Kabanata 3

2051 Words
Katahimikan ang namuno sa buong opisina. Kapalit ng malamig na buga ng aircon ay ang mainit na argumento ng mag-amang Primo at Tyson Faulkner. Isinara ni Primo ang pinto bago pa man makalabas ang anak nito. "I'm still talking to you," galit na galit na sabi nito habang hawak-hawak pa rin ang busol, "don't try to leave!" "Dad, please, let me out. I don't want to argue with you in this hour." "At saan ka pupunta? Aalis ka na naman para gawin ang sinasabi mong iba mong duty na hindi mo naman dapat ginagawa? Tyson, malaki ka na. You should know what's right from wrong. Ang opisina dapat ang inuuna mo, hindi kung anu-anong mga bagay!" "'Yon na nga, Dad. I'm old enough para pagsabihan n'yo pa ng mga ganyang bagay. Hindi lang naman sa kompanya umiikot ang mundo ko. I also have other things to do." "Ang hirap mo talagang pagsabihan. Stop being immature, Tyson, please. Dinggin mo naman ang mga sinasabi ko." Mula sa pagkakatayo malapit sa mesa, nagtungo si Tyson sa kaniyang ama. "Sana pinapakinggan n'yo rin ako, Dad." Inagaw niya ang busol mula sa pagkakapigil ni Primo, saka binuksan ang pinto. "Excuse me," utal niya bago tuluyang lumabas sa lugar. Hindi ito ang unang beses na nagtalo ang mag-ama patungkol sa pamamahala sa kompanya. Halos araw-araw sila kung magtaltalan, kaya naman ay hindi na rin ito bago sa kanilang mga empleado. Ang tanging gusto lang naman ni Primo ay maayos ang gulong idinudulot ng kaniyang anak sa kanilang kompanya, ngunit kahit ilang beses pa nitong pagsabihan ang anak ay wala namang magandang nangyayari. Sa katunayan, mas lalo lamang lumalala ang problema. Sa kabilang banda, nais din ni Tyson na makuha ang pag-intindi ng kaniyang ama. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan niyang gugulin ang kaniyang oras sa trabaho. Una sa lahat, hindi naman niya kagustuhan ang maging tagapamahala ng kanilang kompanya. Gayon pa man, batid niya na kaniyang ginagawa ang lahat upang mapatakbo nang maayos ang kanilang negosyo. Mayroon lamang talaga siyang dapat ding gawin para sa kaniyang sarili. Pagsikat pa lamang ng araw nang lisanin ni Tyson ang opisina. Hindi siya umuwi dahil wala naman siyang gagawin doon. Sa halip, nagtungo siya sa kaniyang paboritong gawaan ng kape; nagpakalunod siya roon hanggang sa lumubog ang haring-araw. Ang lugar na ito na kasi ang kaniyang naging kasangga sa mga panahon na wala siyang makapitan. Mula sa kaniyang kinauupuan, masinsinang tinitigan ni Tyson ang unti-unting pagtunaw ng dapit-hapon sa madilim na kalangitan. Malapit nang magsara ang tindahan, kaya naman ay naisip na niyang umalis nang sandaling tumunog ang kaniyang telepono. "Ano? Bakit? Saan? Kailan? Paano?" tuloy-tuloy niyang tanong sa kabilang linya nang kaniyang pindutin ang berdeng boton. Alam niya kasing may problema na naman sa babae ang kaniyang kaibigan na si Cole, kaya ito napatawag. "I need you, Bro. Please meet me here at the bar," wika ni Cole. "Bar? Saang-" Hindi na naituloy ni Tyson ang kaniyang sasabihin nang babaan siya nito. "What's his damn problem?" tanong niya sa kalagitnaan ng hangin. Sandaling tinitigan ng binata ang kaniyang relo; alas nuwebe na pala ng gabi at hindi man lang niya iyon namalayan. Kaya naman ay nagpatuloy na siya sa pag-alis, ngunit bago pa man siya magsimulang magmaneho ay kaniya munang tinawagan ang kaibigan upang siguraduhin ang bar na tinutukoy nito. Sa kasamaang palad, hindi siya sinasagot nito; marahil ay batid na nito na alam na niya ang binanggit nito. Saan pa ba? Eh 'di sa Vanity Club kung saan sila madalas na magkita. Halos isang oras din ang lumipas bago tuluyang makarating si Tyson sa bar dahil sa mabagal na daloy ng trapiko gayon pa mang gabi na. Pagkapasok niya sa lugar ay sinalubong siya ng makabasag-pinggan na musika at nakasisilaw na mga ilaw na paikut-ikot sa buong lunan. Dahil sa mga nagsasayawang liwanag ay hindi na niya makita nang maayos ang kaniyang dinaraanan. Habang naglalakad papunta sa harap ay may nakadumbo siyang isang babae. Dahil hindi naman niya ito sinadya, mabilis siyang humingi ng tawad. Gayon pa man, wala siyang natanggap na sagot dito maliban na lamang sa titig nito sa kaniyang nakatutunaw. "Hey?" Iwinagayway ng binata ang kamay rito. "I said sorry." "O-okay lang..." nauutal pang sabi ng babae. Ngunit kahit ito na mismo ang naiilang ay hindi nito iniwas ang sulyap sa binata. Balak na sanang umalis ni Tyson, ngunit napansin niyang nakatingin pa rin sa kaniya ang babae kaya pinili niyang hindi muna tumuloy. "Miss, are you okay?" tanong niya sa isang malakas na tono. Subalit, mukhang hindi siya narinig ng babae kaya inulit niya ang kaniyang katanungan. "Oh, yes. I'm fine," napalunok ng sambit ng babae. "Nabasa lang nang konti 'yong- ay wala pala. Nevermind, just nevermind!" "Oh, s**t," bulong ng binata. "Nabasa 'yong damit mo? I'm really sorry! I didn't mean it!" "No, it's okay." Inilapit ni Tyson ang kaniyang bibig sa tainga ng babae dahil halos hindi na sila magkarinigan sa ingay. "Good thing I've brought an extra shirt with me," sambit niya. "Wait for me here, okay? I'll just get it in my car. I swear I'll be back, basta huwag kang aalis dito." Tumango lamang ang babae. Samantala, wala pang dalawang minuto ay nakabalik na si Tyson sa loob, hawak-hawak ang isang asul na damit. Inalok niya ito sa babae, at mabilis naman nito itong tinanggap. Pagkatapos siyang pasalamatan nito ay nagpaalam ito na magpunta sa banyo upang magbihis. Naghintay ang binata sa counter hanggang sa makabalik ang babae. Doon ay nagsimula na silang magkuwentuhan, ngunit sinasapawan sila ng musika dahilan upang magtungo sila sa labas upang doon ay mag-usap. "So, why are you here?" tanong ni Tyson sa babae habang umuupo sa sahig. "Okay lang naman sigurong mag-open up sa 'yo, 'no? Kasi sabi nila, strangers won't judge you," sambit ng babae na tinanguan naman niya. "Kaya sige, sasabihin ko sa 'yo. Actually, I'm not a party-goer person. I just wanted to hang out tonight kasi naiinis ako kina Mommy at Daddy. I really hate it kapag may nirereto silang lalaki sa akin na hindi ko naman kilala. Ayoko naman ng gano'n. Gusto ko ako mismo ang hahanap ng tamang tao para sa 'kin. Why is it so hard for them na i-support ako sa part na 'yon?" "C'mon, just continue," bigkas ni Tyson. "'Yon lang," sambit ng babae. "Wala ka bang sasabihin? Do you find me perverted for doing this? I mean 'yong pagtatampo dahil sa bagay na 'yon?" "Honestly, you're not the one to be blamed for this. I somehow feel you, so I understand. The thing is, did you talk to them about this?" "Yes, I've already talked to them many times, pero parang mas lalo pa nilang pinu-push 'yong gusto nila. Kanina, pinagdala nila ako ng dress sa ospital kasi raw may meeting ako. However, Dad told me na hindi raw 'yon tuloy. Pero alam mo, may iba talaga akong kutob doon. They wanted me to meet the son of my dad's friend; baka 'yon ang rason, ayaw lang talaga nilang sabihin sa akin. " "Kilala mo ba 'yong nirereto nila sa 'yo?" "'Yon nga ang problema, hindi ko naman kilala 'yong lalaking 'yon tapos gusto na nila agad na maging boyfriend ko. Ang creepy naman n'on, 'di ba?" "Ang creepy nga," tawa ni Tyson. "Eh, ikaw? Bakit ka nandito?" pagliliko ng babae sa usapan. "Nothing. My friend just asked me to meet- oh, shit." Nagkunot ng noo ang babae. "Oh, anong problema?" tanong nito sa sandaling pagtigil ng binata. "Nakalimutan ko 'yong kaibigan ko," kamot-ulong sambit ni Tyson. "We're supposed to be meeting in this place, but... oh, goodness." Tinapik niya ang kaniyang noo. "Sorry, but can you excuse me for a bit? Tatawagan ko lang siya." Dali-daling nagtungo ang binata sa puwesto kung saan nakaparke ang kaniyang kotse nang tinanguan siya ng babae. Doon ay kinuha niya ang kaniyang selpon mula sa kaniyang bulsa, at nang buksan niya ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata sa daan-daang mensahe at tawag mula kay Cole. "Bro, I'm sorry!" agad na sambit ni Tyson sa kabilang linya nang sagutin ng kaniyang kaibigan ang tawag. "I was waiting for you at Distellery for about two hours, pero wala ka. Saan ka ba nagpun-" "What?" nabiglang tanong ni Tyson. "What the hell, Bro. Ba't hindi mo sinabi agad sa 'kin na nandiyan ka pala? I thought you're here at Vanity!" "You didn't ask me." "C'mon, Bro, tinanong kita kanina pero binabaan mo ako. I texted you, but you're not replying. I even called you, but you're not answering. Tapos, ako itong sisisihin mo ngayon? Dati ka bang abnormal?" "Oh, sorry. Hindi ko napansin, Bro." "Eh, nandiyan ka pa ba?" singhal ni Tyson. "Mabuti pang hintayin mo na lang ako diyan. I'll be there in ten minutes." "No need. Nakauwi na ako kasi ang tagal mo. Bukas na lang tayo magkita, dito rin lang. I'll be waiting, Bro. Goodbye for now, I'm talking to my girlfriends." Napapikit na lamang si Tyson dahil sa kaniyang kaibigan. Buong akala pa naman niya'y problema na naman sa babae ang mayroon ito, ngunit parang hindi naman. Bumalik na rin siya pagkatapos kung saan nakaupo ang babae. "Sorry for the interruption. Ang gulo kasi ng kaibigan ko. Ipinanganak kasi 'yon nang may sira na sa utak." Tumawa nang marahan ang babae. "Okay lang." "What's your name by the way?" tanong ng binata. Kanina pa tayo nag-uusap, pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo." "Harlow," ngiti ng babae. "Harlow... nice name," sambit ni Tyson, taas-taas ang kilay. "Nice meeting you. I'm Tyson, by the way." Pagkatapos magkamayan ng dalawa ay nagpatuloy na ang mga ito sa pagkukuwentuhan. Wala pa mang isang oras ay malapit na ang loob ng mga ito sa isa't isa. Banayad na mga haplos ng hangin ang nakikisama kina Tyson at Harlow habang nagbibigayan ng mga matatamis na ngiti sa bawat salitang natatanggap sa isa't isa. Hanggang sa sumapit ang hatinggabi ay hindi pa rin natinag ang mga ito. "Do you believe you'll go to hell when you die?" pagbubukas ni Harlow sa bagong usapin. "Why did you ask such a question?" tanong naman ni Tyson. "I just want to know. So, do you?" Ngumiti ang binata. "Yes, I believe. Hindi naman sa pagiging demonyo kaya hindi ako makakatapak sa langit, but it's just what I see. Masama bang paniwalaan 'yon?" Tumawa nang malakas ang dalaga dahilan para mangunot ang noo ng binata. "What's funny?" "Hindi naman sa nakakatawa 'yong sinabi mo," sambit ni Harlow. "It's just that we believe the same thing, kaya sobrang nakakatuwa. Ewan ko rin kung bakit nakikita ko ang sarili ko na sa hell mapupunta after I die. I really don't know. Siguro, I don't just want to set my expectation na sa langit ako dadalhin. Masakit kaya kapag umasa ka tapos hindi naman pala totoo." "Same vibes pala tayo, eh," agik-ik ni Tyson. Tumawa lamang ang dalawa habang nagpapatuloy sa kuwentuhan. Mas lalo pang naging kawili-wili ang usapan dahil sa mga bituin na nagniningning sa kalangitan, hanggang sa hindi nila namalayan na umabot na pala sila ng ula-una. Dahil madaling-araw na at delikado na rin sa daan, hinatid na ni Tyson si Harlow pauwi. Dahil maluwag na ang kalsada ay naidala niya ito nang wala pang sampung minuto. Bago pa man bumaba ang dalaga sa kaniyang kotse ay nagsalita muna ito. "Sorry, ngayon ko lang sasabihin 'to," sambit ni Harlow. "Your scent is really familiar to me. I don't know if I met you before. But anyway, thanks for tonight. I had a nice chitchatting with you, Tyson." Nginitian lamang ni Tyson ang dalaga hanggang sa makababa ito. Bago pa man siya magpatuloy sa pagmamaneho ay hinintay muna niyang makapasok ito sa bahay. Nang sigurado siyang ligtas ito ay umusad na rin siya. Habang nasa daan ay hindi mapigilan ng binata ang mapangisi. Ang sinabi sa kaniya ng dalaga ay tunay, walang halong biro.; gaya nito ay minsan na rin niyang nakita ang babae. At ang huling sinabi niya sa kaniyang sarili pagkatapos magkrus ng kanilang mga landas ay: "Babawi ako sa babaeng 'yon." Ngunit sa pangalawang pagkakataon na makita niya ito ay hindi sumagi sa kaniyang isipan na maghiganti rito. Hindi niya inaasahan, ngunit naaliw rin siya sa pakikipag-usap dito. Maitutuloy pa ba niya ang kaniyang masamang ipinaplano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD