DIANE'S POV: Mabilis na lumipas ang araw, first day of school ko na. Medyo kabado pero kaya ko 'to! Maaga akong bumangon at dumiretso na ako sa banyo para maligo. Naq tapis lamang ako ng tuwalya matapos kong maligo dahil ako lang naman ang tao sa kuwarto kaya walang problema. Pakanta-kanta pa ako ng "Uhaw" palabas ng banyo, ngunit..... "Ay kabayo!" sigaw ko nang makita kong komportableng-komportableng nakaupo sa sofa si Edward at naka de kuwatro pa. Mahigpit kong nahawakan ang tuwalya na nakabalot sa aking kahubaran. "Bakit parang takot na takot ka? Hindi naman kita rereypin ano!" saad nito na tila ba namimikon pa. "Bastos ka! Bakit hindi ka man lang kumatok ng pinto bago pumasok? Di sana alam ko na may tao dito! Paano kung nakahubo't-hubad akong lumabas ng banyo?" galit at inis kong

