PAGPASOK ni Victoria sa kwarto ay nadatnan niya si Francis na binubotones ang suot nitong puting long sleeves. Nang makita niya iyon ay humakbang siya palapit para tulungan ito. Napatigil naman ito sa ginagawa nang makita siyang huminto sa harap nito. "Bakit, mahal?" tanong nito ng magtama ang mga mata nila. "Tulungan kita," wika niya. Pagkatapos ay tumaas ang kamay niya para siya ang magbutones ng suot nitong long sleeves. Ibinaba naman ni Francis ang kamay at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. At habang abala siya sa pagbo-botones ay naramdaman niya ang mainit nitong titig sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at mukhang tama siya dahil agad na nagtama ang mga mata nila. "Bakit?" tanong niya dito. "Did I tell you that I love you?" tanong nito sa kanya habang titig na titig sa kan

