"Alex! Bilisan mo na!" Umalingawngaw ang boses ni Raine sa buong bahay nila Alex. Paroo't parito ang lakad nito sa living area habang hinihintay na matapos magbihis ang matalik na kaibigan.
"Bakit ba kasi kailangan pa akong kasama doon?" Nagkakamot ng ulong tanong ni Alex.
"E kasi nga ininvite ka rin ni Brent. Tsaka ayoko pumunta doon mag-isa. Baka malasing ako. Alam mo naman ang nangyayari sa akin pag nalalasing ako." Nakangising paalala ng dalaga.
Hindi nga magandang idea ang lasingin si Raine. Tandang-tanda pa ni Alex ang una at huling beses na nakita niyang lasing ang bestfriend.
---
"Tama na nga yan!" Pilit na inaabot ni Alex ang isang bote ng mula sa kamay ni Raine. Halatang marami na itong nainom dahil namumula na ang pisngi nito at hindi na makatayo ng derecho.
Ginulat siya nito ng bigla na lang itong pumasok sa kwarto niya na dala ang isang bote ng alak. Kita sa namamagang mata nito na magdamag na itong umiiyak. Mabuti na lamang at wala ang mga magulang ni Alex dahil siguradong pareho silang mapagagalitan.
Hinatak niya si Raine paupo sa kama niya at inagaw ang bote sa kamay nito. Marahan niyang inilapag ang bote sa side table niya.
"I hate them! Can't they just stay together at least para sa akin?" Lumuluha niyang sabi.
Naikwento na ni Raine kay Alex ang balak na pagpapa-annul ng kasal ng mga magulang niya. Nag-iisang anak lang ito kaya wala itong ibang matatakbuhan kundi siya na matalik na kaibigan.
"Everything will be ok, Raine." Mahigpit niyang niyakap ang kaibigan na walang tigil ang paghagulgol.
Nang mapansin ang pagkalma ng paghinga nito ay dahan-dahan niya itong inihiga sa kama. Bumaba siya sa kusina upang kumuha ng tubig at bimpo. Laking gulat niya nang matagpuang h***d na nakahiga sa kama ang bestfriend niya. Nagkalat ang mga damit nito sa sahig ng kanyang kwarto.
"Lorraine! What are you doing?!" Hindi niya napigilan ang mapasigaw. Inilapag niya ang planggana sa sahig at dali-daling tinakpan ng kumot ang katawan ng kaibigang naka-underwear lang.
"Uhmm.." Ungol nito at pilit na inaalis ang kumot. "Ang init." Reklamo nito.
"Don't you dare remove that blanket!" Babala niya ngunit parang walang narinig ang kaibigan at sinipa-sipa ang kumot hanggang malaglag ito mula sa kama.
"s**t!" Sigaw niya sa isip. Nakita na naman niya ang magandang hubog ng katawan ng kaibigan. Ramdam niya ang pag-init ng buo niyang mukha hanggang sa puno ng kanyang tenga. Napapikit siya ng mariin. "Calm down Alexandria Eunice." Pilit niyang kinakalma ang sarili.
Binuksan niya ang aircon ng kanyang kwarto at tahimik na lumakad palapit sa pinto.
"Alex." Narinig niyang tawag ng kaibigan.
"Yes?" Sagot niya nang hindi man lang ito nililingon.
"Don't leave. Please stay with me." Naaninag niya ang pilit na pagtayo nito ngunit agad din namang bumalik sa pagkakahiga.
Marahan niyang ipininid ang pinto ng kwarto at sumandal dito. Kinapa niya ang dibdib na naghuhurumentado sa bilis ng pagkabog.
"I'm sorry Raine. I can't stay with you. Not now. Not like this." Bulong niya.