Nang matapos ang pananghalian at makapahinga saglit ay nagpaalam na din kami sa mga magulang at Nana Martha niya para lumuwas na ng Maynila. Pinagbilinan pa ako ni Nana Tansing na sumamang muli sa susunod na uwi ni Jake dito. May mga ipinabaon pa silang prutas at gulay na pitas mula mismo sa garden at gulayan niya sa likod bahay. At si Ate mo girl na Lucia ay humabol pa talaga at nagpabaon din ng niluto niyang biko kay Jake. Ang dami talaga niyang time. Sinulyapan pa ako ni Jake bago niya tanggapin pero tinalikuran ko lang siya at sumakay na sa kotse. Naging tahimik kami sa buong biyahe. Nag-uusap lang kami kapag tatanungin niya kung naiinitan ba ako, kung gusto kong kumain, o kung gusto kong mag stop over. Sa huli ay nagdrive thru lang kame ng burger at fries. Nakapark kami ngayon sa u

