Excited na sumakay si Raine sa kotse ni Alex.
"Salamat talaga at sumama ka." Nginitian siya ng kaibigan.
"Bakit ba kasi inimbitahan pa ako ng manliiligaw mo? Dapat nga hindi na niya ko inimbitahan dahil siguradong hindi siya makaka-score pag nandun ako." Naiinis na sabi ni Alex.
"Oo nga no. Sige wag ka na lang sumama." Seryosong tingin nito sa kanya.
"Hoy! Lorraine Ingrid Lacsamana! Nothing's going to happen tonight!" Singal ni Alex kay Raine.
"Ano? Sayang naman yung pinractice natin." Nakasimangot na sabi nito sabay kibit-balikat.
Pinamulahan naman ng pisngi si Alex nang maalala ang sinasabi ng kaibigan.
---
"Sige na Alex. Please." Pagmamakaawa ni Raine. Nasa kwarto sila ni Alex at kasalukuyang nagmo-movie marathon.
"Ano bang pumasok sa kukote mo at naisipan mo yan?" Iritableng tanong ni Alex.
"E kasi nga, niyayaya ako ni Brent na mag-date di ba. Campus heartthrob yun. Ngayon lang yun nabakante dahil pumunta ng Norway yung cheerleader ex-gilrfriend niya. Chance ko na 'to para maging campus queen." Paliwanag nito sa kanya.
"Anong kinalaman ng nirerequest mo sa date ninyo at sa pagiging campus queen mo? At kelan ka ba naging interesado sa ganyan? Kala ko ba ok lang na tawagin nila tayong weird? Basta we have each other." Naguguluhang tanong niya.
"Ayaw mo ba ng change? Change is good, Alex. Isa pa, it's not everyday that Brent would ask someone to go on a date with him. Yung iba nga dyan halos maghubad na sa harap niya hindi pa rin niya pinapatulan. Pero ako. Ako, na nobody, niyaya niya mag date!" Nangintab ang mata ni Raine. "Syempre malamang nagprepare yun ng something romantic. Paano pag perfect yung place at yung timing, hahalikan niya ako tapos malalaman niya na hindi ako marunong humalik. Nakakahiya!" Tinakpan pa niya ng dalawang kamay niya ang mukha.
"I don't get it. Why would you kiss on the first date? At kung sakali mang mangyari yun, why do you need to be an expert in kissing? Hindi ba dapat sabay ninyong ineexplore yun? And to set everything straight. You're not a nobody. Ikaw ang pinakamatalino sa batch natin." Nag-uumpisa na namang mairita si Alex.
"It would be nice kung sabay kaming mag-eexplore kung virgin pa si Brent. E ang kaso, andami na niyang naging girlfriends so ang chance na virgin pa siya ay negative one percent! Nakakahiya naman kung ako ang unang babaeng na-date niya na hindi marunong humalik. Sige na Alex. Please..." Hinawakan nito ang kamay ng kaibigan. "Isa pa, first kiss ko ito. Maliban sayo, wala na akong ibang naiisip na pwedeng gumawa nito." Pagmamakaawa niya.
"Yun na nga e. First kiss ko. First kiss mo. Dapat ibigay mo yan sa taong totoong mahal mo. Hindi yung ide-date mo lang dahil lang sa kagustuhan mong makilala sa school." Akmang tatayo si Alex para lumabas ng kwarto nang higitin siya paupo ni Raine.
"Mahal naman kita ha." Inangkla ni Raine ang kamay sa braso niya, isinandal ang ulo sa kanyang balikat at masuyo siyang tiningala.
Napatigil ito nang magtama ang kanilang mga mata ngunit maya-maya ay bigla itong humalakhak.
"Bestfriend, nakakatawa yung mukha mo kanina. Nagblush ka tapos yung itsura mo, para kang constipated." Maluha-luha ito sa katatawa.
Kumalas siya mula sa pagkakahawak nito.
"Wag mo akong gawing joke Raine." Matalim na tingin ang itinapon niya sa kaibigan.
"Bakit seryoso naman ako nung sinabi kong mahal kita. Kaya okay lang na ikaw ang first kiss ko. Bakit? Hindi mo ba ako mahal?" Nagkibit-balikat si Raine at nanghaba ang nguso.
Sandaling napahinto si Alex. "You know that's not what I mean right?" Seryosong tanong nito.
"Fine. Malamang nakasave na yang first kiss mo sa kung sino mang saksakan ng swerteng lalaki dyan sa tabi-tabi. Wag na nating gawin. Hahanap na lang ako ng iba na magtuturo sa akin." Kinuha nito ang cellphone at nag-umpisang magbrowse ng number sa contacts list niya.
"God Raine! You're making me crazy!" Alex looked defeated. Inagaw niya ang cellphone sa kamay ni Raine at inihagis iyon sa kama.
Hinatak niya ang kaliwang braso nito, dahilan para mapalapit ito sa kanya. Ngayon, ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. Halos nagpapalitan na sila ng hininga. Hinaplos ni Alex ang pisngi ni Raine. It's her turn to look constipated.
"Ready?" Tanong niya.