CHAPTER 19

1336 Words

EDWARD'S POV: Matapos maligo ni Diane ay inaya ko muna siyang kumain. Inalalayan ko siya dahil alam ko na hindi pa rin nawawala ang takot niya kay daddy at nauunawaan ko iyon. Marami kasi talagang mga kuwento ng paninira sa pamilya ko kaya nga ayoko na mag hiwalay agad kami ni Diane dahil baka kung ano na naman ang mga maling kuwento ang lumabas. Mabuti na lamang at nauunawaan ito ni Diane. Masaya naman kaming kumain habang nag kukuwentuhan. Nakikita ko na pinipilit naman ni Diane na maging kumportable sa harap ng parents ko lalo na kay daddy. Matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa kuwarto para makapag pahinga na rin. "Maliligo lang ako Diane, pwede kang manood muna ng tv kung hindi ka pa inaantok," saad ko. "Sige," tanging sagot naman nito. Pumasok na ako sa banyo para maligo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD