bc

Ang Babae Sa Painting

book_age18+
438
FOLLOW
2.3K
READ
revenge
HE
brave
heir/heiress
blue collar
bxg
kicking
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Paano kung mainlove ka sa isang babae na sa painting mo lamang nakita sa isang exhibit ng isang sikat na artist?

Si Angelo Sebastian, anak ni Edward at Diane Sebastian ay minsang nabigo sa pag-ibig. Pag ibig na akala niya ay forever na ngunit pinag taksilan lamang siya ng babaeng pinakamamahal. Dahil sa sakit na nararanasan ay natagpuan niya na lamang ang kaniyang sarili sa isang exhibit na nakatulala sa isang larawan na nakaguhit doon. Tila ba hinuhugot nito ang kaniyang buong sistema. Hanggang sa gabi-gabi na itong laman ng kaniyang panaginip at halos buong araw at oras na siyang binabagabag ng babae sa painting at naramdaman niya na lamang na unti-unti ay umiibig siya sa babaeng iyon na ni hindi niya alam kung nag eexist nga ba ito o hindi.

Gamit ang kaniyang yaman at kapangyarihan ay pinakilos niya lahat ng kaniyang connection upang mahanap ang misteryosong babae sa painting.

Mahanap kaya niya ang babaeng sa painting niya lamang nakita ngunit natutunan niyang mahalin?

Anu-anong pagsubok ang kailangang lampasan ni Angelo mahanap lamang ang babae sa painting?

Paano kung kontra ang buong mundo sa pag-ibig niya para sa babae?

Paano kung ang Diyos na ang kahati niya sa puso ng babae?

Sundan natin ang kuwento ng pag ibig ni Angelo Sebastian at ng babae sa painting.

FYI

Si Angelo ay isa sa kambal na anak nina Edward at Diane Sebastian sa kuwentong My Substitute Bride.

Para hindi kayo malito ay mangyaring basahin muna ang kwento nina Diane at Edward para maintindihan ninyo ang magiging takbo ng storya ni Angelo. Salamat.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 #AngPainting
"What the f**k Monique! I Loved you! Iginalang kita! Nag pigil ako sa loob ng anim na taon dahil gusto ko ay malinis kitang ihaharap sa dambana! But damn you! Nag pabuntis ka sa iba and worst sa bestfriend ko pa!" ani Angelo na hindi mo mawari kung iiyak o matatawa dahil sa sobrang galit at sama ng loob niya sa kaniyang six years girlfriend na si Monique. Umiiyak naman si Monique at halos mag lumuhod na sa harap ni Angelo dahil sa napakalaking kasalanan na kaniyang nagawa sa nobyo. "I'm sorry! Hindi ko sinasadya Angelo! I love you so much and you know that! Sorry! Aksidente lang ang lahat! Patawarin mo sana ako!" umiiyak na saad ni Monique habang nakaluhod na sa harap ni Angelo. Sa galit ni Angelo ay tinabig nito si Monique at dinuro ang babae. "Damn you! Aksidente?!" ani Angelo na wari ay natatawa sa sinabi ni Monique habang nananangis ang bagang. "Oh come on Monique! Aksidente lang ang lahat? Ano rumagasa ng t**i at nabundol ka, kaya nabuntis ka? Putsa! Bullshit! Don't fool me Monique! I wasn't born yesterday!" ani Angelo na natatawa habang galit na galit at kitang-kita ang panggigigil sa mukha nito. Anim na taon niyang minahal at inalagaan si Monique. Halos dito na umikot ang kaniyang mundo mag mula ng maging sila ngunit hindi siya makapaniwala na magagawa siya nitong lokohin. Binigay niyang lahat sa dalaga! Halos lahat ng luho nito ay ibinigay niya! Kulang na nga lang pati buhay niya ay ibigay niya dito dahil sa sobrang pag mamahal niya dito. Kaya ngayon ay halos lamunin siya ng galit dahil sa pag tataksil nito at ang hindi niya pa matanggap ay ang kaniyang pinaka matalik na kaibigan na si Jonas pa ang ama ng dinadala nito. Ang tao na lubos na pinag kakatiwalaan niya maliban sa kaniyang pamilya. "Angelo, sorry!" muling ani Monique habang hilam sa luha ang mga mata at humahagulhol. Umaasa pa rin kasi ito na mapapatawad siya ni Angelo. Maganda si Monique. Hindi man ito kasing yaman ng pamilya Sebastian ay buong puso itong tinanggap ni Angelo pati na ng kaniyang mga magulang at ng kaniyang kambal na si Angela Si Monique ay kaibigan ni Angela. Si Angela ang naging tulay para sa kanila. Ginawa lahat ni Angela para magustuhan ni Angelo si Monique. Dahil sa pangungulit ni Angela ay napilitan si Angelo na kilalanin si Monique hanggang sa matutunan niya nga itong mahalin. Lahat na yata ng katangian na hinahanap ng lalaki ay na kay Monique na. Maganda, sexy at napakakinis. Kaya naman siguro nahulog si Angelo hanggang sa minahal niya na nga ito ng sobra at nangarap na makakasama niya na ito habang buhay. Ngunit kailanman ay hindi niya pinakialaman si Monique dahil iginagalang niya ito at nangakong birhen itong dadalhin sa harap ng altar. "s**t! Monique! Hindi katanggap-tanggap ang ginawa mo! Ano ngayon? Mag papakasal pa rin tayo kahit na buntis ka sa ibang lalaki?! Damn you! Mag sama kayo ni Jonas and go to hell!Please! Leave! Umalis ka sa harap ko at baka ano pa ang magawa ko sa iyo!" nag pipigil na saad ni Angelo. "Pero, Angelo! Please listen to me!" pakiusap pa ni Monique. "Just leave! Leave my life forever! Ayaw na kitang makita pa kahit kailan Monique!" matigas na saad ni Angelo at itinuro pa ang pinto palabas sabay talikod kay Monique. Wala nang nagawa pa si Monique at tahimik na lumabas ng bahay ni Angelo. Dumiretso naman si Angelo sa maliit na bar ng kaniyang mansiyon. Kumuha siya ng wine at marahan na nilagyan ang kopita at saka mabilis na tumungga habang nag iisip ng malalim. Maririnig ang malalalim at sunod-sunod na buntong hininga nito habang iniinom ang wine. Hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa siyang pag taksilan ng kaniyang nobya at ng kaniyang pinaka matalik na kaibigan. Tumungga pa siya ng ilang beses ng wine hanggang sa maisipan niyang umalis. Hindi man niya alam ang patutunguhan ay patuloy siyang nag drive ng kaniyang kotse hanggang sa natagpuan niya na lamang ang kaniyang sarili na nag park sa isang museum. Wala sa sariling pumasok siya sa museum at hindi niya pansin ang dami ng tao na pumaparoo't-parito sa lugar na iyon. May nagaganap palang isang exhibit ng isang sikat na artist sa lugar na iyon kaya maraming mga tao ang pumupunta doon. Ngunit hindi niya pinapansin ang mga tao dahil wala siya sa kaniyang sarili na nag lalakad at patingin-tingin sa mga paintings na nakasabit sa lahat ng sulok ng lugar na iyon. Hanggang sa mapadako siya sa isang painting na kung saan isang napakagandang babae ang naka paint dito. Unti-unti ay tila ba nahihipnotismo siya sa painting na iyon at tila ba hinihigop ang kaniyang buong sistema. Titig na titig siya sa babae at naaakit siya sa kagandahan nito. Napakatangos ng ilong ng babae na para bang napakaperpekto ng hugis. Samahan pa ng mala birhen na mukha na may bilugang mata at mahahabang pilik-mata at mapupulang mga labi. Bagay na bagay din dito ang kulot at mahabang buhok na parang buhok ni mama Mary. Napaka perpekto ng pag kakaguhit sa larawang ito at parang nahuhulog pa ata ang kaniyang puso agad-agad sa babae na nasa larawan. Matagal niyang tinitigan ang larawan at kahit pag pikit ay hindi niya magawa dahil sa pag kaakit niya sa babae. "Sir, nais n'yo po bang bilhin ang painting na iyan?" anang isang babae na nag pagising sa diwa ni Angelo. "Ah! Yes! Yes! I want it!" wala sa loob na sagot ni Angelo. "Medyo pricey lang po siya sir!" sagot naman ng babae na tila ba nahihiya pa. "I will buy it no matter how expensive it is!" sagot naman ni Angelo na hindi pa rin maalis ang pag kakatingin sa larawan. "Ok, sir! It's yours!" sagot naman ng babae. Kinuha ng babae ang painting upang ayusin para kay Angelo. "This way sir!" anito at nag patiuna na kay Angelo papunta sa opisina kung saan babayaran at aayusin ang painting upang madala ni Angelo. Wala namang imik na sumunod si Angelo sa babae hanggang sa makarating sila sa isang opisina. "Good day sir!" anang isang lalaki na halos kaedad lamang ni Angelo. Mukhang ito ang may ari ng painting. Tumango naman si Angelo bilang tugon sa lalaki. "Please sit down, sir!" alok ng lalaki sa upuan na nasa harap ng kaniyang table. Umupo naman si Angelo habang tumitingin sa paligid. Napakarami pa kasing magagandang paintings ang nakasabit sa paligid. Sa isip-isip niya napakagaling ng artist na ito dahil lahat ng iginuhit niya ay parang mga totoo at may buhay. "Sir, this painting costs 1 million," anito. "I will buy it!" maikling sagot ni Angelo na para bang barya lamang ang halaga ng binibili. Kumuha siya ng cheke at sinulatan iyon ng halaga ng painting na nais niyang bilhin. "Ok, sir! Thank you so much!" masayang sagot ng lalaki. Hindi maunawaan ni Angelo kung bakit parang ang saya niya ng mabitbit niya pauwi ang painting na iyon. Dati naman ay wala siyang kahilig-hilig sa mga paintings at kahit kailan ay hindi pa siya pumunta sa kahit na ano pa mang exhibit. Mas gusto niya pang mag ani ng tubo sa hacienda na ipinamana sa kaniya ng kaniyang lolo na si Don Matthaeus. Pag dating na pag dating sa bahay ay agad niyang inutusan ang kaniyang katulong na isabit ang painting sa sala sa mismong harap ng sofa na madalas niyang upuan. "Sigurado po ba kayo senyorito na dito niyo ito gustong ilagay?" nag tatakang tanong ng katulong. "Yes! Bakit mo pa kinikuwestiyon ang sinasabi ko!?" ani Angelo na tila excited na excited na maikabit ang painting. "Pero, picture po ninyo ni senyorita Angela ang nandiyan! Aalisin ko po ba iyan?" hindi makapaniwalang tanong ng katulong. "Yes , please! Pakilipat na lang iyan ng puwesto!" walang alinlangang sagot ni Angelo habang naka de kuwatro ng upo sa sofa. "Sige po!" nag aalinlangang sagot ng katulong habang napapailing. Nang maikabit ang painting ay para bang nakadama ng kakaibang saya si Angelo. Parang napapawi lahat ng problema at sama ng loob niya habang nakatitig sa painting. Para bang biglang nabura ang sakit na naramdaman niya kani-kanina lamang. Napapailing na lamang ang mga katulong habang pinag mamasdan si Angelo na tila ba tuwang-tuwa habang nakatitig sa painting. Nang mag sawa sa pag titig sa painting ay nag pasya na si Angelo na matulog dahil wala na rin naman siyang gana pang kumain. Agad siyang nakatulog matapos humiga sa napakalambot niyang kama. "Sandali Miss! Parang kilala kita?" ani Angelo sa babaeng nakatalikod na mayroong mahaba at kulot na buhok. Lalo siyang nagulat at may sayang naramdaman ng humarap ang dalaga. Tama siya! Ito nga ang babae sa painting na nabili niya. "I'm sorry mister! Ngayon lang kita nakita!" sagot naman ng babae. Napansin ni Angelo na sa likod ng magandang mukha ng dalaga at pilit na ngiti nito ay tila ba may lungkot siyang nakikita sa mga mata nito. "Pero..." Hindi na natapos pa ni Angelo ang kaniyang sasabihin dahil tumalikod na ang babae. "Sandali! Anong pangalan mo?" sigaw na tanong ni Angelo ngunit hindi na siya sinagot pa ng babae at tuluyan na itong tumalikod. "Sandali!" patuloy na sigaw ni Angelo. "Anong pangalan mo! Sandali!" muli niyang sigaw. "Angelo! Gising!" saad ni yaya Maria na nag aalala para kay Angelo. "Huh! Panaginip lang pala!" humahangos pa ring saad ni Angelo matapos bumalikwas mula sa pag kakahiga. "Ano bang nangyayari sa iyong bata ka? Mabuti na lamang naisipan kitang puntahan dahil sabi ng mga katulong ay hindi ka daw kumain. Ano bang napanaginipan mo at sumisigaw ka diyan ng sandali?" nag aalalang saad ni yaya Maria. Mabuti na lamang dahil kahit matanda na si yaya Maria ay hindi sila iniiwan nito. Palipat-lipat ito sa kanilang dalawa ni Angela. "Wala po yaya! Ok lang po ako! Ayoko po munang kumain. Matutulog na lamang po ako ulit," matamlay na sagot ni Angelo. "Oh siya! Sige! Matulog ka na nga lang ulit pero mag dasal ka muna nang hindi ka nananaginip ng kung anu-ano!" sagot naman ni yaya Maria saka ito lumabas ng kuwarto ni Angelo. Kahit ano namang pilit ni Angelo na makatulog ulit ay parang ayaw na siyang dalawin pa ng antok. Hindi niya maunawaan kung bakit napanaginipan niya ang babae sa painting na nabili niya sa exhibit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook