Angelo's POV
Masyado na akong nababagabag sa babae na nasa painting kaya matapos kong masabi lahat kay Andrei ay tinawagan ko naman lahat ng connections ko. Hindi ako papayag na hindi ko makita ang babaeng nasa painting.
Matapos naming mag usap ni Andrei ay nag pasama muna ako sa kaniya. Naimbitahan kasi ako sa isang bahay ampunan na madalas kong bigyan ng donation. May ipapakilala daw na mga bagong madre si Mother Superior.
"Daan muna tayo sa mall, bro. May kukunin lang ako," akit ko kay Andrei.. Gusto kong bigyan ng regalo ang mga bata sa ampunan. Actually kahapon ko pa nasabi sa manager ang mga kukunin ko kaya ngayon ay dadaanan ko na lamang ang mga iyon dahil nakahanda na rin naman daw.
Nag lalakad kami papasok sa mall nang bigla na lamang may babaeng yumakap sa akin at s**t! Hinalikan niya ako sa labi na sobrang ikinagulat ko! Hindi ako nakagalaw at hinayaan ko na mag kadikit ang labi namin ng babae dahil dama ko ang t***k ng puso nito na akala mo ay takot na takot at may tinatakbuhan.
May napansin naman akong lalaki na parang may hinahanap ngunit hindi ko na pinansin pa. Nang makaalis ang lalaki ay saka naman bumitaw ang babae mula sa pag halik sa akin.
"I'm sorry sir!" tila takot at puno ng pagkapahiya na saad nito sabay takbo ng mabilis.
Huli na nang mapansin ko na kamukha nito ang babaeng nasa painting.
"Sandali!" saad ko. Tumakbo din ako para habulin ang babae ngunit nawala na ito.
"Bro, are you ok? Kilala mo ba iyong babaeng basta na lang humalik sa iyo? Ang ganda pare!" humahangang saad ni Andrei.
"Pare, nakita mo ba siya? Siya iyong babae sa painting bro! Alam ko, siya iyon!" nanghihinayang kong saad.
"Oo nga ano? Kaya pala parang pamilyar siya! Sayang hindi mo inabutan!" saad naman ni Andrei.
"I'm sure na mag ko-cross ulit ang landas namin. Ang mahalaga ngayon ay nakita ko na siya at alam ko na na she is truly exist! Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag asa!" saad ko naman na puno ng pag asa.
"Tama, bro! Atleast ngayon masasabi mong totoo siya at hindi na kita masasabihang baliw!" natatawa namang saad ni Andrei.
"Sira ulo ka talaga!" natatawa ko namang saad.
"Bakit, sino ba naman kasing matino ang maiinlove sa painting?" ani Andrei na humahagalpak na sa tawa.
"Ewan ko sa iyo! Tara na nga at baka mag simula na ang program sa bahay ampunan!" naiiling kong saad.
Tumungo na kami sa counter upang kunin ang mga pinareserve ko na mga laruan para sa mga bata. Pagkakuha ko noon ay umalis na kami at tumuloy na sa bahay ampunan.
"Mr, Sebastian! Welcome po!" masayang bati sa amin ni Mother Superior. Siya ang namamahala sa ampunan.
Napakaraming bata sa bahay ampunan na ito. Isa ito sa nabigyan ni lolo ng malaking pera noon. Palagi din kaming kasama ni Angela noong mga bata pa kami kapag mag hahatid si lolo dito ng mga donations. Kaya napalapit sa akin ang bahay ampunan na ito kaya regular ko na itong binibisita at tinutulungan sa anumang pangangailangan ng mga bata.
"May mga regalo po kami sa mga bata mother. Sana ay mapasaya sila sa simpleng handog namin!" masaya kong saad. Excited na akong makita ang mga ngiti ng mga bata kapag natanggap nila ang mga regalo.
"Naku tiyak na matutuwa sila, Mr. Sebastian. Maupo na po kayo doon dahil mag sisimula na ang programa," masayang ani Mother Superior.
Tumungo na kami sa unahan kung saan nakalaan ang upuan para sa amin. May mangilan-ngilan namang mga bisita na makikita ang kasayahan sa mukha. Marahil ay mga magulang sila ng mga baguhang madre na i-wewelcome ngayon.
Nag simula na ang program at may mga batang sumayaw at kumanta. Napakasaya ng lahat maging kami ni Andrei ay libang na libang sa panonood.
"At ngayon ay ating palakpakan ang mga bagong madre na mag lalaan ng kanilang buhay para sa bahay ampunan na ito. Sila ang mga bagong taga pangalaga ng mga bata sa ampunan na ito. Sila din po ay graduate ng education kaya sila ay mag sisilbing guro din ng mga bata. Palakpakan natin sila, simulan natin kay Sister Daisy Santos, Sister Kylie Roxas, Sister Marivic Espiritu at Sister Althea Buenavista! Palakpakan natin silang lahat!" pakilala ni Mother s a mga bata.
Ngunit tila napako ang aking tingin sa huling ipinakilala ni Mother. Diyata't siya iyong babae na nasa painting at ang babae na humalik sa akin sa mall kanina lamang? Isa siyang madre?
"Bro, siya iyon 'di ba?" nag tataka ding saad ni Andrei
"Siya nga pare! f**k! Bakit madre siya?!" hindi makapaniwalang saad ko.
"Ang saklap naman noon bro! Binibiro ka yata ng tadhana! Nakita mo nga siya at napatunayang nag eexist but look! Hindi kayo pwede bro! Naikasal na siya sa Diyos! Isa na siyang ganap na madre!" seryosong ani Andrei.
Napapasuntok ako sa table dahil hindi ko matanggap ang mga nangyayari! Bakit? Bakit madre pa siya? Kung kailan nakita ko na siya?! Pinag lalaruan ba ako ng tadhana?
Muli kong tiningnan si Althea, nakasuot siya ng damit ng madre at iyon ay nag dudulot sa aking puso ng kirot. Pilit kong tinititigan ang mukha nito ngunit nakatungo ito at parang itinatago nito ang mukha sa akin. Marahil ay nahihiya pa ito sa nangyari kanina sa mall.
Nakita kong bumaba ito ng stage at lumabas kaya naman mabilis din akong tumayo para sundan siya.
"Bro, where are you going?" nag tatakang tanong ni Andrei ng tumayo ako at akmang aalis.
"I need to talk to her!" saad ko at mabilis siyang tinalikuran at sinundan ang pinto na nilabasan ni Althea.
Inabutan ko siya sa may garden at nakahawak sa poste ng ilaw.
"Can we talk?" saad ko ng makalapit ako sa kaniya.
"Sir kung tungkol ito sa nangyari kanina, Im sorry! Hindi ko sinasadya! May tinatakbuhan lang ako!" saad nito habang nakatungo pa rin.
"No!! Hindi ito tungkol doon! It's about the painting!" saad ko.
Nakita ko naman ang pag kabigla sa mukha nito.
"What do you mean? Anong painting ang tinutukoy mo?" naguguluhan pa ring tanong nito.
"Ang painting na nabili ko sa exhibit ng isang sikat na artist. Ikaw iyon 'di ba?"
Tila nag isip naman si Althea at parang may inaalala.
"Oh, the painting. Yes! Minsan din akong kinuha na model ng isang artist. Pero minsan lang iyon at hindi ko alam na pinag bili niya pala iyon!" ani Althea ngunit parang may pait sa kaniyang mukha ng maalala ang painting.
"Yes at binili ko iyon dahil nahalina ako sa ganda noon. At gusto ko ring malaman mo na nainlove ako sa babaeng nasa painting na iyon kaya pinilit ko siyang hanapin at ngayong nahanap na kita ay hindi ako papayag na malayo ka pa sa akin!" diretsahan kong saad.
Kita ko ang pag kabigla sa kaniyang mukha. Napanganga pa ito at namilog ang mata dahil sa hindi makapaniwala. Lalo naman iyong nag padagdag ng pag hanga ko sa kaniya. Napakaganda niya talaga! Parang lalo yatang nahulog ang puso ko sa kaniya ngayong nakita ko na siya in person.
"Anong pinag sasasabi mo Mr?"
"I'm Angelo! Your future husband!" putol ko sa sasabihin niya.
Natawa siya dahil sa sinabi ko.
"Future husband? Are you out of your mind? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Angelo? Hindi mo ba nakikita na madre ako at isa pa ngayon lang tayo nag kita, husband agad!?" natatawang saad nito.
Tama siya! Malabo na nga yata na maging kami dahil kasal na siya sa Diyos! At wala akong karapatang agawin siya sa Panginoon.
"Kahit kaibigan lang Althea! Sana tanggapin mo ako sa buhay mo dahil malaki ang naging epekto mo sa pagkatao ko. Kuntento na ako kahit hanggang kaibigan na lang," malungkot kong pakiusap.
Nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha nito. Marahil ay hindi siya makapaniwala sa mga pinag sasabi ko. Kahit naman siguro sino ay mabibigla dahil ngayon nga lang kami nag kita tapos kung anu-ano na ang mga pinag sasasabi ko.
"Bigyan mo ako ng panahon para pag isipan at taggapin ang pakikipag kaibigan na inaalok mo Angelo. Sa ngayon ay bumalik na tayo sa loob," seryosong saad nito.
"Sandali, bakit hindinka nakasuot ng pang madre kanina sa mall?" bigla kong naitanong.
Mabilis siyang napalingon sa akin at parang inis na siya sa kakulitan ko.
"Tumakas lang ako kanina! Ano happy?! Tayo na!" supladang saad nito.
Nag patiuna na ito sa pag pasok sa loob at tahimik naman ako sumunod habang hindi makapaniwala na tumatakas pala siya. Mukhang makulit na madre yata itong si Althea?
Natawa na lamang ako sa aking naisip at balik sa sama ng loob kay kupido.
May problema nga ata sa akin si kupido. Una niloko ako at pinag taksilan ngayon naman na umibig ako ulit ginawa namang madre! Gusto ko na lang matunaw sa mga oras na iyon dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Sana ay panaginip lang ulit ang lahat! Sana ay hindi na lang siya totoong madre! Sana ay magising na ako kung bangungot man ito!