CHAPTER 2

1380 Words
Handang-handa na at excited si Edward na nag hihintay sa simbahan. Sa wakas dumating din ang araw na magiging kanya na si Christine, ang babae na noon pa lamang ay pinag nanasahan niya na, ngunit hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa kaniya? Ilang beses din siyang binasted nito kaya naman ginawa niya ang lahat ng paraan para mapa sa kaniya ang dalaga. Si Christine ang isa sa may pinaka magandang mukha sa lugar nila kaya maraming na huhumaling na mga kalalakihan dito at isa na nga si Edward Sebastian dito. Dahil nga sa hindi siya magustuhan ni Christine ay ginamit niya ang pag kakautang ng pamilya nito sa pamilya nila. Nag tagumpay naman siya at ito nga at ikakasal na sila. Ang pamilya ng mga Sebastian ang isa sa pinaka mayaman sa kanilang lugar, sa isang bayan sa probinsiya ng Quezon. Isa ang kanilang hacienda sa pinaka malaki sa lugar na iyon at isa sa pangunahing pinag kukunan ng niyog at iba pang produktong pang agrikultura. Kaya naman halos hindi na mapantayan ang yaman ng kanilang pamilya. Nag tapos bilang abogado si Edward at sa ngayon nga ay matagumpay na rin siya sa larangan na napili niya. Sa ganda ng buhay na tinatamasa niya ay isa na nga lang ang pinapangarap niya, ang maikasal sa kaniya si Christine. Edward's POV: Malakas ang t***k ng aking puso habang nag hihintay kay Christine. Hindi ko maunawaan kung bakit parang iba ang kaba ng aking dibdib. Nakatayo ako dito sa loob ng simbahan malapit sa altar katabi ng aking best man na si Jonas na matalik kong kaibigan. May mangilan-ngilan na ring tao sa loob na nag hihintay sa pag dating ni Christine. Habang ang aking mga magulang at iba pang mga kaibigan at tauhan namin ay nasa labas at nag hihintay sa pag dating ng aking bride. Maya't maya naman ang tingin ko sa aking relo at naiinip na rin ako. Nakakapag taka dahil ayun sa make up artist na nag aayos kay Christine ay maaga pa lamang daw ay inaayusan niya na ito, ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ito? Maya-maya pa ay nag kaingay na sa labas at may nag sabi na rin na dumating na nga si Christine. Nag simula nang mag lakad ang mga flower girls at mga abay maging ang mga ninong at ninang. Hindi naman maalis ang mga mata ko sa pintuan ng simbahan dahil excited na nga ako na makita ang aking mapapangasawa. Tumibok nga ang aking puso nang pumasok na si Christine at dahan-dahan na nag lalakad papunta sa akin. Ngunit, tama ba ang nakikita ko o nag bago lamang ang mukha ni Christine dahil sa make up? Nag bubulungan naman ang mga tao at tila nag tataka rin sa nangyayari. "Pare, si Christine ba iyan?" nag tatakang tanong ni Jonas. "Ewan ko nga rin pare, bakit parang nag iba ang mukha niya? Napakainosente at mukhang anghel. Well, maganda naman talaga si Christine but now she looks like an angel!" naguguluhan kong saad habang nakatitig sa napakagandang babae na palapit sa amin. Hindi iyon si Christine sigurado ako! Ngunit bakit? Anong nangyari? Dahil sa mga katanungan ko sa isip ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin ang babae na kanina ko pa iniisip kung sino nga ba? "Edward, patawarin mo sana kami ngunit hindi na pwedeng mag pakasal sa iyo ang aking anak na si Christine. Ngunit huwag kang mag alala dahil ito, si Diane ang siyang papalit kay Christine bilang bride mo at tutubos ng aming utang sa iyong pamilya!" humihikbing saad ng ina ni Diane. Nag taka naman ako sa kaniyang sinabi. "What? A substitute bride? Are you serious?" takang-taka kong saad. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. "Oo, Edward! Ako na ang mag papakasal sa iyo dahil wala na si ate!" sagot naman ni Diane habang lumuluha. "Niloloko n'yo ba ako? Where is Christine? Bakit hindi siya sumipot?" galit ko nang saad dahil hindi ko maunawaan ang sinasabi ng mag ina sa harap ko. "Wala na siya Edward! Inatake siya sa puso at agad na namatay kanina lamang! Nasa punerarya ang mga labi niya ngayon. Ngunit ayaw namin na sirain ang usapan ng ating pamilya kaya nandito pa rin kami ngayon," lumuluha pa ring saad ni Aleng Glenda. Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kaya tinawag ko ang isa sa aking mga tauhan upang alamin ang totoo bago ituloy ang kasal. Mabilis naman na lumakad ang aking tauhan upang alamin nga kung totoo ang sinasabi ng mga ito sa akin. "Edward, hindi namin gagawing biro ang kamatayan ni ate! Kung hindi ka naniniwala at sa tingin mo ay niloloko ka namin ay huwag na nating ituloy ang kasal!" matapang na saad ni Diane. Nagulat ako dahil sa likod pala ng mala anghel na mukha nito ay may itinatago itong tapang. "Well! Are you sure na gusto mong ikasal sa akin Diane, bilang pang bayad utang ng inyong pamilya?" nang uuyam kong tanong dito. Nakita ko naman ang galit sa mukha nito at natuwa ako. Parang na-chachallenge ako sa babaeng ito. Aminin ko na kanina ay ayokong mag pakasal dito at nag iisip na sana ako na itigil ang kasal kung hindi lang naman si Christine ang mapapangasawa ko, ngunit nag iba ang isip ko dahil parang malilibang ako sa babaeng ito. "Kahit ano ay gagawin ko Edward, para sa pamilya ko kahit pa ang makasal sa isang katulad mo na walang puso!" matapang pa rin na saad nito. Natuwa ako at lihim na na-excite. Mukhang magiging exciting yata ang married life ko with this girl. "Well, lets start the wedding!" nakangiti kong saad. Napatingin ako sa mukha ni Diane at nakita ko na mukhang bigla siyang natakot at mukhang napipilitan lamang. Sinimulan na nga ng pari ang pag kasal sa amin. "You may now kiss the bride!" sabi ng pari bilang pag tatapos. Dahan-dahan kong itinaas ang belo ni Diane at mas lalo kong nakita ang kagandahan nito. Unti-unti kong inilapit ang aking mukha at inilapat ang aking mga labi sa mga labi nito. Napakalambot ng mga labi ni Diane at tila ba napakatamis ng lasa nito. Hindi man siya gumaganti sa aking halik ngunit tila nalulunod ako dahil napakasarap halikan ng mga labi niya. Palakpakan ng mga tao ang nag pa gising sa diwa ko na tila ba nakarating na sa langit dahil lamang sa simpleng halik na iyon. Kaya naman napilitan akong bitawan na ang mga labi ni Diane na halos ayaw ko na sanang tigilan pa. Hindi ko pa kasi na lasahan ang lasa ng labi ni Diane sa dami ng mga babae na nahalikan ko na. Kakaiba kasi ang lasa ng labi nito. Hindi ko maipaliwanag ngunit talagang kakaiba. Pag kagaling sa simbahan ay dumiretso na kami sa hotel na pag mamay-ari ng aking pamilya, kung saan kami mag ha-honeymoon ni Diane. Nakikita ko ang pag aalinlangan ni Diane habang papasok kami sa aming kuwarto. Tila ba natatakot siya sa maaaring mangyari. "Relax! Hindi naman kita kakainin ng buhay eh!" pilyo kong saad. Wala naman siyang imik na pumasok sa kuwarto. "Do you want to take a bath?" tanong ko dito. "Mauna ka na! Mag papahinga lang ako ng kaunti!" malamig na sagot nito. Nag kibit balikat na lamang ako at saka pumasok sa banyo para maligo. Binilisan ko na lamang ang pag ligo dahil alam kong nangangati na rin siya sa suot niyang wedding gown. Nakatapis lamang ako hanggang beywang na lumabas ng banyo. Napansin ko rin ang pag katulala ni Diane habang nakatitig sa hubad kong katawan. "I'm done! Pwede ka nang maligo. May mga damit na diyan sa closet na nakahanda para sa iyo. Mamili ka na lamang!" saad ko dito nang mapansin ko ang pag katulala nito. Tumayo naman siya kaagad at pumasok sa banyo. Hinatid ko naman siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa banyo. Nag tataka ako sa sarili dahil bakit parang ang saya-saya ko? Bakit parang excited ako? Samantalang hindi naman si Christine ang napangasawa ko? Hindi! Hindi ako dapat maging ganito! Hindi ako dapat mag pakita ng pag kagusto sa kaniya! Dapat ay iparamdam ko sa kaniya na tauhan ko lamang siya at pag mamay-ari ko dahil binili ko lamang siya sa kaniyang pamilya para maging asawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD