Kabanata 4

1801 Words
Pakalat-kalat sa sahig mga meykap at iba't ibang klase ng damit ni Harlow. Naroon siya sa kaniyang pribadong silid sa ospital, kaharap ang salamin habang iniisip si Tyson. Nakakakatwa lamang isipin na noong mga nakaraang araw ay ang takbo ng utak ng dalaga ay parati na nakatuon sa binata. Parang kailan lamang ay ang detektibo ang laman ng kaniyang isip, ngunit ngayon ay si Tyson na; kuhang-kuha kasi nito ang kaniyang atensyon dahil bukod sa kapareho niya ito ng interest ay malakas din ang karisma nito. Sa kasamaang palad, hindi na niya ito nakita pang muli. "Harlow..." Napatigil sa pag-aayos ang dalaga nang bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto na siyang ang ina niyang si Rosetta ang may gawa. "Are you done?" tanong ni Rosetta sa anak nito. "Five minutes more, Mom, please," sambit ni Harlow. "By the way, Mom, para saan po pala 'yong meeting? Saka bakit kailangang mag-ayos ako nang todo? Saan po ba 'yan? At, bakit ngayon n'yo lang po ako in-inform?" "Wait, Anak, isa-isa lang," pagpipigil ni Rosetta. "Sorry, ngayon ka lang namin nasabihan. Kaya nga ako nagpunta rito sa kuwarto mo, eh, para malaman mo na nasa room na ng daddy mo ang mga bisita natin. Doon gaganapin ang-" "Wait, Mom..." pagpuputol ni Harlow sa kaniyang ina. May biglang pumasok sa isipan ng dalaga patungkol sa sinabi ng kaniyang ina. Kaya naman pala medyo hindi maganda ang pakiramdam niya rito ay dahil may hindi nililinaw ang kaniyang mga magulang sa kaniya. "Mom, 'yong totoo, meeting po ba talaga ang pupuntahan natin o ipagkakasundo n'yo ako sa anak ni Ninong Primo?" simangot ng dalaga. "Anak..." "Mom, ba't hindi n'yo sinabi sa akin agad? Akala ko pa naman may important meeting lang talaga akong pupuntahan." Lumapit si Rosetta kay Harlow saka humingi ng tawad habang hinahagkan pa ang anak. "Forgiven, Mom. But no, I'm not going to deal with your plan. Aalis na lang po ako," wika ni Harlow. "Anak naman, please kahit ngayon lang. We are not telling you to marry that man. Gusto lang namin na makilala ninyo ang isa't isa." "Doon din lang pupunta 'yang plano n'yo, Mom. Ipapakilala n'yo kami, ipaglalapit n'yo kami sa isa't isa, tapos kapag tumagal na, ipapakasal n'yo na kami kahit naman labag sa kalooban ko, o kalooban namin." "No, Harlow. Please, kahit siputin mo lang sila para hindi nakakahiya. After this, I will tell your ninong about your opinion. Anak, please, kahit ngayon lang." Nagpakawala ng isang malalim na singhal si Harlow. Batid niyang nagsisinungaling lamang ang kaniyang ina; kahit ano pang pagpapanggap nito ay hindi talaga kapani-paniwala. Gayon pa man, hindi niya pa rin matiis ito, kaya napapayag din siya nito sa huli. Sasabay muna siya sa agos, ngunit pagkatapos nito ay hindi na siya minsan pang papayag sa pamimilit ng kaniyang mga magulang. Alas otso na ng gabi at medyo tahimik na rin sa loob ng ospital. Kasama ang kaniyang ina, nagtungo si Harlow sa opisina ng kaniyang ama na si William. Habang binubuksan ng kaniyang ina ang pinto ay pabilis din nang pabilis ang t***k ng puso ng dalaga. Hindi niya alam kung anong susunod na magaganap, ngunit kailangan niyang kumilos nang normal ano man ang mangyari. Pagkapasok ay nakuha agad na napansin ni Harlow ang kaniyang Ninong Primo na nakaupo sa sofa, kausap ang kaniyang ama. Napakunot-noo siya nang hindi masulyapan ang anak nito. Nasaan nga ba iyon? "It's so nice meeting you again, Hija," sambit ni Primo nang magmano Ang dalaga rito. "Kanina ka pa namin hinihintay, mukhang naiinis na nga sa 'kin 'tong anak ko," tawa niya. "N-nasaan po siya?" Labag man sa kalooban ay itinanong iyon ni Harlow. Isa pa, may kaunting kuryusidad din naman sa loob-loob niya. Itinuro ng kaniyang ninong ang bintana sa bandang gilid ng kuwarto kung saan ay may isang lalaking nakatayo roon; dahil nakatalikod ito at natakpan ng puting kurtina ang kalahating parte ng katawan nito, hindi niya ito masyadong maaninag. "Anak, come here," sambit ni Primo sa anak. Hindi lubos-maisip ni Harlow na tatalon nang pagkataas-taas at pagkabilis-bilis ang kaniyang puso nang tawagin ng kaniyang ninong ang anak nito. Hindi niya naman dapat iyon nararamdaman, ngunit bakit bigla na lamang nagkusa? Habang hinihintay ang paglingon ng lalaki ay nagsimula nang magbilang si Harlow sa kaniyang isip; nang umabot siya sa numerong apat ay tuluyan na niyang naaninag ito, dahilan upang panlakihan siya ng mga mata. "Harlow?" agad na bigkas ng lalaki nang makita siya. "Tyson?" sunod na tanong ni Harlow. "A-anong ginagawa mo rito?" Batid niyang ang tanong na iyon ay isa lamang kahangalan, ngunit itinuloy niya pa ring bigkasin, nagbabakasakali na makatatanggap siya ng ibang kasagutan. "Well, I'm-" "Magkakilala kayo?" sabay-sabay na tanong ng kanilang mga magulang, dahilan para matigil si Tyson sa pagsasalita. Bakas sa kanilang mga hitsura ang pagkagulat, halatang hindi makapaniwala sa nalaman. "Opo," sabay naman na sagot ng dalawa. Tinanong ang dalawa ng kanilang mga magulang kung paano nangyari iyon, ngunit dahil ayaw nilang mabuking pareho kung paano sila nagkakilala, iniba nila ang kuwento. Ang ipinarating nila ay magkaklase sila noong sekondarya; hindi naniwala agad doon ang kanilang mga magulang, pero dahil magaling silang gumawa ng dahilan, nakalusot din sila sa huli. Pagkatapos, nagkuwentuhan ang lima nang may kaunting ilangan sa pagitan ng dalawa. Gayon pa man, inabot ang mg ito nang hanggang alas diyes. Sa katunayan, hindi sigurado si Harlow kung ano ang dapat niyang maramdaman sa bagay na ito. Maiinis ba siya dahil patuloy siyang ipinagkakasundo ng kaniyang mga magulang sa anak ng kaniyang Ninong Primo? O, matutuwa ba siya dahil ang anak ng kaniyang ninong ay si Tyson? Kinabukasan, ikinuwento ni Harlow sa kaibigang si Maddie ang lahat ng mga nangyari; kung kiligin naman ang kaibigan niya ay talo pa nito ang bride na hinihintay ng kaniyang groom sa altar. Hanggang sa matapos ang trabaho ng dalaga, at maging sa kaniyang pag-uwi ay si Tyson ang kaniyang iniisip. Buong akala niya'y hindi na niya ito muling makikita pa, ngunit sadayang napakaliit ng mundo. Nang sumapit ang gabi ay balik na naman si Harlow sa kaniyang dating gawi. Seryoso dapat siyang tumakas, ngunit hindi niya namamalayan na maging sa pag-akyat niya sa bakod ay nakangiti na siya. Ano ba ang dahilan ng hindi mapawi-pawing galak na iyon? Lagpas na ng alas diyes nang maglakad-lakad ang dalaga sa buong siyudad. Katahimikan ang namahala sa buong lugar, maliban na lamang sa kaluskos ng kaniyang mga paa. Ang mga bituin sa kalangitan ay pawang mga dyamante sa ubod ng kinang. Habang nasa daan ay walang tigil ang hangin sa paghaplos sa kaniyang malambot na balat. Napakagandang tiyempo nga naman, hindi ba? Lumipas ang halos dalawang oras at naisipan na rin ni Harlow ang umuwi dahil lubos na siyang naaliw sa kaniyang panghuhuli. Isa pa, gusto na niyang magpahinga dahil sobra iyong nakapapagod. Ngunit sa kaniyang daan pauwi ay may naamoy siyang isang kilalang halimuyak; napakatapang talaga niyon at tila ba laging dumarampi sa kaniyang ilong. Nagpatuloy si Harlow sa paglalakad at sinilip-silip ang bawat sulok, umaasang lalabas ang nagmamay-ari ng pabangong iyon. Ngunit dahil medyo madilim na ang paligid, nahirapan siyang tukuyin ang amoy na iyon. Ilang minuto rin siyang naghanap-hanap, pero hindi iyon nawala. Hanggang sa isang oras ay napatigil siya. "That damn detective?" bulong ni Harlow sa sarili. Sa hindi kalayuan ay may natanaw ang dalaga na isang lalaking nakatayo sa may poste at nakasuot ng sombrero ng koboy; tila may iniimbestigahan pa ito at tinitingnan-tingnan sa bawat gilid ng kalye. Ano pa nga ba? Malamang, tiktik ito. "Magkikita rin lang pala tayo ulit, pinatagal mo pa," ngisi ni Harlow. Kahit hindi pa man ito nakikita nang malapitan ng dalaga ay sigurado na siyang iyon ang nakita niyang sekreta isang gabi rito sa lunsod ng Quezon; suot at tindig pa lamang, hindi na maipagkakaila na ito iyon. Humugot muna ng isang malalim na hininga si Harlow bago pa man niya lapitan ang lalaki. "Hello again, Mr. Detective," sambit ng dalaga habang nakatalikod ang lalaki sa kaniya. "Wala ka bang balak harapin ako?" tawa niya. "Don't tell me humina na ang armas mo ngayon? Don't worry, hindi naman kita susuntukin. Harapin mo lang ako para makita ko ang nakatago sa sombrerong 'yan." Tumikhim ang lalaki, saka ito marahang tumawa. "Why? Are you that interested to see my face? Poor lady, uhaw na uhaw sa mukha ng guwapo." Nanlaki ang mga mata ni Harlow sa sinabi ng tiktik na iyon. "Aba, aba! Ang kapal naman ng mukha mo. First of all, I'm not really that interested sa mukha mo, 'no! Pangalawa, hindi ako uhaw sa guwapo! I just want to see your face, so that I would know where to punch you! Napaka-feelingero mo!" "Oh, is that so? 'Yon lang naman pala, eh. So, why are you being so defensive? Kung 'yan lang naman pala ang habol mo, sa susunod na lang dahil wala akong panahon para diyan. Now, you can go 'cos you're ruining my mission." "Ano bang mission mo sa lugar na 'to? Ah- oo nga pala... you're a detective," sambit ni Harlow na may pang-iinsulto sa tono ng kaniyang pananalita. "Good, you can still remember. Pero dahan-dahan lang kasi napaghahalataan ka na lagi mo akong iniisip." "Nakakatuwa naman talaga, ngayon lang ako nakakita ng detective na makapal ang mukha. Saan mo ba hinuhugot 'yang lakas ng loob mo?" "Sorry, but I think the time I offered to you is enough. Sagutin mo na lang 'yang tanong mo. Now, I can leave. I'm still having my mission. Sana masaya ka nang nakausap at nakita ako ulit. Sana makatulog ka nang mahimbing." Sa muling pagkakataon ay naiwan na naman ang dalaga na nakatanga. Umalis na ang lalaki at hindi man lang niya ito nagawang sundan. Ni hindi pa nga siya nakabawi. Pumalpak siya sa pagkakataon na ito, subalit sa susunod na mag-krus sila muli ng landas ay sisiguraduhin na niyang susuntukin ito sa mukha. Nakatayo pa rin si Harlow sa parehong puwesto, ngunit iyong sekreta ay hindi na niya mahagilap dahil nakalayo na ito. Hindi niya pa rin malubos-maisip na magkikita silang muli, pero ang nakapagtataka lang ay ang amoy nito. Kilala niya talaga ang halimuyak na iyon. Ibig bang sabihin ay lagi niya ring nakikita ang nagmamay-ari niyon, ngunit hindi lamang niya alam? Sandaling napatingin ang dalaga sa kaniyang relo at doon lamang niya napagtanto na malapit na palang sumapit ang alas onse, kaya nagpatuloy na rin siya sa paglalakad at nang siya'y makauwi na. Ngunit habang nasa daan ay may natapakan siyang isang lambat na siyang kumulong sa kaniya at nagpaangat. Gusto pa mang isipin ni Harlow kung paano nagkaroon ng patibong doon ay hindi na niya nagawa. Nakakulong siya sa isang makapal na lambat na nakasabit sa poste ng isa sa mga bahay! Hindi oras upang mag-isip kundi oras para himingi ng saklolo. "Tulungan n'yo ako!" sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD