Chapter 1: Encounter
"Anak, Patrick gising na," sigaw ni nanay habang kumakatok sa kwarto ko.
Tag-ulan noon at talagang masarap matulog pero kailangan bumangon.
"Akala ko ba anak ngayon ang interview mo sa trabaho?" Tanong sakin ni nanay habang naghahanda sya ng almusal.
Parang may biglang bumatok sakin bigla at nagising ang diwa ko sa narinig ko. Tinignan ko ang orasan at 7:30 na nga ng mga sandaling iyon. Mabilis kong tinungo ang banyo para maligo. Talagang nawala sa isip ko ang interview ko ngayon.
Habang inaayos ko na ang mga dapat dalhin au biglang tumunog ang selpon ko.
"Goodmorning kuya," bungad agad sakin ni Jayjay na nasa kabilang linya.
"Oh jay nagmamadali ako huh!" sigaw ko sa kanya. Na ang totoo ay nasa kabilang kwarto lang siya at mahilig talagang tatawagan pa niya ako sa umaga 'di ko alam sa batang iyon, eighteen-years old na sya pero parang bata pa din.
+
Ako nga pala si Patrick Mark M. Dela Cruz, 22 year-old at panganay. Di naman katangkaran,moreno at good-looking sabi ni nanay haha. Mula noong namatay si tatay 2-years ago, huminto na ako sa pag-aaral kasi hirap na din kami tanging si tatay lang kasi ang nagtra-trabaho noon sa amin. Ngayon nga na wala na siya, ako na ang magtra-trabaho para sa amin at para mapagtapos ko nang pag-aaral ang kapatid ko.
+
"Excuse me po, hello po ako po yung aplikante para sa waiter position may interview po ako ngayon," bungad ko sa guard na nasa harapan ng isang Pinoy Cuisine Restaurant.
"Hi hello sir, ah kayo po ang papasok na bagong waiter, sige po tuloy kayo," masayang tugon naman sakin ni manong gwardya.
Pagkapasok ko namanghanga ako dahil ang ganda ng desinyo ng loob ng restaurant. Feel na feel mo ang pagka-pilipino. May bahay-kubo,bukid at bundok na naka pinta sa pader. At yung mga ilaw,upuan ay makalumang disenyo.
Dahil nga mag-aalas-dyis na nung nakarating ako ay may mga kumakain na. Nabasag ang pagkamangha ko nang may biglang tumawag sakin.
"Mr. Dela Cruz, bakit ngayon ka lang?" Tanong nang isang babae naka-suot ng itim na uniform.
"Aaah..mam..sorry po," maikling tugon ko. Di ko pwedeng sabihin na na-late ako ng gising kasi panigurado baka makaapekto sa interview ko.
"Sige sumunod ka," masungit na tono nya sa akin.
Pumasok kami sa isang kwarto. At sinimulan na namin ang interview.
"Okey Patrick, bukas magstart kana huh, ayoko ng late." Seryosong sabi ni Mam Cherry, ang head waiter ng resto.
"Salamat po mam. Promise po di ako mala-late bukas," masayang tugon ko naman.
Masaya akong lumabas ng resto at tinungo ang isang burger store malapit dito. Kanina pa kasi nag-aaway ang mga alaga ko sa tiyan ko.
Habang kumakain ako ng binili ko na buy1 take one na burger ay napansin ko ang isang bulag na namamalimos sa gilid. May katandaan na at di ko lubos maisip na bakit natitiis ng mga pamilya na mamalimos pa ang isang katulad nya.
Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain ng burger nang mapansin ko ang isang lalaki na bumibili ng burger hindi ko alam kung bakit nakuha nya ang atensyon ko, siguro sa suot nyang polo shirt na fit talaga sa kanya o baka dahil sa matangkad sya at maputi, isama pa ang maamong mukha nya. Nakaka appreciate naman ako ng gwapo ng isang lalaki.
Habang nakatulala ako di ko tuloy namalayan na kinakausap na pala nya ako.
"Hey,pre pwedeng makitabi?" Tanong nya sa akin.
"Ah..oo..sige.." gulat na sagot ko.
Umupo sya gawing kanan ko. Patapos na ako nang bigla syang nagsalita.
"Masarap ang burger na to nuh," pagsisimula nya ng usapan.
"Ah oo, masarap nga," maikling sagot ko.
"Lagi kaba dito bumibili?" Pag-urirat nya.
"Hindi ngayon lang," sagot ko sabay higop sa softdrinks.
"Ah okey," tugon nya na tuloy sa pagkain ng burger.
Nang akmang tatayo na ako para umalis na at dadaan pa ako sa bookstore para bilhin ang pinabibili ni Jayjay. Yun kasi ang isang dahilan kaya sya tumawag sakin na pwede naman nyang sabihin sa personal.
"Christian nga pala," abot ng kamay nya sakin para makipagkilala.
So di naman ako suplado at wala naman masama."Patrick,"sagot ko sabay na nakipagkamay sa kanya.
"Oh pano Christian mauna ako,nice to meet you bro," dagdag ko pa.
"Nice to meet you bro," sagot nya.
"Asan ba yung pinabibili ni jayjay na libro," habang kinakalkal ko ang shelves nang fiction books.
"Ayun!" Pasigaw ko.
"Akin 'to!" Sabi nang lalaki humawak din sa libro.
"Ah tol,pasensya na ako ang ang naunang nakakita," malumanay kong sagot sa kanya habang hawak namin pareho ang librong Bird Blind.
"Ako ang unang nakahawak," pamimilit nya.
Dahil ayokong gumawa ng eskandalo sa bookstore pinabayaan ko nalang kahit sa tingin ko ay iisa nalang yung librong iyon. Bahala na mamaya kung pano ko sasabihin kay Jayjay na hindi ko nabili yung libro.
"Sige tol, sayo nalang," pagpayag ko sabay bitaw ko sa libro.
"Salamat, sakin naman talaga to," maangas na sagot nya.
Ngumiti lang ako ng pilit dahil kanina pa ako naiinis sa kanya. Sabay talikod ko.
Habang nag iikot-ikot ako sa bookstore dahil naghahanap ako ng ibang libro na bibilin kay Jayjay.
"Oo baby girl nakabili ako, may isang ungg*y pa nga na gustong agawin ito," sabi ng isang pamilyar na boses habang may kausap sa cellphone.
Dahil parang kilala ko kung sino tinutukoy nyang ungg*y ay tinignan ko. Nakita ko nga na yung mayabang na lalaki na nakipag- agawan sakin sa libro.
"Unggoy pala huh, tignan ko kung makapagyabang ka pa.
"Oups sorry, di kita nakita nakaharang ka kasi eh," pang-aasar ko sa kanya nang sinadya ko syang sagiin.
"Ano ba! bulag kaba, kalaki-laki ng mata mo," asar na sagot nya.
Lalo akong nairita sa narinig ko. "Wag ka kasing mang-aagaw kung ayaw mong matapakan ka." Baling ko sa kanya. Na talagang inis na inis ako.
Dahil ayoko ngang mag-eskandalo ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. At nagpasyang lumabas na ng bookstore.
Binayaran ko muna ang libro na binili ko oara kay Jayjay kahit hindi ito yung sinabi niya na bilhin ko.
"185 sir," sabi ng kahera.
"Wait lang," sabay hanap sa bag ko ng wallet ko.
" Teka, asan yung wallet ko."
"Sir may problema po ba?" Tanong ng kahera.
"Teka lang miss, nawawala wallet ko," sagot ko na halos ibuhos ko na lahat ng laman ng bag ko.
"Nanakawan ako." Bigla kong naisip yung mayabang na lalaki.
"Teka lang miss, pero kukunin ko yan babalik ako," paliwanag ko sabay tungo kung nasan ang lalaki.
Itutuloy.......