MAINGAT na hinalikan ni Victoria sa pisngi si Callah at saka siya dahan-dahan bumangon mula sa pagkakahiga niya sa tabi nito. Nag-iingat siya na huwag itong magising mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Maaga pa kasi at gusto niya itong magpahinga dahil alam niyang napagod ito sa mahabang biyahe nito. Saglit na pinagmasdan ni Victoria ang natutulog na anak hanggang sa lumabas siya ng kwarto. Hinayaan naman niyang bukas ang pinto baka kasi magising ang anak niya. Baka umiyak ito kapag hindi siya nito makita. Kapag bukas ang pinto ay maririnig niya ang pag-iyak nito. Saktong pagkalabas niya ng kwarto ay ang paglabas din ni Victor mula guestroom kung saan ito natutulog. "Ate," tawag nito sa kanya nang makita siya nito. "Oh? Ang aga mong nagising," komento niya kay Victor. Nagkamot

