EDWARD'S POV: Matagal akong nag hintay sa ibaba kay Diane. Ayos din ang babae na iyon ah! Ginising niya ako ng maaga at pinakilos ng mabilisan pero siya naman pala itong hindi pa handa! Naiiling na lamang ako sa inis habang nakaupo at nag hihintay hanggang sa may marinig na akong lumalakad pababa ng hagdan. Tumingala ako para tingnan kung si Diane na ba ang pababa na iyon. Hindi nga ako nag kamali dahil siya na nga iyon, ngunit napanganga ako sa aking nakita. Very simple yet beautiful! Tila ba biglang kumabog ang puso ko at parang gusto na nitong lumabas sa sobrang kabog nito. Nakakapag taka dahil kung tutuusin ay napakasimple lamang ng itsura ni Diane ngunit bakit parang napakalaki ng impact nito sa puso ko? Napahinga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang puso ko! Hindi maaari

