"What time ka maglunch?" "Mamaya after ni Jackie." "Sabay tayo" "Wala kang lunch meeting?" "Wala. Mas gusto kitang kasabay :) " "Ok :) " "Huy Andeng! Kanina ka pa pangiti ngiti diyan sino ba yang katext mo?" Napabaling ang tingin ko kay Jackie. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala ito dito sa station namin galing sa lunch break niya. Akmang sisipatin pa sana niya ang cellphone ko para makita kung sino ang katext ko. Mabuti na lamang at agad ko iyong nailayo sa kanya. Natawa na lamang siya. "Siguro may manliligaw kang bago noh? O bagong boyfriend?!" Maintrigang tuksi nito sa akin na tinawanan ko lamang. Kung alam mo lang Jackie.. "Sira! Sige na magla lunch na 'ko", sagot ko na lamang sa kanya. Isang buwan na din simula ng officially ay maging kami na ni Jake. Wala pa ding naka

