Kabanata 4 #Kilig

1035 Words
Althea's POV "Tunawin na ako ngayon din! My God! Sobrang nag sisisi na ako sa nagawa ko kanina! Bwisit kasing lalaki na iyon! Dahil sa kaniya nahalikan ko tuloy ang preskong lalaki na iyon!" nanggigil kong saad habang nag aayos kami ng mga bangko at mga tables na ginamit kanina. "Kasi naman Althea! Ano bang naisip mo at hinalikan mo si Mr. Sebastian? At si Mr. Sebastian pa talaga ang napili mo ah?!" natatawa at nanunuksong ani Daisy. "Eh kasi naman habol ng habol sa akin si Aaron! Kahit saan ako pumunta ay nakasunod! Paulit-ulit ko nang binasted ayun at sunod pa rin ng sunod! Pumasok na nga ako ng kumbento hindi pa rin ako tinitigilan!" naiinis kong saad. Napaupo na ako sa bangko at napahilamos sa aking mukha. "Beshy, wala kang magagawa dahil patay na patay sa iyo iyong tao. Ang magagawa mo lang ay huwag ka nang lumabas ng kumbento o dito sa ampunan para hindi ka na niya masundan pa!" suhestiyon naman ni Marivic. I mean ni Sister Marivic. "Korek sister! Baka nandiyan lang siya lagi sa labas at nag hihintay sa pag labas mo at dahil sa sobrang obsessed niya sa iyon ay baka maisipan ka na niyang kidnapin mapasakanya ka lang!" saad naman ni Kylie. "Tinatakot mo naman si Sister Althea, Sister Kylie!" saad naman ni Marivic na busy sa pag tupi ng mga table cloth na ginamit. "Pero maiba ako... malambot ba at masarap ang lips ni Mr. Sebastian?" kinikilig na tanong ni Daisy at nilagay pa ang mga palad sa mga pisngi nito at tila ba nangarap ng isang fairytale. Napamulagat naman ang mga mata ko dahil sa tanong nito. "Hoy! Daisy! Nakakalimutan mo na yata na madre ka na oy!" natatawa kong saad. "Ang guwapo kasi ni Mr Sebastian eh! Nasa kaniya na yata ang lahat ng pinapangarap ng isang babae. Guwapo, macho, matangkad at napakakinis ng mukha at balat! Ayyyyy! Sarap sigurong makulong sa mga bisig niya!" saad din ni Kylie na kilig na kilig. "Oo nga, sister! ako nga mapansin lang niya talaga ako tatalikuran ko ang pagiging madre ko!" super kilig ding saad ni Kylie. "Hoy! Marinig kayo ni Mother Superior! Kakaibang madre din kayo eh nuh! Haharot! Isumbong ko kaya kayo kay Mother Superior!" natatawa kong saad. Hagikgikan naman lahat dahil sa sinabi ko. Pero tama sila! Napaka perpekto nga naman ni Angelo! Kahit naman yata sino ay hindi makakatanggi sa kaniya! But no! Hindi ako kasali doon! "No!" walang anu-ano ay sigaw ko kaya naman nagulat ang mga kasama ko sa sigaw ko. Lahat sila ay napanganga at natulala sa nangyari. "What happened to you sister? Nag iisip ka ano?" nanunuksong tanong ni Daisy. Hindi ako nakasagot dahil nahiya ako sa nangyari. Iyon ang totoong huli pero di kulong! Nang tingnan ko silang lahat ay puro nanghuhusga ang kanilang tingin sa akin. "Anong ibig sabihin ng mga tingin ninyong iyan?!" nag tataka ngunit nag aalala kong tanong. "We dare you Althea! Tatalikuran namin ang pagiging madre kung hindi ka maiinlove sa Mr. Sebastian na iyan!" seryosong saad ni Kylie. "Anong?!" di makapaniwala kong saad. "Korek! Aalis kami sa bahay ampunan na ito kapag hindi ka nainlove sa Mr. Sebastian na iyan na parang Diyos ng kaguwapuhan! Pero kung ayaw mo talaga, pwede mo naman siyang ibigay sa akin!" natatawa at kinikilig na saad ni Marivic. Kaya naman nakatikim siya ng kurot kina Kylie at Daisy. "Aray!" reklamo ni Marivic matapos siyang kurutin ng dalawa sa tagiliran. "Talandi ka kasi eh! Hoy! m Mdre ka na! Baka nakakalimutan mo!" natatawang ani Daisy. "Kasalanan ito lahat ng Mr. Sebastian na iyan eh! Pumasok-pasok pa sa buhay natin! Ayun nawindang tuloy tayo lahat sa kaguwapuhan niya!" kunwari naiinis ngunit kinikilig pa ring saad nito. "Hoy! Bruha! Hindi siya pumasok sa buhay mo! Pinipilit mo lang siyang papasukin kahit ayaw niya!" tumatawang saad ni Kylie. "Aray ko naman! Althea oh! Pinag kakaisahan nila ako! Ipag tanggol mo naman ako! Nanahimik ka na diyan! Nangangarap ka ano? Iniimagine mo na na kasama mo si Mr. Sebastian ano?" nanunuksong ani Marivic. "Hay naku! Ewan ko sa inyo!" naiiling kong saad saka ako tumayo at ipinag patuloy ang aking ginagawa. "Ikaw Althea, kunwari ka pa eh! Halata naman dahil kumikislap-kislap iyang mata mo kapag nababanggit namin ang pangalan ni Mr. Sebastian! Sandali! Ano bang pangalan niya?" patuloy pa ring panunukso ni Marivic. "Angelo!" maiksi kong sagot. "Ohhh!" sabay-sabay na saad ng mga ito. Kaya naman natigil ako sa aking ginagawa. "Anong ohhh? Anong problema niyo?" nag tataka kong tanong. "How did you know his name?!" halos sabay-sabay pa ring saad ng mga ito. Hindi ako nakaimik dahil nahiya ako. "Althea ah! May inililihim ka!" nanunuksong saad ni Daisy. "Wala! Tigilan n'yo ako!" natatawa kong saad. "Ehem!" Lahat kami ay napatigil sa aming harutan ng marinig namin ang 'ehem' ni Mother Superior. Lahat kami ay natahimik at kunwari ay walang nangyari at lahat kami ay seryoso sa aming trabaho. "Pag katapos ninyo diyan mga hija ay dumiretso kayo sa prayer room for the 6 o'clock habit," ani Mother Superior. "Opo! Mother! Malapit na po kaming matapos," saad ko. Ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi dahil sa hiya. Nag aalala ako na baka narinig ni Mother ang aming usapan. "Ok! Please make it faster!" ani Mother bago tuluyang umalis. Nang makaalis si Mother ay saka naman kami napaupo sa bangko na parang mga nanghihina. "Narinig kaya niya?" nag aalalang tanong ni Kylie "Hindi natin alam. Sana naman hindi! Baka kung anong isipin niya sa atin! Kabago-bago pa naman natin dito tapos ganoon pa ang magiging issue sa atin! Nakakahiya!" tila naiiyak nang saad ni Marivic . "Hay naku! Bilisan n'yo na lang para wala silang masabi sa atin!" saad ko naman. Pero maging ako ay nag aalala din. Nakakahiya! Matapos naming ayusin ang lahat ay nag ayos na kami ng aming sarili at pumunta na sa prayer room. Lahat kami ay nakatungo ng pumasok dahil nag aalala kami dahil baka pagalitan kami ni Mother Superior. Nag uumpisa na ang dasal ng dumating kami kaya naman pumuwesto na kami sa kaniya-kaniya naming puwesto at lumuhod. Isinama na rin namin sa aming dasal na sana ay walang narinig ni Mother Superior.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD