What's for breakfast?

2572 Words

"Aba'y tamang tama ang dating ninyo! Naghahain na ang mama at Nana Martha ninyo", bungad na bati sa amin ni Tata Aldo. Kadarating lang namin ni Jacob mula sa Pililla Wind Mill. Halos alas siyete na ng gabi. Ngumiti lamang ako sa kanya. Si Jake naman ay nagmano. "Nag-enjoy ka ba Andeng?" Tanong nito sa akin. Halos papasok na ako sa pinto ng kwarto nang matawag niya ang pangalan ko. "P-po? S-saan po?" Balik na tanong ko sa kanya. "Sa...wind mill anak..hindi ba dun kayo nanggaling?" Sagot-tanong naman niya sa akin na mukhang naguluhan sa naging reaksyon ko. "Ah..eh..hehe...o-opo maganda po doon. Nag-enjoy po ako.." napakamot pa ako sa ulo. Nagtama ang paningin namin ni Jake kaya nakaramdam na naman ako ng pagkataranta. "Ah..sige po ilalagay ko lang po ang gamit ko dito sa kwarto", agad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD