INAAMIN ni Janine, simula noong umalis ang kanyang mga kamag-anak ay tumahimik na ang pamumuhay nila sa bahay. Iyon nga lang, sa sobrang katahimikan ay aakalaing walang tao roon.
“Ang lalim na naman ng iniisip ng honey ko,” pansin ni Louie sa kanya nang samahan siya nitong mag-enroll.
“Wala naman, kinakabahan lang siguro ako kasi huling taon ko na sa college.”
Tahimik na lang itong hinintay na matapos ang proseso ng kanyang pag-e-enroll. Ilang sandali lang ay natapos na rin si Elise. Magkasabay lang kasi silang nag-enroll.
“Si Chan?” tanong ni Elise. Nagkibit-balikat siya.
“Hindi sumasagot sa mga tawag, e. Puntahan natin?”
“Gusto ko sana kaya lang may dinner kami ni Jameson kasama ang pamilya na.” Jameson was her boyfriend.
Marahan na lang siyang tumango at niyaya na ring umuwi si Louie. Matagal na ring natapos ang session niya sa counseling dahil mabilis naman niyang nalagpasan ang trauma. Maraming salamat sa mga taong nagmamahal sa kanya dahil naging madali para sa kanya ang lahat.
Habang nakaangkas sa ducati nito at nakahinto sa stop light ay nagsalita ang kanyang boyfriend, “Dumaan tayo kila Chanel?”
“Sige.” Na-touch siya rito dahil alam niyang nag-aalala siya nang husto sa kaibigan. Ang daming nangyari sa nakalipas na buwan.
Nagpunta sila sa bahay ng kaibigan at laking gulat nila na wala ito roon. Ang sabi ng ama nito ay dinala sa probinsya ang kaibigan dahil ayaw na raw nitong mag-aral.
Kinabahan siya, hindi maaari iyon. Nasa huling taon na sila ng kolehiyo!
Subalit ilang buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin nila nakakausap ang kaibigan.
Magpa-finals na sila nang ma-contact nila ito.
Panay ang hingi ng tawad dahil sa hindi nito pagpapaalam sa kanila, pero hindi naman sila tuluyang nagdamdam dito; mas nangibabaw kasi ang pag-alala nila dahil sa biglaang desisyon nito noon.
“Just always contact us,” anang Elise nang magkausap sila. “Don’t you ever try to run away.”
Umiiyak na tumango ang kaibigan.
“And don’t cry, nandito lang kami.”
Kasalukuyan silang nasa sala ng bahay nila habang isinisiwalat ni Chanel ang mga pangyayari.
She noticed her brother’s silhouette on her peripheral vision. Tahimik pala itong nakikinig sa usapan nilang magkakaibigan.
Mabilis na nagdaan ang taon, ang akala niya noon ay hindi niya kakayanin ang stress at pressure ng pag-aaral. Pero ngayong tapos na siya ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Or so she thought because when she took the board exam with Elise, they failed at first take; she didn’t cry at all. Makakapagtrabaho pa naman sila kahit hindi pasado sa board. She needed to be optimistic and enthusiastic so she would not feel so down. Tuloy ang buhay.
Sa probinsya sila nakahanap ng trabaho—silang tatlong magkakaibigan. They worked in a BPO company as customer service associates. Masaya siyang kasama nila si Chanel sa pagtatrabaho roon.
They rented a two-storey apartment. At dahil nasa probinsya sila ay mas mababa ang monthly bill kumpara sa inaasahan nila.
“Ja, bakit hindi na lang kayo rito magtrabaho sa Maynila? Maraming offers dito,” anang kanyang mama nang minsang kausap niya ito sa cellphone.
“Okay na po rito, ‘Ma. Mura lang din ang gastusin,” katwiran niya.
“Louie came here the other day. Nagpaalam siya kung pwede siyang tumira kasama ninyo para mabantayan kayo. Pumayag na ako dahil puro kayo mga babae riyan sa probinsya. Baka mapagdiskitahan kayo ng mga loko.”
“What? Baka may masabi ang mga kamag-anak natin, itsi-tsismis nilang nag-asawa na ako!”
“Wala akong pakialam, Jaja. Ang importante sa akin ay ang ligtas ka, kayo ng mga kaibigan mo. At hindi ako mapapalagay kung wala si Louie riyan sa inyo.” Ganoon ito katiwala sa kanyang boyfriend.
“Gusto ko kasi po sanang magtrabaho siya kaya parang hindi ako payag sa gusto ninyo.”
Hindi pa rin kasi nagta-trabaho si Louie. Ewan ba niya, pakiramdam niya ay ayaw nito ng minimum income. Nasanay kasi sa karangyaan. O baka siya lang pala ang nag-iisip niyon.
“Kayo na lang ang mag-usap diyan. Bibiyahe na siya bukas.” Hindi na pinatagal ng kanyang ina ang usapan nila.
She missed Louie so much but she didn’t expect she’d live with him! Well, kasama naman nila ang mga kaibigan niya pero kasi…
Ugh! Makatulog na nga!
Kinabukasan, gaya ng inaasahan ay dumating si Louie, kasama nito ang pinsan nito na pinag-aral nito ng high school. Ayaw na nitong mag-aral dahil mahina raw ang utak nito, na hindi raw kakayanin ang puspusang pag-aaral sa kolehiyo. Pero duda siya dahil maaaring may pinagdadaanan pala ang binata. Pero hindi na siya nakialam.
May dalawang kwarto ang apartment na inuupahan nila, up and down at mayroon ding dirty kitchen. May banyo ang isang kwarto at ang isa ay wala.
Silang tatlo ay magkakasama sa kwarto na may banyo habang si Louie at ang pinsan nitong si Marco ay sa kabilang kwarto. Pero ayaw raw ni Marco na may katabi kaya sa sala na lang ito natutulog; naglalatag ito ng mattress doon.
Si Chanel naman ay umuwi matapos ng anim na buwan dahil nagsawa na ito sa pagtagtrabaho. Silang dalawa ni Elise ay nagtagal doon. Balak nilang mag-enroll para sa Master’s Degree nila sa probinsya dahil swak iyon sa schedule nilang dalawa.
“Hon...”
Naiwan silang dalawa ni Louie sa apartment dahil umuwi ng Maynila si Elise habang si Marco naman ay naghahanap na ng trabaho. Natutulog pa rin si Louie nang pasukin niya sa kwarto.
Umungol ito na tila ayaw gumising.
“Hon,” ulit niya. Sumiksik siya rito at kinintalan ng halik ang tungki ng ilong nito.
“Good morning,” bati nito nang magmulat at pumikit din. Mukhang iniisip nitong nanaginip pa rin ito.
She chuckled. She’d never been that intimate with Louie. Palaging ito ang clingy sa kanya.
“Hon, gising na.”
Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga matang nagmulat ito. Sinasabi na nga ba, hindi ito makapaniwalang nasa tabi nito siya ngayon, eh.
“Princess Janine! W-why are you here?”
Natawa siya dahil tinawag siya nito sa pangalan niya na hindi nito laging sinasabi.
“Ginigising lang naman kita,” nakangising untag niya.
Pero tumabingi ang ngiti niya nang mapagmasdan ang kagigising lang nitong mukha. Parang mali na binalak niyang tuksuhin ito ngayong umaga. His dishevelled hair made him look devilishly handsome. Ang nakaawang nitong bibig ay tila nagsindi ng kung anong apoy sa kanya.
Walang sere-seremonyang hinalikan niya ito. Gulat pa rin ang reaksyon ni Louie kaya nama’y idinikit niya pa ang katawan dito at mas hinalikan ang malalambot nitong labi. Nagtagumpay siya nang tugunin nito ang kanyang halik nang higit pa sa kanyang inaasahan.
Sa isang iglap ang nakaibabaw na ito sa kanya nang hindi pinutol ang kanilang halikan.
Napasinghap siya nang tumigil ito. Nang magmulat ay kita niya ang pagkalito sa mga mata nito at ang matinding pagnanasa.
“Bakit ka tumigil?”
He groaned. “Ipinagkatiwala ka sa akin ng mama mo, hon.”
She couldn’t believe his self control. She could feel his massive boner poking her navel yet all he’s thinking was his respect for her, huh?
“I love you,” buong-pusong tugon niya.
Napamura ito na para bang maiibsan niyon ang gusto nitong mangyari. “Can I kiss you more?”
“You’re going to lose control, then,” pabirong sita niya.
“Just one more kiss,” anas nito. Hindi na siya hinintay na makasagot at ninamnam na muli ang kanyang labi.
Her soft moans made him devour her sensually. She pressed her body more onto him and he stopped kissing her when he felt her unconsciously grinding her body against him.
He groaned his frustrations.
“We need to stop, Ja,” he murmured.
“I agree.”
They were both panting when Louie laid down beside her.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago binasag ni Louie iyon.
“Hon,” panimula nito; seryosong-seryoso ang tinig nito.
“Hmm?”
“What if I work abroad?”
“Huh?” Out of the blue?
Napabalikwas siya ng bangon at naguguluhang tiningnan ito.
“Akala ko ba, iaahon mo ang farm?”
Bumangon din ito at unti-unting ginagap ang kanyang kamay.
“Lubog na ako sa utang kaya hindi ko maisasalba ang farm.”
Louie had been jobless for years now. Kahit sabihing maykaya, ay mauubos at mauubos din ang yaman nito kung walang pinagkakakitaan. Fourth year siya nang tuluyang ma-peste ang farm na mina-manage nito. Ang akala niya ay maayos na ulit ang lahat dahil kaya nitong hindi magtrabaho at sinamahan pa nga siya sa pagtira sa probinsya.
Hindi niya inakalang may ganoon na palang pinagdadaanan ang kasintahan.
“Why didn’t you tell me you’re bankrupt?”
“Because I know you’ll offer me money, hon.”
“Is it about your pride?”
“No…” angil nito. “…pina-renovate ninyo ang bahay n’yo kaya alam kong wala kang ipon ngayon.”
Totoo naman iyon kaya saglit siyang natigilan. “Pero, abroad... Malayo iyon.”
“Dalawang taon lang naman.”
Napakagat-labi naman siya ngayon; pinipigilang maluha.
“Hon…”
“Can you give me some time to think about it?”
Marahan itong tumango.
“If in any case you will go, you’re going to call me everyday, and say how much you love me, okay?” garalgal ang tinig niya. Dahil kahit na sinabi niyang pag-iisipan niya muna ay alam niyang kung buo na ang desisyon nito ay papayag at papayag pa rin siya. She would never be a hindrance to his dreams.
“I will. Mahal kita, iyan ang palagi mong tatandaan.”
Tumango siya at saka niya pinunasan ang takas na luhang naglandas sa kanyang pisngi.
“I’m really glad the we’re both maturing, hon.”
Hinuli nito ang tingin niya.
“Noong unang beses mo akong sinagot ay parehas pa tayong selfish sa isa’t isa. Ang hindi ko pagpayag sa iyo na sumama sa mga itinuring mong kaibigan noon ay para sa pansarili kong kapakanan.”
She sighed to stop her tears from falling. Alam na niya iyon, pero iba pala sa pakiramdam ngayong sinasabi nito ang tungkol sa nakaraan nila.
“Sa totoo lang kasi ay natatakot akong baka maagaw ka ng iba lalo pa’t maraming mas bata sa akin ang nakakasalamuha mo. Mga ka-edad mo.”
Mariin siyang napapikit at parang nanumbalik siya sa ilang taong nakalipas. “You’re right. I was selfish, too. Ang paninisi ko sa iyo noon na dahil nasasakal na ako kaya hindi niya ma-enjoy ang college life, ay dahil sa pansariling kaligayahan lang din.”
Hindi ito kumibo pero alam niyang kahit paano ay sumang-ayon ito sa sinambit niya.
And that they’re both grown up, she still wanted to be selfish and let him stay by her side. But she didn’t want to be that selfish anymore. She did not want to cut his wings.
“You’re not really a kid anymore,” nakangiting bulalas nito.
“You love me unconditionally and your selfless love taught me how to grow, too.”
Tinago nito sa kanya ang paghihirap na dinaranas para lamang masigurong ligtas ang pamumuhay niya sa dayuhang lugar. At ngayon, susuportahan niya ito sa mga bagay na gustong gawin. Afterall, she could never say no to him.
“I won’t let your downfall stop you from dreamin. Mabilis lang naman ang dalawang taon,” anas niya. “Naniniwala akong mababawi mo ang mga nawala sa iyo. Na higit pa ang babalik sa iyo.”
“Sa atin,” he corrected her.
Napayuko siya para hindi nito makita ang panunubig ng mata niya. Pero nang mag-angat siya ng tingin sa lalaki at tuluyan namang tumulo ang mga luha nito. Yumakap ito nang mahigpit sa kanya at paulit-ulit na binulong kung gaano siya nito kamahal.
“I’m sorry for being this incompetent. I promise I’ll do everything for us to have a comfortable life. Hinding-hindi mangyayari ang sinasabi ng ibang tao sa iyo… Mahal na mahal kita, Janine, tatandaan mo iyan.”
Napahikbi siya dahil alam nito ang mga sinasabi sa kanya ng iba. Na siya ang magtataguyod sa lalaki kung sakaling magpakasal sila. At parang nilamutak ang puso niya nang mapagtanto kung gaano kasakit iyon para kay Louie.
With conviction, he said, “Para sa atin ito, kaya sigurado akong hindi na ako mabibigo.”