CHAPTER 1
"Ateee!" sigaw ni Lhianna ang bunsong kapatid ni Maxinne.
"Ano ba Lhianna inaantok pa ako eh. Bakit ba?" aantok-antok na sagot ni Maxinne.
"Hindi ka po ba papasok ate? Tanghali na po kaya," sagot naman ni Lhianna na natatawa pa sa hitsura ng kaniyang ate. Paano ba naman kasi bumangon ito nang nakapikit pa at mukhang bruha dahil sa buhok na nakabuhaghag at nakakalat sa mukha.
"Ay! oo nga pala, exam pa naman namin ngayon!" Sabay tayo at takbo papasok sa cr. Madalian siyang naligo sabay toothbrush at pagkatapos ay nag bihis ng school uniform at saka siya tumungo sa kusina para kumain ng almusal.
"Oh! Ano? Ngayon saka ka magmamadali diyan na para kang ipo-ipo kung kumilos! Mag puyat ka lang Maxinne! Hindi mo man lamang inaalala ang mga gagawin mo para sa kinaumagahan, blah blah blah blah blah," patuloy na sermon ni aling Teresita ang nanay nila Maxinne.
Pinalagpas na lang lahat ni Maxinne sa kaniyang dalawang tainga ang mga sinabi ng kaniyang ina dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nasanay na siya sa gano'ng senaryo sa bahay nila. Mabilis niyang tinapos ang kinakain at saka tumayo at kinuha ang kaniyang bag.
"Alis na po ako nay," paalam niya.
Si Maxinne ay 4th year college na. Pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay. Wala na kasi silang ama kaya naman ang inay niya ang nag iisang bumubuhay sa kanilang dalawang magkapatid sa pamamagitan ng pag lalabada sa kung kani-kanino.
Kaya naman ginawa lahat ni Maxinne ang paraan para mapagtapos ang sarili. Education ang course na kinuha niya dahil pangarap niya talagang maging guro mula pa pagkabata.
Ginagagawa n'ya lahat ng paraan mairaos lamang ang kanyang pag aaral. Naroon ang mamulot ng basura tuwing walang pasok, mag peperform bilang clown sa mga children's party at kung anu-ano pang mga raket makapag delihensya lamang ng panggastos sa eskuwela.
Maganda rin si Maxinne. Hindi nga lang niya nabibigyang pansin ang pag aayos ng sarili at wala din siyang pambili ng mga pampaganda. Natural ang kanyang ganda, kayumanggi ang kanyang balat at maganda ang hubog ng katawan na hindi masyadong makita dahil pawang mga malalaking damit ang kaniyang isinusuot. May pagkatomboy kasi si Maxinne. Sa taas niyang 5'7 ay talaga namang pang model ang dating. Kaso nga lang kapag may pumupuna sa ganda niya ay nakakatikim agad ng hindi magandang salita mula kay Maxinne.
Minsan nga may nasuntok pa siya sa mukha ng may tumangkang manligaw sa kaniya.
Kinaumagahan ay walang pasok kaya naman chance nila ito para mangalakal.
"Lhianna bilisan mo naman ang pagkain diyan at nang makarami tayo," sabi niya sa kapatid habang ngumunguya at punong-puno ang bibig sa kagustuhan na matapos agad kumain.
"Opo ate, sandali lang naman," sagot ni Lhianna.
"Saan ba ruta niyo ngayon?" tanong naman ng kanilang ina.
"Doon po nay sa may bagong gibang building maraming bakal na iniwan yung may ari, malaking pera na din yun," sagot naman ni Maxinne. "Alis na po kami nay," patuloy nito.
"Oh siya mag iingat kayo ah!" paalala naman ng ina.
"Opo nay!" sabay na sagot naman ng magkapatid
Lumakad na ang magkapatid patungo sa bagong gibang building.
Pakanta-kanta pa ang magkapatid habang naglalakad. Malapit-lapit lang naman ito sa kanilang bahay kaya naman mabilis silang nakarating.
"Hayun Lhianna malapit na tayo mukha ngang marami tayong makukuha at tayo lang ang nandito," tuwang sabi ni Maxinne.
"Akala mo lang na walang ibang tao ate, eh sino yun?" nakangusong ani ni Lhianna, na itinuturo ang lalaking busy sa pag kalkal ng mga basura at bakal.
Sinundan naman ng tingin ni Maxinne ang itinuturo ng nguso ni Lhianna, at may nakita nga siyang isang lalaking napakarumi at may bitbit na sako habang busy sa pag kalkal ng basura. Rumehistro agad ang galit sa mukha ni Maxinne.
"Dito tayo Lhianna mas marami rito. Bilisan mo nang hindi tayo maubusan ng gagong lalaking yan! Walang hiyang yan kabago-bago rito uunahan pa tayo. Bilisan mo Lhianna!" may pag dabog na wika ni Maxinne.
"Galit ate galit!?" patawa-tawang ani ni Lhianna.
"Hmm pero in fairness ate ha kahit madumi siya mukhang may hitsura at macho ha!" may kilig na wika nito at nakangiti na siyang ikinagalit ni Maxinne kaya naman piningot nito sa tainga si Lhianna.
"Ikaw kabata-bata mo pa marunong ka nang tumingin ng ganiyan! Hala dun, pulot ng mga bakal!" pagtaboy nito sa kapatid at medyo nabaling ang tingin sa lalaki.
"Oo nga nuh mukhang may hitsura at macho nga," saad nito sa sarili sabay napangiti.
"At anong iningingiti mo dyan ate?" nakatawang sabi ni Lhianna.
"Ikaw ha, kunwari galit pero titingin din pala," patuloy pa nito sabay takbo dahil alam niyang pipingutin na naman siya ng kaniyang ate.
Tama ang kutob ni Lhianna, pagkasabi niya no'n ay sabay takbo din si Maxinne para habulin siya.
"Ikaw talagang bata ka! Lagot ka sa'kin pag nahabol kita!"
Tatawa-tawa naman si Lhianna habang mabilis na tumatakbo.
"Habol ate! Ikaw kasi eh kunwari ka pa!"
"Huwag ka lang mag papahuli sa akin na bata ka!" anito habang hinahabol ang kapatid. Subalit nang mapagod ay sumuko rin at inakit niya na lamang ang kapatid na mag simula nang mamulot ng mga bakal.
"Tumigil ka na Lhianna sa katatakbo, tanghali na wala pa tayong nakukuha!" sigaw nito kay Lhianna.
Kaya naman tumigil na nga sa pag takbo si Lhianna at nag simula nang mamulot ng mga bakal dahil alam niyang mas yari siya kapag wala siyang makuha na pang benta mamaya.
"Aray! Ano ba namang bakal 'to! Hindi na lang mag pakuha pinahihirapan pa ako at naipit pa yung kamay ko! Aray ko po! Dumugo tuloy!" paiyak na bulong ni Maxinne.
"Bakit ate? Napaano ka?" tanong ni Lhianna.
"Naipit kasi ang kamay ko pag hila ko dito sa damuhong bakal na ito! May nakadagan palang bato. Ang sakit-sakit eh," iyak na sagot naman ni Maxinne
"Mag dahan-dahan ka kasi ate," concerned na sagot ni Lhianna.
"Ano uwi na ba tayo?" dagdag pa nito.
"Naku hindi! Halos kakaunti palang nakukuha natin. Ok lang to, malayo sa bituka."
Kaya naman nag patuloy ang magkapatid sa pamumulot ng bakal at ng ibang mga basura na puwede pang mapakinabangan at maibenta.
Sa kabilang banda naman ay palihim na pinag mamasdan ni Dryxx ang dalawa lalo na si Maxinne. Unang tingin niya pa lamang dito ay iba na ang kaniyang nararamdaman.
"Ang ganda naman niya. Bagay na bagay sa kanyang maliit na mukha ang kayumangging balat. Lalo na siguro kung hindi ito madumi," pagkausap nito sa sarili.
"Paano ko kaya siya makikilala?"
Kaya naman may nabuong plano sa kanyang isip.