"Magpahinga ka na muna. Wala ka pang tulog simula kagabi. Gigisingin na lang kita kapag oras na ng pananghalian". Dinala ko siya sa kwarto ni Andy upang makakuha man lang siya ng tulog. Nang mag prisinta si Andy na ipahiram muna ang kwarto nito kay Jake ay agad ko na munang nilinis ang kwartong iyon dahil kilala ko na burara ang kapatid ko. Nang masigurado ko ng malinis na ito ko ay inihatid ko na siya dito. "Gusto mo bang matulog na din muna?" Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya sa kanyang paanyaya. Nung una ay hindi ko pa naintindihan ngunit agad na namula ang mukha ko sa sinabi niya. Bahagya akong lumayo sa kanya mula sa pagkakatabi naming pag-upo sa dulo ng kama. "A-ano bang pinagsasasabi mo diyan?" Nauutal kong singhal sa kanya. Hindi tamang maging pilyo siya dahil wala namang na

