Kabanata 2 #Panaginip

1592 Words
Angelo's POV: "Kuya, nakakatampo ka na! Ayaw mo na ba sa akin?" nakabusangot na ani Angela. Kadarating lamang nito sa aking bahay ngunit tila nag tatampo na kaagad ito sa hindi ko malamang dahilan. "Kadarating mo lang Angela, pero bakit santambak na iyang mukha mo? Ano bang nagawa ko sa'yo?" nakangiti kong saad habang palapit sa kaniya saka ko ito hinalikan sa pisngi at niyakap. "Hindi mo na ako mahal!" tila naiiyak nang anito. "How did you say that Angela? What's your problem? Of course I love you! You are my sister! My twin sister! Ano bang iniisip mo?" natatawa ko namang saad. "Bakit wala na ang picture natin together sa sala at pinalitan mo na ng painting na iyan!?" naiiyak na sagot naman ni Angela na nag tatampo pa rin at pasalampak na umupo sa sofa. Iyon pala! Naunawaan ko na ang sinasabi niya. "Iyon ba? Pinalipat ko lang iyong picture natin sa mas magandang puwesto. Saka please understand me Angela! Siguro hindi mo pa maunawaan ngayon, kahit ako hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko dahil parang may special sa painting na iyan! Naguguluhan pa ako sa ngayon pero Angela, huwag mong isipin na binabalewala na kita! Walang makakapalit sa iyo dahil you are my princess forever!" panunuyo ko dito. Para namang kumislap ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. "Talaga kuya! Promise iyan ah! Kahit ikasal na kayo ni Monique, I'm still your princess!" sagot naman nito na nakangiti na. "Forget it, Angela! Wala nang kasalang magaganap! Wala na kami ni Monique!" saad ko. Biglang nag iba ang timpla ko ng masambit ni Angela ang pangalan ni Monique. Napasimangot naman ang noo ni Angela dahil sa sinabi ko. "What do you mean?! Is there something wrong?" nag tatakang tanong ni Angela. "Pinag taksilan niya ako, Angela. She is pregnant with Jonas!" galit kong saad at naitikom ko pa ang aking kamao ng maalala ko ang kataksilan ni Monique. "What? Nagawa niya iyon? Nagawa nila iyon? What the hell?!" saad naman ni Angela na parang hindi makapaniwala. Napalaki pa ang mga mata nito dahil sa pagkabigla. Napatayo rin ito mula sa pag kakaupo sa sofa. "Mula ngayon ayoko nang marinig pa ang pangalan nilang dalawa! I hate them so much at hindi ko sila mapapatawad forever!" saad ko habang nananangis ang aking mga panga. "I'm sorry kuya! Sana hindi ko na lang siya inereto sa iyo! Kaibigan ko pa naman siya! Akala ko ay matino siyang babae! Kaya pala may naririnig ako noon tungkol sa kanilang dalawa pero hindi ako naniwala dahil akala ko kilala ko na siya pero hindi pala! It's my fault kuya! I'm sorry!" pag hingi naman ng pasensya ni Angela. "No! It's not your fault, Angela. There is no one else to blame but me because I was stupid at pinaikot ko ang mundo ko sa kaniya and I trusted both of them completely. Mula ngayon ay hinding-hindi na ako mag titiwala pa!" I said bitterly. "Hayaan mo na sila kuya. Hindi nila deserve ang kagaya mo! Remember you are Angelo Sebastian. The young billionaire! Guwapo, matalino at nasa iyo na ang lahat! May mas higit pa diyan kaysa kay Monique na mas karapat-dapat sa pag mamahal mo!" saad naman ni Angela. Natawa tuloy ako sa sinabi niya. Minsan niya lang akong purihin ng ganiyan kaya nagulat ako. Puro pang lalait lang kasi ang naririnig ko mula sa kaniya. Sabagay pareho naman kami dahil minsan nga ang tawag ko sa kaniya ay pangit. Pero iyon ay lambingan lamang naming mag kapatid dahil ang totoo ay napakaganda ng aking kakambal. Kaya nga maraming mga nababaliw diyan na mga kalalakihan pero napaka pihikan ni Angela. Ni minsan ata wala pa siyang nagiging boyfriend dahil basted kaagad ang sinumang manligaw sa kaniya. Lalo na ngayon na wala na siyang time sa mga ganiyan dahil isa na siyang ganap na doktora. "Gusto mo bang ibalik sa iyo ang papuri mahal kong kapatid?" natatawa kong saad. "Kuya naman! Minsan lang maging seryoso ang tao eh!" natatawang ani Angela. "Ok! Basta mula ngayon ayokong pag usapan pa si Monique at si Jonas. Gusto ko agad makalimutan ang ginawa nila," seryosong saad ko. "Ok! Sige alis na ako! Dumaan lang naman ako eh kasi hindi ka pumunta kahapon sa bahay ko! Na miss kita eh! Sige na punta na ako sa ospital. Marami pa akong aasikasuhin doon," paalam ni Angela. Oo nga pala! Sa sobrang galit ko kay Monique kahapon ay nakalimutan kong puntahan si Angela. Kahit kasi may kaniya-kaniya na kaming bahay at mga negosyong hinahawakan ay hindi namin pinapayagan na mawalan ng oras para mag bonding. May usapan kami kung kailan ako pupunta sa bahay niya at kung kailan siya pupunta sa bahay ko. May araw din na nakalaan para bisitahin namin sila mommy at daddy sa hacienda Sebastian. Ganoon kahalaga sa amin ang aming pamilya. Kailangan at importante sa amin ang oras sa family bonding. "Hatid na ba kita Angela?" tanong ko dito nang papalabas na ito ng bahay. "No need kuya! I have my car!" tanggi naman nito. Sanay na ako dahil pinalaki kami nila mommy at daddy na independent kaya hindi kami nasanay na umaasa sa iba dahil alam namin na kaya namin ang lahat. Mabilis na lumipas ang oras at heto at nasa kuwarto na ako at mag papahinga. Maghapon kasi akong nag ikot sa hacienda upang tingnan kung maayos ba ang lahat. Malapit na kasi ulit kaming mag harvest ng grapes na siyang ginagawa naming alak. Kaya sinigurado ko na nasa maayos ang lahat. Kaya heto halos kakahiga ko pa lamang at parang hinihila na ang aking mga mata dahil sa sobrang antok hanggang sa makatulog na nga ako. Masaya kaming nag hahabulan ng isang napakagandang babae sa buhanginan. "Heto na ako!" tumatawa kong saad habang hinahabol ko siya. Tumatawa naman ito habang tumatakbo. Nang maabutan ko siya ay pareho kaming natumba sa buhangin at nakadagan ako sa kaniya at tamang-tama na mag katapat ang aming mga mukha. Nag katitigan kami at pinag sawa ko ang aking mga mata sa ganda ng kaniyang mukha. Napakaganda niya talaga! Hanggang sa mapabaling ang aking paningin sa mapupula niyang mga labi at hindi na ako nakapag pigil pa at masuyo kong dinampian ang kaniyang mga labi. Marahan kong sinipsip ang malambot niyang mga labi at tumugon naman ito hanggang sa naging mapusok na ang halik na aming pinag sasaluhan. Hanggang sa naging mapag hanap na ang aming mga halik at bumaba na rin ang aking mga labi sa kaniyang mga panga patungo sa kaniyang leeg. "Ahhhh!" tanging ungol nito ang aking naririnig na lalong nag papainit sa aking katawan. Mabilis kong nababa ang aking halik patungo sa kaniyang dibdib dahil tanging two piece lamang ang suot nito. Ngunit nang hububarin ko na ang kaniyang saplot ay agad niya akong pinigil. Mabilis din itong tumakbo papunta sa madilim na parte ng beach na iyon. Sinubukan ko siyang habulin ngunit nawala na siya sa kadiliman. "Sandali! Anong pangalan mo! Sandali!" sigaw ko. "Angelo! Angelo!" tawag ni yaya Maria sa akin pangalan na siyang nag pagising sa akin. "Huh! Panaginip na naman!" saad ko habang humahangos. "Ano bang nangyayari sa iyong bata ka?! Rinig na rinig ko sa kuwarto ko ang sigaw mo ah! Ano bang napapanaginipan mo at nag kakaganiyan ka?" nag aalalang tanong ni yaya Maria. Hindi ako makasagot dahil maging ako ay gulong-gulo na rin. Ilang beses ko na ring napapanaginipan ang babae na iyon. "Wala po yaya. Pagod lang po siguro ako. Ok lang po ako," sagot ko na lamang kay yaya para hindi na siya mag alala pa. "Sabi ko kasi sa iyo mag dasal ka bago matulog. Sige na! Matulog ka na ulit!" ani yaya Maria saka ito lumabas ng aking kuwarto. "Huh! Sino ka ba? Bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko? Parang apektado akong masyado sa babaeng nasa painting! Bakit parang may parte sa puso ko na gusto siyang makita? Bakit parang may nararamdaman na ako para sa kaniya? Bakit masakit sa dibdib ko kapag natatapos na ang aking panaginip? Bakit parang mahal ko na siya? f**k! I need to do something! Aalamin ko ang tungkol sa painting na iyan!" pag kausap ko sa aking sarili. Pinilit kong makatulog ulit at nais ko mang mapanaginipan siya uli ay hindi na naulit ang aking panaginip. Sayang! Nanghihinayang ako dahil hindi ko na siya ulit napanaginipan. Alas singko pa lamang ng umaga ay bumangon na ako. Dumiretso ako sa painting at tiningnan ito. Napakaganda niya talaga. "Sino ka ba? Bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko sa iyo? Bakit parang umiibig ako sa isang painting? Bakit napakalakas ng epekto mo sa akin?" pagkausap ko sa painting. Buo na ang pasya ko na ngayong araw ay hahanapin ko ang babae sa painting. Kailangang makita ko siya! Kinuha ko ang aking cellphone at nag dial. "Bro! Napatawag ka?" sagot ni Andrei sa kabilang linya. Siya ang isa ko pang bestfriend maliban kay Jonas. "Bro, I need your help! Pwede ba tayong magkita?" sagot ko naman. "Yeah! Sure! Saan ba?" pag payag naman nito. "Punta ka muna dito sa bahay. May ipapakita lang muna ako sa iyo bago tayo lumakad. Hintayin kita!" sagot ko. "Ok! I'll be there in 30 minutes!" saad nito. Pinatay ko na ang telepono at umupo sa sofa. Hindi mawala ang titig ko sa painting mas lalo kong gustong malaman kung nag eexist ba ang babaeng ito. Ngayon pa lang ay excited na akong makita siya sa personal. Gagawin ko ang lahat mahanap lang kita! Kahit gumastos pa ako ng malaki! Hahanapin kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD