bc

A NIGHT WITH THE STRANGER

book_age18+
2.1K
FOLLOW
11.6K
READ
drama
sweet
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Jianna sa isang pamilya na malaki ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang babae. Lahat sila ay naniniwala na ang virginity ay dapat lamang ibigay sa araw ng kasal. Dahil ito ang pinakamagandang regalo na maibibigay nila sa kanilang magiging asawa. Kaya naman halos lahat na mga dalaga sa kanilang pamilya ay pinakaiingatan ang kanilang puri at dangal bilang isang babae at lahat sila ay virgin pa bago ikasal. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana para kay Jianna dahil sa pagsubok sa kaniyang pamilya ang kaniyang puring pinakaiingatan ay ibibigay niya lamang sa isang estranghero, siya ay magiging baby maker ng isang bilyonaryong binata na walang balak mag asawa at magpakasal dahil ang tingin niya sa mga babae ay lahat gold digger. Sa pag aakala ni Jianna na anak lamang ang ibibigay niya sa binata ay nagkamali siya dahil pati ang puso niya ay inangkin nito.

May puwang kaya sa puso ni Brett si Jianna gayong anak lamang ang tanging gusto niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Hello! Jianna. Oh! kumusta ka na?" bungad ni Jenny nang sagutin ni Jianna ang tawag niya sa cellphone nito "Hello! Jenny, tatawagan sana kita nauna ka lang. Heto masyadong namomroblema," malungkot na sagot ni Jianna. "Bakit naman? Mukha ngang mabigat iyang pinoproblema mo sa tono ng salita mo ah, bakit anong nangyari?" tanong naman ni Jenny. "Kailangang-kailangan ko kasi ng malaking halaga ngayon," ani Jianna. "Bakit naman, anong problema? Bakit kailangan mo ng malaking halaga?" sunod-sunod na tanong ni Jenny "Kasi nasa hospital si nanay, ayon sa findings ng mga doctor may brain tumor daw si nanay at kailangan namin ng limang milyon para sa operasyon," paliwanag naman ni Jianna. "Ganoon? Nakakabigla naman iyan, kawawa naman si aleng Vivian!" malungkot namang saad ni Jenny. "Kaya nga sana kita tatawagan baka matulungan mo akong makahanap ng magandang trabaho diyan sa Maynila, alam ko kasing hindi ko makukuha ang ganyan kalaking halaga dito sa atin kaya ikaw agad ang naisip ko, sige na tulungan mo na ako," pakiusap ni Jianna kay Jenny. "Naku! tamang-tama, mayroon akong iaalok sa iyo. Tamang-tama itong solusyon diyan sa problema mo, tiyak makakatulong ito sa nanay mo!" masayang tugon naman ni Jenny "Talaga? Naku! Maraming salamat Jenny, maasahan ka talaga!" natutuwang ani Jianna. "Maghanda ka na, bukas na bukas bumiyahe ka na papunta dito sa Maynila. Susunduin na lamang kita sa terminal na bababaan mo," saad ni Jenny. "Oo! Sige, aayusin ko lang lahat dito para maayos kong iiwanan si Faye. Teka ano bang trabaho ang iaalok mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Jianna. "Naku mahabang paliwanagan, baka hindi mo pa maunawaan. Dito ko na lamang sasabihin sa iyo ang lahat. Basta mag tiwala ka na lang sa akin, hindi naman kita pababayaan dito sa Maynila. Sagot kita. Sige, bye na ha! Ayusin mo na ang lahat ng dapat mong asikasuhin diyan bago ka umalis, bye!" paalam nito kay Jianna. Nagtataka man ay nag tiwala na lamang si Jianna. Total kaibigan niya naman si Jenny at kababata, alam niyang hindi siya niyo ipapahamak. Kilala niya ito ng lubos kaya buo ang tiwala nita dito. "Faye! Faye! Asan ka ba?" tawag nito sa kaniyang kapatid. "Ate, bakit? Sandali lamang andito ako sa banyo!" sigaw na sagot naman ni Faye. "Bilisan mo at may pag-uusapan tayo!" sagot naman ni Jianna. Maya-maya ay lumabas na ng banyo si Faye habang nagpupunas ng kaniyang basang buhok. "Bakit ate? Mukhang mahalaga iyang pag-uusapan natin ah?" tanong ni Faye. "Mahalaga nga, aalis na ako bukas Faye. May naiiwan pa naman na pera si nanay sa bangko. Habang wala pa akong naipapadalang pera ay iyon muna ang gagastusin niyo dito at sa mga gamot ni nanay," paliwanag ni Jianna. "Bukas na ate? Nakausap mo na ba si ate Jenny?" tanong ni Faye. "Oo Faye at tutulungan niya daw ako. Tiwala ako sa iyo ha, huwag mong pababayaan si inay. Dito ko muna patutulugin si Patricia para may kasama ka dito kapag gabi. Kapag gabi na aayusin mo ang pag lock ng pinto at ng mga bintana ha! Mahirap na, maraming nagkalat na masasamang tao ngayon!" mahabang bilin ni Jianna sa kapatid. "Opo ate, mag iingat ka doon ate ha," naiiyak na ani Faye. Ngayon lang kasi sila magkakahiwalay ni Jianna kaya hindi siya sanay na nag-iisa. "Huwag mong pababayaan ang sarili mo dito Faye. Ako kaya ko ang sarili ko, huwag mo akong alalahanin. Basta gagawin ko lahat para kay inay," naiiyak na saad ni Jianna. Nagyakap na lamang ang magkapatid dahil sa bigat ng pagsubok na kanilang pinagdadaanan. Sila lamang dalawa ang lakas ng kanilang ina kaya gagawin nila lahat upang maging malakas sa panahong kailangan sila ng kanilang ina. "Pupunta muna ako sa hospital para makita ko si nanay bago ako umalis, magpapaalam na tuloy ako kay tiya. Ikaw na muna ang bahala dito sa naman Faye, labhan mo na iyang nakatambak na labahan diyan ha," paalam ni Jianna. "Sige ate, iyon talaga ang gagawin ko kaya naligo na ako para makapag laba na," sagot naman ni Faye. Umalis na si Jianna upang pumunta sa hospital kung nasaan ang kanilang ina. Habang bumibiyahe ay hindi niya maiwasang hindi mag isip tungkol sa trabahong ibibigay sa kaniya ni Jenny. Pagkarating sa hospital ay dumiretso na siya sa kuwarto ng kaniyang ina. "Mano po, tiya," bungad nito sa kaniyang tiyahin na bunsong kapatid ng kaniyang ina. "Oh! Jianna, andiyan ka pala. Bakit ka pumunta dito? Akala ko ba maghahanap ka ng trabaho ngayon?" takang-tanong nito kay Jianna. "Pumunta lang po ako dito tiya para magpaalam at para makita ko rin si inay bago ako umalis," sagot ni Jianna. "Bakit? Saan ka naman pupunta iha?" nagtataka namang tanong nito "Bukas po tiya ay aalis ako papuntang Maynila. Pupunta po ako kay Jenny, may inaalok po siyang trabaho sa akin na tiyak na makakatulong daw sa gastusin natin para sa operasyon ni inay," saad ni Jianna. "Ah ganoon ba? Oh siya tiwala naman ako kay Jenny at mabuting bata naman iyon. Basta mag iingat ka doon Jianna ha! Maynila na iyon, nagkalat ang masasamang tao. Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo at alalahanin mo lagi ang bilin ng iyong ina. Ako naman ay may tiwala din sa iyo," anito na buo ang tiwala sa pag alis ni Jianna. Bumaling naman si Jianna sa ina na hanggang ngayon ay tulog pa rin. "Inay, aalis lamang po ako at gagawin ko po ang lahat para makahanap ng halagang kakailanganin mo para sa iyong operasyon. Gagaling ka inay pangako basta lumaban lamang kayo para sa amin ni Faye. Mahal na mahal po namin kayo inay!" umiiyak na saad nito habang hawak ang kamay ng ina na may nakakabit na mga tubo Awang-awa naman ang kaniyang tiyahin kay Jianna. Ramdam na ramdam nito ang bigat ng pinag dadaanan ng pamangkin. Kaya hinagod na lamang nito ang likod ni Jianna upang kahit papaano ay gumaan ang bigat na nararamdaman nito. "Tiya huwag niyo pong pababayaan si inay ha. Pangako magpapadala agad ako ng pera kapag nakapagtrabaho na ako tiya. Palagi ho akong tatawag sa inyo para kumustahin si inay," naiiyak pa ring saad nito. "Oo naman, hinding-hindi ko pababayaan ang iyong ina. Mahal na mahal ko ang aking kapatid at kayong magkapatid, makakaasa kang hindi ko siya pababayaan," saad naman nito "Sige po tiya, uuwi na po ako at aayusin ko pa po ang mga gamit na dadalhin ko bukas. Madaling araw po ako aalis para hindi ako abutin ng gabi pag dating ko sa Maynila," paalam ni Jianna sa kaniyang tiyahin. "Oo sige, maigi pa nga para makapag pahinga ka tuloy at mahaba-haba pa ang biyahe mo bukas papuntang Maynila," sang-ayon naman nito kay Jianna. "Inay, paalam po. Babalik po ako kaagad kapag may sapat na pera na tayo para sa opersyon mo!" paalam nito sa kaniyang ina saka marahan na hinalikan sa noo. "Tiya, kayo na po ang bahala kay inay. Paalam po. Paki monitor na rin po si Faye sa bahay, mag isa lang po siya doon pag alis ko," ani Jianna. "Oo Jianna, palagi ko siyang ipapasilip kina Albert at si Patricia ay doon ko muna patutulugin sa inyo para may kasama siya sa gabi," sagot naman nito. "Opo tiya, iyon din po ang sabi ko kay Faye na magpasama siya kay Patricia sa gabi. Sige po tiya alis na po ako," paalam ni Jianna saka nag mano sa tiyahin bago umalis. Bago umuwi ay dumaan muna sa grocery si Jianna at namili muna siya ng grocery na iiwanan niya kay Faye upang may stock sa kanilang bahay habang wala pa siyang naipapadala. Pagkatapos mamili ay dumiretso na siyang umuwi sa kanilang bahay. "Faye, ayusin mo na itong pinamili ko. Nag grocery na ako para may gamitin ka dito sa bahay," ani Jianna. "Salamat ate! Sige po ako na bahala dito," sagot naman ni Faye. "Sige at mag iimpake pa ako ng mga gamit ko na dadalhin ko bukas," paalam ni Jianna bago pumasok sa kuwarto nito. Habang nag iimpake ay hindi maiwasan ang mag isip. Hindi niya akalain na mangyayari ito sa pamilya niya, mula pagkabata ay hindi niya naranasan ang ganito kalaking problema maliban noong mamatay ang kanilang ama. Hindi niya masyadong naramdaman noon ang sakit dahil andiyan ang kanilang ina, napakalakas nito na hindi mo mababakasan ng hirap sa ganoong sitwasyon kaya nasanay sila na umaasa sa kanilang ina. Ngayon na ito na ang nakaratay ay hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas ng loob para lumaban sa pag subok na ito. Nasanay siya na andiyan ang kanilang ina na handa silang damayan sa lahat ng problema. Ang hirap na iyong tao na hinuhugutan mo ng lakas ng loob ay siya na ngayon ang nangangailangan ng iyong lakas. Ngunit gaano man kahirap kakayanin niya, kailangang kayanin niya para sa pinakamamahal na ina kahit na hindi niya alam ang kaniyang kakaharapin sa Maynila. Hindi niya alam kung paano mababago nito ang buhay na kinasanayan niya. Hindi niya alam na pag dating niya sa Maynila ay magsisimula nang magbago ang kaniyang buhay. Hindi niya mapigilang umiyak habang nag iimpake dahil naalala niya ang mga masasayang sandali bago mangyari ang lahat ng ito. Ang napakasaya niyang pamilya ay biglang naiba sa isang iglap lamang dahil sa sakit ng kaniyang ina na wala silang kaalam-alam na malala na pala. Pupunta siya sa Maynila na ang tanging nasa isip niya lamang ay makapag ipon ng pera para sa kaniyang ina. Ni wala siyang idea sa mangyayari sa kaniyang pagdating sa Maynila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook