Chapter 2: Wrong-move

1120 Words
Ala-una na ng madaling araw ngunit di pa din ako dinadalaw ng antok dala siguro ng nangyaring kahihiyan ko sa bookstore at sa bwis*t na lalaking iyon. Flashback "Hoy! magnanakaw ka. Asan ang wallet ko ilabas mo." Hiyaw ko sa lalaking kanina ko pa kinaiinisan. "Ano bang pinagsasabi mong wallet, tapos ako magnanakaw?" Pagtanggi nya. Nakatawag na kami ng pansin sa mga tao dahil malalakas na ang boses namin. "Ilabas mo na yung wallet ko!" "Wala nga sa akin!" "Diba na bangga mo ako kanina,noon mo dinukot sa bulsa ko!" "Ang kapal naman ng mukha para pagbinatangan mo ako. Baka di mo ako nakikilala?" "Wala akong pakialam kung sino ka man basta ibigay mo na sa akin ang wallet ko!" Hindi nagtagal ay dumating ang gwardya. "Sir ano po ba problema?" Tanong nya sa akin. "Sir pano itong lalaki na to,kaganda-ganda ng suot magnanakaw," sumbong ko. Nakita ko nalang na pailing-iling at pangisi-ngisi pa ang loko. "Talagang may kayabangan talaga to." "Sir totoo po ba iyon?" Tanong nag gwardya sa m*kong na ito. Tumawa lang siya." Sir sa tingin mo sa itsurang kong to na napa-gwapo ay magnanakaw ako." Pabiro pa nyang sagot. At tumitingin pa sya sakin na parang nang-aasar. "Sige na sir,wag mo nang pansinin itong b*liw na ito," dagdag pa nyang mapag-asar. Tatalikod na sya nang bigla kong hinablot ang braso nya na sanhi para malaglag at masira ang relo nya. "Ano bang problema mo?" Tumaas na boses nya. "Ibalik mo na yung wallet ko!" Sagot ko. "Sa tingin mo ba ako ang kumuha ng wallet mo. Okey sige para matapos na itong kab*liwan mo. Magkano ba ang laman ng wallet mo,papalitan ko," seryoso at galit na sabi nya. "Ang yabang mo talaga!" Sigaw ko. "Mga sir,wag po kayong mag-away dito. Punta nalang po tayo sa security department para dun mag-usap at ma-check na din sa cctv ang nangyari. "Mabuti pa nga para matapos na itong kalokohang ito," pagsang-ayon nya. Habang hawak-hawak ang relo na nasira. "Okey sige," pagsang-ayon ko din. Palakad na kami papuntang security department ng biglang tumunog ang selpon ko. "Hello, sino ito?" "Kayo po ba si Mr. Patrick Mark Dela Cruz?" Tanong ng nasa kabilang linya. "Oo ako nga," "Ayy sir sa burger store po ito,naiwan nyo po kasi yung wallet nyo dito sa store namin,"paliwanag nya. "Ah ganun ba,okey sige pupunta ako dyan."sagot ko. "Ah sir," pagtawag ko sa gwardya. "Sir pasensya na po sa abala,pero alam ko na po kung nasaan ang wallet ko." "Ah ganun po ba sir, sige po." Aalis na sana ako nang biglang humarang sa harapan ko itong lalaki. "Sa akin di ka mag-sorry," "Bakit naman ako magso-sorry sayo. Nag-sorry kaba nung inagaw mo sakin yung libro." Pagmamatigas ko. "Eh pano naman ang kakahiyan na ginawa mo sakin at sa relo mo na nasira mo dahil dyan sa kabaliwan mo," sumbat nya sakin. "Okey fine, sorry na. so okey na," pangsang-ayon ko para makaalis na ako dito at medyo nahiya ako sa nangyari. "Hi sir ako si Patrick Mark yung may-ari ng wallet. Naku po maraming salamat sir at dito ko naiwanan akala ko nawala na." "Opo sir,actually yung kausap nyo po dyan ang naka-pulot ibinigay lang po sa amin baka daw po kasi bumalik kayo at hanapin eh andito lang po sa amin," paliwanag nung crew sa burger store. "Sabi pa nga po kapag daw po bumalik kayo sabihin ko daw po sa inyo mag-ingat kayo sa susunod," dagdag pa nya. "Salamat huh," habang kinuha ko na yung wallet ko. "Ay sir,pasensya na po pala kasi binuklat ko yang wallet nyo. Naghanap po kasi ako ng pwedeng tawagan. Nakita ko naman yun sa isang I.d. nyo akala ko po kasi di kayo babalik." "Okey lang yun," sagot ko habang pinubuklat ang wallet ko."salamat ulit." Babalik pa sana ako ng bookstore kaso matapos ang nangyari parang ayoko nang bumalik at isa pa baka makita ko na naman yung mokong na lalaki. Nasa sakayan na ako ng jeep pauwe. Nag-iisip pa din ako ng dahilan kay Jayjay tungkol sa libro na di ko nabili. Kaya naisipan ko nalang na bilhan sya ng donut, favorite nya kasi iyon lagi nyang pinabibili kay tatay kapag galing sa trabaho. Habang namimili ako sa donut ay nakita ko sa malayo si Christian. "Si Christian ba yun?"di ko siguradong tanong ko sa sarili ko. Tatawagin ko sana para makapagpasalamat pero mukhang nagmamadali. Kaya di na bale next time nalang magkikita pa naman siguro kami. Sumakay na ako ng jeep dala ko ang box ng donut na pampalubag-loob kay Jayjay. "Oh anak kamusta?" Bungad sakin ni nanay na nonood ng t.v. habang nagtutupi ng damit. "Mano po nanay, okey lang po bukas mag-start na ako," masayang balita ko. "Nay si Jayjay?"hanap ko sa kapatid ko. "Naku kanina ka pa nya tinatanong sa akin. Kasi daw may pinabili sya sayo," sagot ni nanay. "Kuya!" Malakas na sigaw ni Jayjay habang pababa ng hagdan. "Kuya asan na yung pinabili ko sayo? Dagdag sa novel collection ko yun," pagtatanong nya. "Ah...eh..sold-out na daw sabi sa bookstore, di na naka abot si kuya," pagsisinungaling ko sa kanya. "Pero binilhan kita ng donut," masayang pambawi ko dahil nalungkot talaga sya. "Sige,okey lang," maikling sagot nya. "Salamat kuya," mabilis na abot nya sa donut. End of flashback Bukas pa naman ang first day ko sa resto. Ayoko naman na sa unang araw ko sa trabaho late o kaya bangag ako. Kinuha ko ang earphone ko at nagpatugtog nalang para makatulog. + "Kriiiiinnnnngggggg!!!! Kriiiiiinnnnngggg!!" Nagising ako sa lakas ng alarm talagang tinodo ko ang volume para gising agad. Mabilisang gayak lang,ligo bihis agad at bumaba na ako para kumain mid-shift pa naman pasok ko, 9am-6pm. Dahil alas otso palang siguradong di ako mala-late. "Wow ang gwapo naman ng anak ko," lambing ni nanay sakin. Si nanay talaga ang unang nakakakita ng kagwapuhan ko. "Oo naman nay," sabay subo sa hotdog na almusal ko. Trenta minuto lang naman ang byahe mula sa bahay namin at sa resto kaya nakarating din ako agad. Papasok na sana ako sa resto nang mapansin ko ang isang lalaki. Kausap nya yung head waiter at parang may tinuturo pa sya sa buong resto. May ilang minuto pa ako bago ang shift ko nagpunta muna ko ng burger store kasi ayoko munang makaabala sa kung sino man ang kausap ni Mrs Cherry. Baka iyon yung may-ari ng resto. Dahil nalibang ako kakalaro ko sa mobile games, di ko namalayan ang oras malapit na pala ang time ko. Dali-dali akong nagtungo sa resto at naglog-in kasi na quick oriented naman ako kahapon ni Mrs Cherry kung pano maglog-in at papunta na ako sa locker para ilagay gamit ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalaki sa likuran ko. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD