Edward's POV: Mabilis akong nag drive papunta sa isa sa aming mga salon. Gusto ko kasing i-improve ang itsura n'ya ngayong mag sisimula na kaming mag sama. Ayokong pag tawanan ako ng aking mga ka trabaho at ka barkada kapag isinama ko siya sa mga mahahalagang okasyon. Hindi naman pwede na iba ang isama ko dahil alam ng lahat kung sino ang asawa ko. Maganda naman siya at hindi ko iyon maikakaila pero masyadong manang kasi ang dating niya eh! Parang sinauna pa kung manamit! Baka sakaling may magawa pa ang mga bakla sa aming salon dahil magagaling naman ang mga iyon sa pag papaganda sa mga customers. Wala siyang idea kung saan kami pupunta kaya ayan parang inaantok na naman. Napaka antukin naman ng babae na 'to! Maya-maya nga ay sa wakas nakarating na kami sa salon. "We're here!" saad ko

