Madilim ang paligid at walang kung sino ang naglakad-lakad pa. Kaya naman, bukod sa walang mahingan ng tulong ay hindi rin magawa ni Harlow na umalis sa makapal na lambat na kumulong sa kaniya.
Sino ba naman ang mag-aakalang may bitag sa kalagitnaan ng kalsada?
Habang patuloy pa rin na sinusubukang kumawala, ang ilang mga natitirang ilaw sa paligid ay namatay na rin, dahilan upang tuluyan nang maging itim ang bawat sulok. Maging ang mga bituin at ang buwan ay wala rin sa kalangitan, at mukhang babagsak na ang ulan sa ilan pang saglit.
Tuluyan nang nag-init ang dugo ni Harlow. Sanay naman siya sa pagtakas, ngunit sa pagkakataon na ito ay bakit hindi niya man lang magawa ang dapat niyang gawin?
Ilang beses nang sumigaw ang dalaga at humingi ng tulong, ngunit walang sumasagot. Mukhang tulog nga ang lahat. Ngunit, hindi ba imposible rin naman na walang nakaririnig sa kaniya, kahit isa? Ganoon na ba kahimbing na natutulog ang mga tao?
Sumilip si Harlow sa tapat na bahay kung saan siya sumabit, saka sinubukang abutin ang parilya ng bintana nito. Naisip niyang baka puwede siyang makatakas sa pamamagitan nito dahil mas makasisigaw siya nang malapitan sa bahay sa oras na mahawakan niya ito. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maabot ito. Halos mapunit na ang kaniyang ugat sa ginagawa niya.
Tumango ang dalaga sa itaas at sinuring maigi ang pinagsabitan ng lambat. Mabuti na lamang at matibay ang poste at maging ang ginamit sa patibong ay makapal. Kung paano ba naman kasi siya naisabit dito?
Ikinuyom ni Harlow ang kamao nang pumasok sa kaniyang isipan ang tiktik na maaaring dahilan ng lahat ng ito. Ang lalaking iyon ang huli niyang nakausap at marahil ay plinano na nito nang matagal ang pagbitag. Parehong mainit ang dugo nila sa isa't isa kaya hindi malabong sangkot ang sekreta rito.
"Damn that detective," usal niya. "I would surely kill him kapag nakalabas ako dito. Sinasabi ko, nanggigigil ako!"
Sinuntok-suntok ni Harlow ang hangin at nagpatuloy sa paghaluyhoy, ngunit natigil siya sa isang sigaw na hindi niya alam kung saan nagmula.
"Hoy!" muli pang sigaw ng boses na iyon na tila ba'y malakas ang tama sa alak.
Ngunit dahil madilim sa paligid, hindi makita ni Harlow ang lalaking nagmamay-ari ng boses na iyon. "Sino ka?" tanong niya.
Napapikit ang dalaga nang umabot sa kaniyang pandinig ang malakas na pagbitak ng bote. Kung hindi siya nagkakamali, nanggaling iyon mula sa lalaking hindi natigil sa paghiyaw.
"Bakit ka n-nakabitin diyan, ha?" sigaw ng lalaki.
"Sino ka ba? I can't see you!"
Napatakip na lamang sa mukha si Harlow nang may tumapat sa kaniyang nakasisilaw na liwanag. Nang mawala iyon ay inalis niya rin ang kaniyang kamay sa pagkakaharang sa kaniyang bisyon. Sa pagkakataon na iyon ay nakatutok na sa lalaki ang ilaw, kaya naman ay nakita na rin niya ang hitsura nito.
"Tambay pala sa kalye 'tong kumag na 'to, eh," bulong ni Harlow sa sarili.
"Ayan! Nakikita m-mo na ba ako?"
"Oo! Kitang-kita na!"
"Ha! Ang guwapo ko, 'di ba?" tawa ng lalaki. "Kamukha ko si Leonardo Da Vin- ay hindi, si ano... ano na ba pangalan n'ong guwapo sa Titanic?"
"Leonardo Da Vinci raw," tawa ng dalaga. "Leonardo DiCaprio kasi 'yon!"
"Eh 'di Leonardo DiCaprio! Tama na ang maraming satsat! Ha! B-bumaba ka na lang diyan at nang mag- magkasubukan tayo!"
"Bobo ka ba? Paano-" Hindi magawang ituloy ni Harlow ang kaniyang sasabihin nang makarinig siya ng mahinang pamumutok. Pagkatingin niya sa taas ay doon lamang niya napagtanto na nababasag na ang sabitan. "Fuck."
Napakalakas na ng pagtibok ng puso ng dalaga. Samantala, ang lalaki ay patuloy pa rin sa pagsigaw sa kaniya, ngunit hindi pumapasok sa kaniyang isipan ang mga sinasabi nito dahil sa matinding kaba. Sa kahit anong oras ay maaari siyang mahulog at mabalian ng buto.
Habang unti-unti nang bumibigay ang lambat ay nanalingin si Harlow na sana'y mabuhay pa siya nang sa gayon ay makapaghiganti pa siya sa detektibo na rason sa kaniyang miserableng buhay.
Ang malamig na hangin ay humaplos sa makinis na balat ng dalaga habang patuloy pa rin sa pagdalangin. Isang bitak na lamang ng posted ay katapusan na ng mga buto niya.
Huminga siya nang malalim at inihanda ang sarili para sa huling pagbigay ng pundasyon ng lambat. Buong akala pa man din niya ay matibay ang poste. Naragdagan ba ang timbang niya o sadyang marupok lang ang poste?
"Ah!" sigaw ni Harlow nang tuluyan na nga siyang bumagsak sa lupa. Ngunit ilang saglit lamang ay naging itim na ang paligid.
"Hoy," sipa ng lasing na lalaki sa paa ng dalaga.
Unti-unting idinilat ni Harlow ang kaniyang mga mata nang makaramdam siya ng isang malakas na pagsipa mula sa kaniyang puwitan. Sa una'y hindi niya pa alam kung ano ang nangyari, ngunit paglipas ng ilang segundo ay naalala na rin niya ang lahat.
Inis na inis siyang napapikit dahil sa mga buto niyang nangangatal, at dumagdag pa ang kumag na panay tutok sa kaniya ng ilaw. Gusto niya mang sigawan ang lalaking iyon ngunit hindi kaya ng kaniyang lakas.
"Bakit ka n-nakakulong sa net, ha? Isda ka ba?" tawa ng lalaki. Bakas pa rin sa boses nito ang kalasingan.
Ito ng isa sa mga rason kung bakit ayaw ni Harlow na mamuhay sa lunsod. Bukod sa napakaraming populasyon, marami ring mga luku-luko.
"Hoy, h-hindi ka ba aalis diyan? Ha!" dagdag pa ng lalaki.
Hawak-hawak pa rin ng dalaga ang kaniyang baywang at sinubukang tumayo, ngunit hindi niya magawa. Nanghahamon talaga ang lasing kaya't gustong-gusto niyang suntukin ito. Kung hindi lamang siya nabalian ng mga buto ay baka matagal nang natahimik ang lalaki.
Mayamaya'y unti-unti nang tumulo ang mga luha ni Harlow sapagkat hindi na niya nakayanan pa ang sakit. Hindi biro ang mahulog at mabalian ng buong katawan, at mas lalong hindi biro ang makaharap ng lasing sa panahon pang mahina siya.
Susuntukin na sana ng lasing ang dalaga gamit ang ilaw na hawak-hawak nito ngunit hindi nito nagawang ituloy nang may pumigil dito.
"Respect, man,"
Napalingon ang laking lasing sa likuran nito. "Sino ka ba?" nagngangalit na tanong nito. "Bitawan mo ako, h-hindi mo ba ako kilala, ha?"
"I don't care who you are. Even so you're the ruler of this city, I don't care. Go home and kill yourself instead and don't incriminate this young lady."
Nagpakawala ng isang maingay na tawa ang lasing. "Y-you," turo nito sa isa pang lalaki, "do not English English me, I'm the most Englishist in this city. D-do not deer me. Ha!"
"Uuwi ka ba o ipupukpok ko 'tong flashlight sa 'yo? Gusto mo?"
"Luh, asa ka?"
"My patience is so little. Don't wait for me to do anything you wouldn't like."
"Ugh, k-kairita."
"Damn," singhal ng lalaki dahilan upang tirisin ang kamay ng lasing hanggang sa mangiyak ito sa sakit.
"T-tama na! Ah!" iyak ng barik na lalaki.
"Sabi ko naman sa 'yo maikli lang ang pasensya ko. Kung hindi ka pa tatakbo papalayo ngayon din, hindi lang ito ang aabutin mo."
"Ito na, tatakbo na. Bitiwan mo lang ako!"
"Okay I will let you go, just make sure to run away or I will kill you using the gun in my pocket," bulong ng lalaki bago ito pakawalan.
Dali-daling tumakbo papalayo ang lalaking lasing. Sa sobrang takot nito ay nabitawan pa nito ang plashlayt na hawak-hawak.
Samantala, ang isang lalaki ay lumakad papalapit kay Harlow at tinulungang makawal ang dalaga gamit ang swiss knife na kinuha nito mula sa bulsa.
Habang pinapakawalan, nawalan ng malay si Harlow. Kaya naman, binuhat na siya ng lalaki papunta sa kotse.
Pagbukas ng dalaga ng kaniyang mga mata ay nasa ibang kuwarto na siya. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng lugar habang minamasahe ang mga kamay gayong nangingirot pa ang mga ito.
Habang iniisip kung paano siya napunta sa silid ay naalala niya ang nangyari noong gabi. Hindi kaya ang lalaking nagligtas sa kaniya ang nagdala sa kaniya rito?
Nasa kalagitnaan pa ng pagkalito ang dalaga nang may pumasok sa silid at nagsabing,
"How are you feeling now?"
Nanlaki ang mga mata ni Harlow nang mahagilap ang ina. Doon niya lamang din napagtanto na nasa kuwarto pala siya ng ospital. "M-my whole body is still w-weak," sagot niya. "By the way, h-how did you find me?"
"May nagdala sa 'yo rito sa ospital. Goodness, ano bang nangyari sa 'yo? We didn't know na umalis ka ng bahay dahil ang akala namin ay tulog ka na."
"Where have you been?" tanong naman ng kaniyang ama na kapapasok lamang din sa kuwarto.
"Dad, Mom... c-can you please take it slow? I'm still weak, can't you see? I'll j-just explain to you everything when I'm finally okay."
"Nag-aalala lang kami para sa 'yo, Anak," sambit ng kaniyang ina.
"So, who brought me in here?"
May balak pa sanang magsalita ang ina niyang si Rosetta nang bumukas ang pinto, dahilan para hindi nito ituloy ang sasabihin.
Habang naglalakad papalapit ang lalaking pumasok ay hindi maalis ang kunot sa noo ni Harlow.
"Tyson? What are you doing here?" gulat na tanong ng dalaga.
Habang nagmamano ang binata sa mga magulang ni Harlow, nagsalita si Rosetta,
"Anak, he's the one who saved you."