"matagal ka ng waiter dito?" Tanong ko kay Christian dahil nagulat talaga ako nang makita ko sya sa resto.
"Ah oo mga 2 years na din," sagot nya sabay kagat sa burger.
Break time kasi sabay na kami nag meryenda. At syempre inaya nya ako sa burger store kasi madalas dito sya kumakain at tambay na din. Maganda din kasi ang pwesto ng burger store, di kalayuan sa resto, may mga upuan at lamesa. Nalilibang na din kami sa mga dumaraan na mga tao kasi tabi lang ito ng kalsada.
Masaya kaming nagkwe-kwentuhan nalaman ko na halos isang taon lang tanda nya sa akin, pero naging emosyonal sya nung nabanggit ko tungkol sa pamilya nya.
"Ah sorry Christian,okey lang kung di mo ikwe-kwento. Hindi naman importante na malaman ko pa yung mga personal na buhay mo," paghingi ko ng pasensya.
"Wala yun,okey lang," ngumiti lang sya sakin ng pilit.
"Ulila na ako,"panimula nya.
"Dalawang taon na ang nakakalipas na-aksidente sila mama at papa hindi ko alam bakit ako lang ang nakaligtas," patuloy nya sa pagkwe-kwento habang nagsisimula nang tumulo ang luha nya.
"Ah tayo na!" Biglang aya nya na pumasok siguro ayaw na nyang pag-usapan kaya nirespeto ko nalang.
"Tara na," pagsang-ayon ko. Na napansin ko na masakit sa kanya ang nangyari." Sorry Christian," dagdag ko pa.
Tumango lang sya at naunang naglakad pabalik sa resto.
Habang nagtra-trabaho parang wala sya sa sarili. Nakaramdam tuloy ako ng pagka-guilty kasi naitanong ko pa yung tungkol sa pamilya nya.
"Ui, Christian okey ka lang?" tanong ko.
"Ah oo tol okey lang," maikling sagot nya. Pero di ko nakikita sa mukha nya.
Dahil weekend ngayon madaming tao sa resto. Kaya di ko namalayan ang oras at pa-out na pala ako.
"Oh Patrick,kamusta naman ang unang araw mo?" Pangangamusta ni Mrs. Cherry sakin.
"Ay mam,super okey na okey po," masayang sagot ko.
"Oh bukas may uniform kana dumating na yung galing sa main branch para sa inyong mga bago waiters," paliwanag ni mam Cherry na kinatuwa ko lalo. Kasi naka-plain white t-shirt lang muna ako ngayon.
Hinahanap ko si Christian para sana ayain na sabay na kaming umuwe kasi pareho kaming mid-shift. Pinuntahan ko sa locker pero wala sya.
"Nakita mo si Christian," tanong ko sa isang katrabaho namin.
"Umalis na sya,nagmamadali nga sya eh," sagot naman nya.
Bigla akong nalungkot kasi gusto kong mag sorry sa kanya.
Inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas na ng resto. Dahil ala sais palang ng hapon naisipan ko munang maglakad-lakad sa kahabaan ng street. Iniisip ko pa din si Christian. Sa paglalakad ko nadaan ako sa bookstore kung saan naalala ko na naman ang kahihiyan na inabot ko. Lumakad pa ako ng lumakad nang makarating ako sa isang parke. At doon naisipan kung umupo habang minamasdan ang mga bata na masayang naglalaro.
Masarap balikan ang maging bata, walang problema. Naalala ko tuloy si tatay na lagi nyang sinasabi na sakin na,"darating daw ang panahon na tatanda na ako malalaman ko kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng buhay ng tao."
Nalungkot ako bigla kasi mukhang tama si tatay na darating yung oras na ito na ako na ang tatayong haligi sa amin buhat nang nawala siya.
Medyo dumidilim na nga sa park kaya napag-pasyahan ko na umuwe na. Papunta na ako sa sakayan ng jeep nang may biglang bumangga sakin at hinatak ang kamay ko habang tumatakbo kaya pati ako napatakbo na din dahil sa mga humahabol na sa amin ngayon. Doon ko napagtanto na si Christian pala ang humablot sakin at ngayon patuloy kami sa pagtakbo.
Takbo lang kami ng takbo hanggang sa nawala na ang mga humabol sa amin.
"Wala na sila," sabi ko sabay hinto sa pagtakbo.
Dahil sa pagtakbo ay napa-upo si Christian. Hingal na hingal at pansin ko na nakainum pa sya.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko habang hinahabol ko pa din ang hininga ko sa pagod.
Napagtanto ko na sa bakanteng lote pala kami napadpad. Nilapitan ko si Christian at umupo sa tabi nya. Nagsimula na syang umiyak,iyak lang ng iyak. Pinabayaan ko lang siya.
Ilang minutong ang nakalipas at hindi pa din siya nagsasalita.
"Sorry," pagbasag ko sa katahimikan.
"Hindi,hindi mo kasalanan, hanggang ngayon di ko pa din matanggap ang nangyari sa mga magulang ko,"paninimula nya. Nakinig lang ako.
"Masaya kami nung araw na iyon, balak pa nga namin na magpunta sa beach kasi malapit na ang wedding anniversary nila. Habang pauwe kami galing sa Mall sakay ng kotse namin ay biglang nagtalo si papa at mama dahil sa di ko alam na dahilan. Noong akmang magtatanong at aawatin ko sila ay bigla nalang may bumangga sa aming truck. Nagising nalang ako nasa ospital na ako. Hinanap ko agad sila mama at papa pero huli na ang lahat kasi isang buwan na ang nakalipas mula noong aksidente at sila mama at papa ay patay na isang buwan na din ako na walang malay. Tanging ang tita ko na kapatid ni mama ang umalalay sakin hanggang ngayon. Noong mga panahon iyon di ko alam kung saan magsisimula. Pero nakatanim pa din ang sinabi sakin ni papa na laging malakas ang loob ko sa pagharap ng mga problema dahil kapag nag-hina ka matatalo ka," kwento ni Christian na ramdam ko ang pangungulila nya. Ako nga nawala si tatay masakit na paano pa kaya yung nararamdaman ni Christian na parehong magulang ang nawala.
"Andito ako Christian,makakaramay mo dahil alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay, noong nawala si papa natanong ko sa sarili ko paano na kami pero kagaya nga ng sinabi ng papa mo na kailangan malakas ang loob sa pagharap ng hamon ng buhay ganun ang ginawa ko kaya eto ako ngayon bumabangon," halos maiyak ako sa pagsalaysay.
"Salamat buddy,"sambit nya sabay tayo at kinuha ang kamay ko para itayo.
"Tara na." Aya nya sakin na muntik nf mabuwal.
Dahil sa sitwasyon nya na nakainum at baka balikan pa sya noong mga humabol samin kanina ay nagpasya akong ihatid sya.
Habang nasa jeep kami ay napagkwentuhan namin kung bakit sya hinahabol nung apat na lalaki. Ang sabi nya lang sakin ay naitulak daw nya ang isa sa apat sa isang videoke bar at nagalit ang mga ito na sinabi naman nyang di nya sinasadya pero nagalit at hinabol sya.
Nakababa na kami ng jeep. Malapit na kami pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba na hindi ko maintindihan. Dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Oh buddy okey ka lang," tanong sakin ni Christian. Pero kinakabahan talaga ako di ko maipaliwanag. Habang nakatingin ako sa bahay nila.
"Ah oo okey lang ako, so pano andito kana sa inyo mauna na ako," aligaga kong paalam kay Christian. Di ko na narinig sagot nya dahil tumakbo na ako.
Itutuloy.........