"VICTORIA, kamusta si Callum?" Nag-angat ng tingin si Victoria nang marinig niya ang tanong na iyon ng Nanay niya nang nasa hapag kainan sila. "Okay lang naman po si Callum, Nay," sagot niya dito. "Hindi na ba siya nilalagnat?" sumunod na tanong nito. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo sa sinabi ng Nanay niya. "Nilalagnat?" balik tanong niya. Tumango naman ang Nanay niya. "Pinauwi ko siya kanina noong malaman kung may lagnat siya. Ayaw pa sana niyang umuwi pero pinilit ko siya para makapagpahinga," paliwanag naman niya. Umawang ang labi niya sa mga nalaman. Hindi din niya napigilan ang makaramdam ng pag-alala. Wala siyang ideya na may sakit ito, wala naman siyang napansin at wala naman itong sinabi sa kanya. Kasama pa nga niya ito kanina dahil hinintay na naman siy

