Kahit di ko alam kung paano ako haharap kay Rex ay nilakasan ko ang loob ko na g pumasok ako sa opisina niya.
"Goodmorning," pambungad na bati ko kay Rex na busy sa kung anong ginagawa niya.
Tumingin lang siya sa akin na blangko ang mukha. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya dahil noong isang araw na nagusap kami ay umalis ako. Ngayon ay nakaupo ako sa tapat niya at tinitignan ko ang schedule niya.
"Bakit wala ka kahapon?"
Napaigkad ako sa gulat ng magtanong siya.
"Ah may inasikaso ako kay nanay," pagsisinungaling ko. Na di makatingin sa kanya.
"Sorry."
Narinig ko na sinabi niya na hindi ko namalayan na andito na siya sa tabi ko.
"Sorry saan?" halatang natataranta ako dahil parang di ko pa ata kaya na harapin siya kahit na alam ko sa sarili ko na may nararamadaman din ako sa kanya.
Dahil sa nakakatarantang tagpo na iyon ay tatayo na sana ako ng humarang siya at hinawakan ang balikat ko para di ako makatayo.
Ngayon ang ayos namin ay nakaupo ako at nakatayo sa harap ko.
Di ako makatingin sa kanya.
"Sorry,kasi di ko inisip yung mararamdaman mo. Alam ko na hindi ka aware sa ganito pero ang gusto ko lang ay malaman mo iyon. Kasi ako ay nahirapan. Pinilit ko na pigilan pero hindi ko kaya." Sabi niya na sa puntong iyon ay napatingin na ako sa kanya.
Huminga ako ng malalim at dahan dahan na tumayo. Tinignan siya.
"Wala kang kasalanan Rex. Ang totoo niyan ay mula noong pumasok ako dito sa restaurant mo at nakilala kita ay may iba akong naramdamang koneksyon. Noong nakulong tayo sa bodega last time. Ay dun ko naramdaman yung kakaiba na dapat nararamdaman ko lang sa babae."
Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang mga susunod na sasabihin ko.
"Nakompirma ko ang feelings ko sayo noong nagpunta tayong baguio. Noong time na hahalikan mo ako. Wala akong balak na ilihis ang mukha ko kasi para talagang hinahatak na halikan kita."
Hi di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay niyakap na niya ako ng sobrang higpit.
"Gusto kita Patrick," bulong niya habang akap niya ako. Ginantihan ko din siya ng yakap.
"Pero ..," pagkalas ko sa yakap niya.
"Hindi madali ito para sa atin. Paano mo sasabihin sa mga magulang mo? Paano natin sasabihin dito sa mga katrabaho natin?" sunod sunod na tanong ko.
At ang tanging sagot lang niya ay,"eh di itago muna natin."
Tumawa siya na parang nanloloko. Pero nag seryoso siya,"hindi natin itatago, kasi gusto ko na tanggapin nila tayo kung ano man ang meron tayo. Yung mga katrabaho natin dito sa restaurant sure ako na maiintindihan nila tayo. Sa mga magulang ko ay saka ko na pro-problemahin iyon."
Tinignan niya lang ako ng tingin na di ko pa nakikita. Yung mga mata niya na kita ang saya at pagmamahal niya.
Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para maamoy ko na ng hininga niya na ilang beses ko na din naman na naaamoy.
Sa paglapit ng mukha niya ay tila bumagal ang oras. Pakiramdam ko na wala ako dapat ikatakot. Unti unti kong naramdaman ang pagdampi ng malambot na mga labi niya sa labi ko.
Kahit unang beses ko na maranasan ang mahalikan ng kapwa ko lalaki ay di ko inisip iyon. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ko ang pakikipagtalo sa mga labi niya kasama ang dila niya.
+
Lunch break na at dahil para akong nasa himpapawid pa dahil sa nangyari na for the first time na nakipaghalikan ako sa kapwa ko lalaki. Pero ang pagkakaiba ay mahal namin ang isat isa.
Habang nasa locker ay bigla kong naalala ko si Christian kasi mula kaninang umaga ay di ko pa siya nakikita.
Tatanungin ko sana si Mrs. Cherry ay bigla naman dumating na si Rex at inaya na niya ako. At kakain daw kami sa isang Chinese restaurant. Nagsawa na siguro dito sa restaurant niya.
Habang palabas kami ng restaurant ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Dahil sa gulat ko at hiya dahil sa dami ng tao ay bumitaw ako agad. Pero kahit na bumitaw ako agad ay alam ko na nakita ng mga ibang waiter ang ginawa ni Rex.
+
"Ui nakita nyo din ba kanina. Parang may kakaiba kila sir Rex at Patrick kanina?" narinig ko na habang nasa labas ako ng c.r. Sabi ng isang lalaki sa kausap niyang mga lalaki din. Malamang sila yung mga waiter kanina na nakakita sa anin ni Rex.
Dahil ayaw ko naman na mapahiya at di nalang ako pumasok sa c.r. At dumiretso sa opisina.
Nang umupo ako sa pwesto ko ay biglang pagpasok ni mrs.Cherry.
"Hi sir Rex, si Christian po pala ay nag file ng leave. Humingi po siya ng 1 week dahil daw po ay aasikasohin daw siya sa probinsya nila."
Bigla naman akong nagulat at napatayo.
"Ah mrs. Cherry totoo po bang nag file si Christian ng leave at di man niya ako sinabihan."
Agad kong kinuha ang selpon ko at tinawagan si Christian ngunit di sumasagot. Hindi man lang niya ako sinabihan.
Tinext ko siya,"Buddy,kamusta. May problema kaba?"
"Sagutin mo naman mga tawag at txt ko."
+
Dahil sa haba ng araw. Sa daming tumatakbo sa isip ko. Si Christian na hindi ko alam kung ano ang problema. At kung paano namin ipapaliwanag sa mga katrabaho namin yung tungkol sa amin ni Rex.
Nakatulog na pala ako sa lamesa ko.
Bigla ko nalang naramdaman na may tumatapik sa pisngi ko.
Dinilat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang nakangiting si Rex.
"Tara na,hatid na kita," aya niya sakin na. Inayos ko naman ang sarili ko. At tumayo at tinungo ang locker room para kuhanin ang gamit ko.
Paglabas namin sa dining area ay wala nang tao. Pagkita ko sa relo ko na bigay din ni Rex ay 11:00 na pala.
+
Bago ako bumaba sa sasakyan ay kung anong sinesenyas nitong si Rex. Ngumunguso siya. Dahil medyo matagal ko bago nagets kung ano ang gusto niya ay tila nagtampo na ang itsura ng mukha niya.
Itutuloy......