"VICTORIA." Nag-angat ng tingin si Victoria nang may tumawag sa pangalan niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang ka-trababo niyang lalaki. "Bakit?" tanong niya nang magtama ang mga mata nila. "Boyfriend mo nasa labas," imporma nito sa kanya Hindi naman nagulat si Victoria sa narinig niyang sinabi nito. Hindi naman kasi iyon ang unang beses na nagpunta si Callum sa pinagta-trabahuan niya kapag malapit na ang lunch break nila. Kung hindi siya nito dinadalhan ng pagkain ay nakikisabay ito sa pagla-lunch sa kanya. Kung minsan nga ay may inaabot sa kanya ka-trabaho na meryenda niya. At malalaman na lang niyang galing iyon kay Callum. At mukhang napaaga ito ng pagdating doon. Twenty minutes pa kasi bago mag-lunch break. Siguro ay tapos na ito sa trabaho nito sa paleng

