Story By R. T. AGUILLON
author-avatar

R. T. AGUILLON

ABOUTquote
I am a fan of love stories. That\'s the reason kung bakit ako nangarap na maging writer someday. Bilib na bilib ako sa mga writers na mahuhusay mag sulat noon sa mga pocketbooks. Ang dami kong naipon na mga pocketbooks dati kasi libang na libang ako magbasa. Pocket book is life ika nga. Ngayon na nagkaroon ako ng chance na makapag sulat at maibahagi ang kaunting talent sa pag susulat sana magustuhan niyo rin at sana mayroon din akong mainspire para magkaroon rin ng lakas ng loob na ibahagi ang mga natatagong talent sa paggawa ng kuwento. Thank you in advance sa mga magbabasa ng stories ko sana magustuhan niyo.
bc
One Night of Seduction
Updated at Jun 12, 2024, 04:43
Isang bilyonaryong binata na ang hanap ay isang gabing kaligayahan lamang ang makikilala ni Trisha. Si Trisha ay anak ng isang prostitute sa isang kilalang club sa Maynila. Siya ay pinalaki ng kaniyang ina sa pamamagitan ng pag tatrabaho sa club ngunit kailanman ay hindi siya pinabayaan nito. Pinag aral at pinalaki siya nito ng maayos kaya naman lumaki siyang isang mabait na anak, ngunit dumating ang isang pag subok sa kanilang mag ina. Nagkaroon ng malalang sakit ang kaniyang ina kaya naman kailangan nila ng malaking pera para maipagamot ito. Dahil sa kawalan ng pag asa ay nagawang ibenta si Trisha ng kaniyang ina sa isang bilyonaryo, ito ay walang iba kundi si Luke Hanford; isang bilyonaryong binata na ang tanging hanap ay babaeng libangan lamang. Dito mag sisimula ang mala roller coaster nilang pag-ibig. May pag asa kaya na mahulog ang puso nila sa isa't-isa kahit na langit at lupa ang kanilang pagitan? Sabay-sabay nating subaybayan ang makulay nilang kwento.
like
bc
Ang Babae Sa Painting
Updated at Mar 2, 2024, 01:26
Paano kung mainlove ka sa isang babae na sa painting mo lamang nakita sa isang exhibit ng isang sikat na artist? Si Angelo Sebastian, anak ni Edward at Diane Sebastian ay minsang nabigo sa pag-ibig. Pag ibig na akala niya ay forever na ngunit pinag taksilan lamang siya ng babaeng pinakamamahal. Dahil sa sakit na nararanasan ay natagpuan niya na lamang ang kaniyang sarili sa isang exhibit na nakatulala sa isang larawan na nakaguhit doon. Tila ba hinuhugot nito ang kaniyang buong sistema. Hanggang sa gabi-gabi na itong laman ng kaniyang panaginip at halos buong araw at oras na siyang binabagabag ng babae sa painting at naramdaman niya na lamang na unti-unti ay umiibig siya sa babaeng iyon na ni hindi niya alam kung nag eexist nga ba ito o hindi. Gamit ang kaniyang yaman at kapangyarihan ay pinakilos niya lahat ng kaniyang connection upang mahanap ang misteryosong babae sa painting. Mahanap kaya niya ang babaeng sa painting niya lamang nakita ngunit natutunan niyang mahalin? Anu-anong pagsubok ang kailangang lampasan ni Angelo mahanap lamang ang babae sa painting? Paano kung kontra ang buong mundo sa pag-ibig niya para sa babae? Paano kung ang Diyos na ang kahati niya sa puso ng babae? Sundan natin ang kuwento ng pag ibig ni Angelo Sebastian at ng babae sa painting. FYI Si Angelo ay isa sa kambal na anak nina Edward at Diane Sebastian sa kuwentong My Substitute Bride. Para hindi kayo malito ay mangyaring basahin muna ang kwento nina Diane at Edward para maintindihan ninyo ang magiging takbo ng storya ni Angelo. Salamat.
like
bc
My Substitute Wife
Updated at Aug 19, 2023, 06:17
Namatay ang kapatid ni Diana Rose Gomez sa mismong araw ng kasal nito. Dahil sa nangyari, walang nagawa ang kaniyang pamilya kundi gawing substitute bride si Diane. Ang kaniyang kapatid kasi na si Christine ang hinihinging pambayad sa utang nila sa pamilya ni Edward Sebastian, isa sa mga anak ng mag asawang Sebastian na kilala sa sama ng ugali. Ang pamilya Sebastian ay kilala dahil sila ang pinaka mayaman sa kanilang lugar at nag mamay-ari ng isang naoakalaking hacienda kung saan namamasukan ang kanilang ama. Laking gulat ni Edward ng iba ang sumipot sa kanilang kasal. Hindi siya makapaniwala na mag kakaroon siya ng substitute bride. Mapalambot kaya ni Diane ang matigas na puso ni Edward Sebastian? Matutunan kayang mahalin ni Diane ang Kaniyang asawa na ubod ng sungit at sama ng ugali? Matutunan din kayang mahalin ni Edward ang kaniyang asawa na napakainosente? Halina't ating subaybayan ang mala roller coaster na kuwento ng pag-ibig nina Diana Rose Gomez at Edward Sebastian.
like
bc
A NIGHT WITH THE STRANGER
Updated at Apr 13, 2023, 05:55
Lumaki si Jianna sa isang pamilya na malaki ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang babae. Lahat sila ay naniniwala na ang virginity ay dapat lamang ibigay sa araw ng kasal. Dahil ito ang pinakamagandang regalo na maibibigay nila sa kanilang magiging asawa. Kaya naman halos lahat na mga dalaga sa kanilang pamilya ay pinakaiingatan ang kanilang puri at dangal bilang isang babae at lahat sila ay virgin pa bago ikasal. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana para kay Jianna dahil sa pagsubok sa kaniyang pamilya ang kaniyang puring pinakaiingatan ay ibibigay niya lamang sa isang estranghero, siya ay magiging baby maker ng isang bilyonaryong binata na walang balak mag asawa at magpakasal dahil ang tingin niya sa mga babae ay lahat gold digger. Sa pag aakala ni Jianna na anak lamang ang ibibigay niya sa binata ay nagkamali siya dahil pati ang puso niya ay inangkin nito. May puwang kaya sa puso ni Brett si Jianna gayong anak lamang ang tanging gusto niya?
like
bc
Montecarlo Empire Series #1 DRYXX MONTECARLO
Updated at Apr 12, 2023, 20:43
Nag panggap bilang isang pulubi si Dryxx Montecarlo upang makatagpo siya ng babaeng tunay na iibig sa kaniya. Nadala na kasi siya sa mga babaeng dumaan sa buhay niya dahil lahat sila ay pera lamang ang habol sa bilyonaryong binata. Gusto niyang mag bago mula sa pagiging womanizer niya at gusto niya na ring lumagay sa tahimik. Gusto niya nang magkaroon ng pamilya ngunit paano siya magpapakasal gayong lahat ng babae na dumadaan sa kaniya ay tanging kayamanan niya lamang ang gusto? Sa kaniyang pag papanggap bilang isang pulubi ay makikilala niya si Maxinne dela Fuente. Isang dalagang ubod ng tapang at hindi mag papaapi kahit kanino. Isang babae na hindi tumitingin sa katayuan ng isang tao. Isang babae na gustong yumaman dahil sa kaniyang sipag at tyaga at higit sa lahat isang babae na may prinsipyo. Si Maxinne ang siyang babaeng hinahanap ni Dryxx na siyang iibig sa kaniya ng tapat sa kabila ng pagiging pulubi niya. Ngunit ang kanilang pagkakakilala ay tila hindi inaayunan ng tadhana dahil sa simula pa lamang ay hindi na naging maganda ang kanilang pagkikita. Nagkaroon kaagad ng galit si Maxinne kay Dryxx dahil sa maling paraan nito ng pakikipagkilala. Magkaroon kaya ng puwang sa kanilang puso ang pag-ibig kung sa simula pa lamang ay hindi na sila magkasundo? Matanggap kaya ni Maxinne ang tunay na pagkatao ni Dryxx? Sila kaya ay pinagtagpo at itinadhana para sa isa't isa?
like