Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto pa. Kahit gaano pa kalamig ang klima ng Baguio ay tila mas nananaig ang init ng dinadala ng yakap niya. Dumagdag pa ang malakas na pintig ng mga puso namin. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahakan sa akin. Saglit niyang hinimas ang buhok ko at nagbigay ng isang magaan na halik doon. Hanggang sa magsalita siya. "Aaminin ko, nung una kitang makilala ay hindi naging maganda ang unang pagkikita natin. Dahil nung araw na makilala kita, ay ang araw na sobra akong nasaktan dahil sa nararamdaman ko para sa ibang babae. Isinisi ko sa kamalian mo ang pagkabigo ko. Siguro bad luck ka sa akin? Dahil sa pagkakamali mo ay nalate ako sa araw na magtatapat sana ako sa kanya. Baka nakaapekto yun sa naging desisyon niya? Kasalanan mo yun! -yan ang mga n

