya. Dumaing si Drakke ng malakas. Tinignan ko si Volkov na bakas naman sa mukha ang kaba at takot.
Naramdaman kong humina ang katawan ni Drakke. Hanggang sa unti unti siyang nawawalan ng malay. Masyado siyang mabigat, hindi ko ma a-aalalayan kaya tinulungan ako ni Volkov.
Nakahiga na si Drakke ngayon. Naka pulupot ang isang braso sa kaniyang balikat. Pinadagan ko ang aking kaliwang kamay sa kaniyang buhok at inayos iyon. I cupped his face and stared at it for a while. Ngayon wala na siyang laban. Para siyang batang natutulog sa braso ko.
"Ikarga na natin siya sa SUV madam" sabi ni Kairos. Tinignan ko siya sandali at tumango. Inalalayan nila ang kanilang boss papunta sa sasakyan.
Pinalis ko ang luha ko at nagtungo kay Kael na ngayo'y naka sandal na sa pader. Hindi ko pa ma process kung ano ba talaga ang nangyayari. He looked at me proudly.
"Mag ingat ka dun please" he said in a low and sad voice. Naka hawak ang kamay niya sa kaniyang gilid kung saan siya natamaan kanina. My eyebrows furrowed and began to cry again. But, he just chuckled. He held my hand.
"I'm okay, tinawagan na ni manang Elvie si Prianka" sabi niya sakin. Tinignan ko si Shermaine na wala nang malay at pagkatapos tinignan si Kael. He smiled faintly.
"She's okay, nahimatay lang yan" hindi ako umimik at tinititigan lang siya. Nalimutan ko ang sinabi ni Shermaine kanina, parang napaka importante nun.
"Sige na, kaya na namin to. Tatawag nalang ako kapag okay na ako. This time you need to go with Drakke. He badly needs you Maia" He said in a weak voice. Tumango nalang ako at sumunod kay Volkov. Ayaw ko man ay kailangan dahil natatakot ako na baka babalik si Drakke sa ganoong ayos. Ayaw kong makita ko siyang naging ganuon dahil nasasaktan din ako kahit wala naman talaga kaming koneksyon.
Sumakay ako sa SUV, katabi ko si Drakke. Tulog parin ito. Ang driver ay si Kairos at ang nasa passenger seat naman ay si Volkov.
Pinahiga ko si Drakke sa aking mga hita. Naka tuko ang kaniyang mga binti sahil masyadong mataas yun. He groaned. Pinadagan ko ang aking mga daliri sa kaniyang buhok habang mataman siyang tinititigan.
Napaka-amo ng kaniyang mukha na para bang hindi siya nagiging agrisibo. Kapag gising naman siya ay napaka lamig niya gaya ng yelo. Ang kaniyang mga mata ay para bang nakakita ng pagtatraydor, sakripisyo, dugo at iba pang karumal dumal na gawain.
Minsan naisip ko, kahit anong gawin ko. Kahit anong gawin ko para itaboy siya at takasan siya, sa huli uuwi parin ako sa kaniya na walang klarong dahilan kung bakit kailangan.
Para bang kilala niya na ako samantalang wala akong ideya kung sino siya. Ang kakampi ko lang ay ang isang katiting na ala ala na lumalabas sa panaginip ko na hindi ko man lang mawari kung totoo ba.
I am starting question his true motives, identity and many aspects of his life. Parang may bumubulong sakin na alamin yun.
Sino kaba talaga Drakke Callahan Villadoble?