"ANG ganda at ang gwapo naman ng anak ko," nakangiting wika ni Victoria sa kambal matapos niyang bihisan ang mga ito. Nakasuot ng pulang dress si Callah, si Callum naman ay naka-polo na kulay pula din. Ngayong araw kasi ang anibersaryo ng De Asis Empire. At ngayong araw din sila ipapakilala ni Francis bilang mag-iina nito sa buong kompanya nito. At mukhang hindi lang sa buong kumpanya, pati na din sa buong bansa dahil ang pagkakaalam niya ay marami ding media ang imbitado sa nasabing okasyon. Sa totoo lang ay kinakabahan si Victoria. Kinakabahan siya dahil baka hindi sila matanggap ng mundomg ginagalawan ni Francis. Hanggang ngayon kasi ay hindi na din niya nakakalimutan ang mga masasakit na komentong nabasa niya sa social media noong lumabas sa balita ang larawan ng anak na kasama si

