bc

My Substitute Wife

book_age18+
5.5K
FOLLOW
27.0K
READ
billionaire
HE
opposites attract
badboy
powerful
heir/heiress
sweet
bxg
substitute
like
intro-logo
Blurb

Namatay ang kapatid ni Diana Rose Gomez sa mismong araw ng kasal nito. Dahil sa nangyari, walang nagawa ang kaniyang pamilya kundi gawing substitute bride si Diane. Ang kaniyang kapatid kasi na si Christine ang hinihinging pambayad sa utang nila sa pamilya ni Edward Sebastian, isa sa mga anak ng mag asawang Sebastian na kilala sa sama ng ugali. Ang pamilya Sebastian ay kilala dahil sila ang pinaka mayaman sa kanilang lugar at nag mamay-ari ng isang naoakalaking hacienda kung saan namamasukan ang kanilang ama.

Laking gulat ni Edward ng iba ang sumipot sa kanilang kasal.

Hindi siya makapaniwala na mag kakaroon siya ng substitute bride.

Mapalambot kaya ni Diane ang matigas na puso ni Edward Sebastian?

Matutunan kayang mahalin ni Diane ang Kaniyang asawa na ubod ng sungit at sama ng ugali?

Matutunan din kayang mahalin ni Edward ang kaniyang asawa na napakainosente?

Halina't ating subaybayan ang mala roller coaster na kuwento ng pag-ibig nina Diana Rose Gomez at Edward Sebastian.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Araw na ng kasal ni Christine sa anak ng pinaka mayaman sa kanilang lugar na si Edward Sebastian. Dahil sa lumaki na ang utang nila sa pamilya ng mga Sebastian ay hindi na nila ito mabayaran pa. Naging masasakitin kasi ang kaniyang ama kaya nahihirapan na silang makabayad sa pamilya ni Edward. Hindi na din ito makapag trabaho sa hacienda ng mga Sebastian. Dahil sa pag pag papagamot nila sa kanilang ama ay lumaki ng lumaki ang utang nila sa pamilya nito. Kaya naman ng wala na silang maipang bayad ay ang anak nilang panganay ang hininging pang bayad utang ng mga ito. Ayaw man nilang pumayag ngunit wala silang magawa. Napilitan si Christine na mag pakasal kay Edward kahit labag pa sa kalooban niya. Ngunit para sa kaniyang pamilya ay handa siyang gawin ang lahat. Maliban kasi sa mawawala na ang mga utang nila ay babayaran pa sila ng isang milyon, pakasalan lamang niya si Edward. Dahil sa angking kagandahan ni Christine ay nabihag nito ang puso ni Edward ngunit ayaw dito ni Christine dahil kilalang bad boy at masama ang ugali ni Edward. Ngunit ngayon ay wala na siyang magagawa pa kundi ang pumayag sa alok ni Edward. "Anak, sigurado ka na ba talaga?" tanong ni aleng Glenda. "Nay, kaya ko 'to! Huwag ka pong mag alala!" nakangiting ani Christine. Kasalukuyan silang nag hahanda ng make up artist na kinuha ni Edward na siyang mag aayos sa kaniya. Ngunit habang inaayos ni Christine ang mga gagamitin sa kasal ay tila ba nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at tila ba hinahabol ang kaniyang pag hinga. Napatigil naman ang make up artist at nakadama ng pag aalala kay Christine. "Ma'am, ok lang ba kayo?" tanong nito. Ngunit hindi na nakasagot pa si Christine at nawalan na ito ng malay at tuluyan nang bumagsak ang katawan. Mabuti na lamang at nakaupo ito at naalalayan ni Marie, ang make up artist. "Aleng Glenda! Aleng Glenda!" natatarantang tawag nito sa nanay ni Christine. "Bakit Marie!" nag tataka namang sagot ni Glenda. "Aleng Glenda, si Christine po nawalan ng malay!" sigaw na sagot naman ni Marie na sobra nang nag aalala kay Christine. "Ano?" Halos inilang hakbang lamang ni Glenda ang kuwarto na kinaroroonan ni Christine mula sa sala dahil sa pag aalala nito sa anak. Takbuhan naman lahat ng mga taong naroon nang marinig ang nangyari kay Christine kabilang sina Diane at mga kapatid nila at maging ang kanilang ama. "Anak, Christine! A-anong nangyari sa kaniya Marie!?" natatarantang tanong ni Glenda habang pilit na ginigising si Christine. Ngunit kahit na anong gising nila ay hindi na gigising ang dalaga. Nang hawakan ni Diane ang leeg ni Christine ay tila ba namanhid ang buo niyang katawan ng malaman niya na wala na itong pulso. Kaya tila siya kandilang naupos na dahan-dahan na napaupo sa sahig. "Anak, bakit?" hindi maunawaan ni Glenda kung ano ang nangyari kay Diane ng hawakan nito ang kapatid. Unti-unti namang tumulo ang mga luha ni Diane at tila ba hindi siya makapag salita. "Dalhin natin siya sa ospital! Bilisan n'yo! Kumuha na kayo ng sasakyan! Ano pang hinihintay n'yo!?" sigaw ni Glenda na hindi malaman kung iiyak o ano dahil sa bigla siyang nakadama ng matinding takot ng mga oras na iyon. Takbuhan naman ang ilan upang kumuha ng masasakyan. Yakap-yakap naman ni Glenda si Christine at wala siyang kamalay-malay na wala nang buhay ang kaniyang anak. "Inay, p-patay na si ate! Iniwan na niya tayo!" humahagulhol na saad ni Christine habang nakaupo pa rin sa sahig at tila ba pilit na niyayakap ang sarili. Nabigla naman ang lahat sa sinabi ni Diane. Lalo na ang kaniyang ama na nakaupo sa wheelchair. Tumulo na lamang ang mga luha nito at hindi na nakapag salita pa. "Ano? Tumigil ka nga Diane! Buhay pa ang kapatid mo! Buhay pa siya! Dadalhin pa natin siya sa ospital!" galit na saad ni Glenda habang yakap-yakap pa rin ang walang buhay na si Christine. Dumating naman agad ang ambulansya na siyang mag dadala kay Christine sa ospital. Nag mamadali silang isakay si Christine sa ambulansya upang madala sa ospital Sumama si Diane sa ospital dahil nag aalala siya sa kaniyang ina. Hindi na maawat pa ni Diane ang kaniyang luha habang bumibiyahe sila papuntang ospital. Hindi siya makapaniwala na wala na ang kaniyang ate. Napakalapit nila sa isa't-isa. Halos ito na ang best friend niya mula pa pag kabata dahil mag kasundong-mag kasundo sila sa lahat ng bagay at kahit kailan ay hindi pa sila nag aaway nito. Napakabuting kapatid, ate, at kaibigan nito sa kaniya. Palagi din silang magkasama ng kaniyang ate at mag katulong sa lahat ng bagay. Kaya ngayon hindi niya matanggap na mawawala na ito sa buhay nila. Mula pa pag kabata ay may iniinda na itong sakit sa puso. Ito ang nag papahirap sa kaniyang kapatid kapag inaatake ito. Ngunit malakas ang kaniyang ate kaya kahit ilang beses na din itong inatake ay palagi itong nakakaligtas. Kaya nga hangang-hanga siya dito. Mula pag kabata ay ito na ang idol niya dahil sa pagiging matatag nito ngunit ngayon ay sumuko na ito at iiwanan na siya. Hanggang sa makarating sa ospital ay umiiyak si Diane. Mabilis namang ipinasok sa emergency room si Christine at sinuri ng doctor. "Doc, kumusta po ang anak ko? Buhay pa siya 'di ba?" umiiyak na tanong ni Glenda sa doctor na sumusuri kay Christine. Ngunit tanging iling lamang ang naisagot ng doctor. Tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Glenda sa sagot ng doctor. Maya-maya ay bigla na lamang siyang nag hysterical ng maunawaan niya ang ibig sabihin ng pag iling ng doctor. "Hindi iyan totoo! Buhay pa ang anak ko! Buhay pa siya! Ikakasal pa nga siya eh!" umiiyak na saad ni Glenda habang hinihila ang damit ng doctor. "I'm sorry misis! Dead on arrival na po ang anak mo!" malungkot na saad ng doctor. Time of death, 7:20 am. Cause of death, heart attack!" saad pa ng doctor. Pag kasabi noon ay lumabas na ito ng kuwarto. "Hindi! Huwag mo kaming iwanan anak! Christine! Anak ko! Bakit mo kami iniwan agad? Ang bata-bata mo pa anak! Bakit?" humahagulhol na ani Glenda habang yakap-yakap ang walang buhay na anak. Iyak naman ng iyak si Diane habang hinahagod ang likod ng ina na sobrang nag dadalamhati sa pag kawala ni Christine. "Inay, tama na po! Nag papahinga na po si ate! Isipin na lang natin na nasa mabuti na siyang kalagayan at wala na siyang nararamdaman na sakit doon!" umiiyak na saad ni Diane. Dinala ang mga labi ni Christine sa isang funeral services upang ihanda para sa lamay nito habang nag hihintay ang kaniyang pamilya sa kanilang tahanan. Nag dadalamhati ang kaniyang pamilya sa kaniyang maagang pag kawala. Halos hindi matanggap ng lahat ang kaniyang biglaang pag panaw. Napakabuting anak ni Christine kaya walang masabi ang mga magulang niya sa kaniya ugali. "Paano na ito Nestor? Tiyak na guguluhin tayo ng pamilya ng mga Sebastian. Tiyak na nag hihintay na sila sa simbahan. Natatakot ako sa maaari nilang gawin sa pamilya natin! Alam kong kaya nila tayong palayasin dito ngayon din!" nag aalalang ani Glenda. "Wala tayong magagawa! Makiusap na lamang tayo sa mga Sebastian, baka sakaling pakinggan nila tayo!" malungkot na saad ni Nestor. "Ngunit hindi ganun kadali iyon Nestor! Alam mo ang ugali ng mga Sebastian! Wala silang pakialam sa damdamin at kalagayan ng iba! Maari din nila tayong ipakulong!" saad pa ni Glenda. Awang-awa naman si Diane sa mga magulang. Para makatulong ay nakaisip siya ng paraan. "'Nay, 'tay ako na lamang po ang mag papakasal!" wika ni Diane na ikinagulat ng kaniyang mga magulang. "Nababaliw ka na ba Diane?" ani Glenda na nabigla sa sinabi ng anak. "Hindi po inay! Nakapag desisyon na po ako! Hindi ko hahayaan na mapahamak ang ating pamilya. Handa akong mag sakripisyo alang-alang na din kay ate. Gagawin ko ito para sa inyong lahat!" Bukod doon ay may nabubuo pang plano sa kaniyang isip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook