CONTINUATION OF EDWARD'S POV: Naisipan kong dalhin si Diane sa bangko na pag aari din ng aming pamliya. Bibigyan ko siya ng credit card, isa ito sa pain ko sa kaniya dahil dito ko malalaman kung mapag kakatiwalaan siya sa pera. Dito ko malalaman kung mukha din siyang pera kagaya ng karamihang babae. "Bakit nandito tayo Edward?" tanong nito na puno ng pag tataka. "Sumunod ka na lang. Let's go!" sagot ko at nag patiuna na akong pumasok sa bangko. "Good morning sir!" bati sa akin ng guard habang nakatungo. Tumango lamang ako bilang sagot dito. "Good morning ma'am!" Narinig kong bati ng guard kay Diane. "Good morning po kuya!" magiliw ding sagot ni Diane. Napalingon ako at sakto nakita ko ang guard na halos mag laway na sa kakatingin kay Diane. Kaya naman hininaan ko ang lakad ko hang

