NAGISING pa din si Victoria kahit na late na siyang nakatulog kagabi dahil sa kakaisip tungkol kay Callum. Noong natagpuan ito ng Tatay niya na palutang-lutang sa dagat sa Isla nila ay clueless sila kung sino ito, kung ano ang totoong pagkatao nito at kung anong nangyari dito. Pero noong mag-kwento si Danielle sa kanya kahapon kung ano ang nangyari sa kakambal nito ay doon nasagot ng lahat ng katanungan niya. Tama din siya sa mga naisip noon tungkol dito na hindi lang ito simpleng tao, tama siya sa naisip na galing ito sa mayamang pamilya. Hindi lang yata mayaman, kundi sobrang yaman. Sa nakita at nasaksihan niyang pamumuhay nito at ang kakambal nito sa Manila ay mukhang hindi ito sanay sa hirap. Pero noong nasa Isla ito? Kulang na lang at mag-trabaho ito beinte kwatro oras para matulungan

