"CALLAH, anak. Dito ka lang muna, ha. Punta lang saglit si Nanay sa banyo," bilin ni Victoria sa anak ng paupuin niya ito sa swivel chair niya. Kaya pala nasa De Asis Empire ang dalawa dahil walang tigil sa kaiiyak si Callah dahil hinahanapnsiya nito. Kaya no choice si Victor kundi dalhin ang anak kung saan siya nagta-trababo. Tinanong din niya si Victor kung paano nito nalaman ang papunta sa De Asis Empire, ang sabi nito ay nagtanong-tanong daw ito. Sumakay ito ng Taxi para ihatid sa De Asis Empire. Iniwan lang din ni Victor ang anak sa kanya at umalis na. Sinabi nitong maglilibot lang ito sa paligid. Binilinan naman niya ito na mag-ingat baka kasi mapahamak ito doon gaya niya. At dahil wala naman do'n si Francis ay hinayaan na lang niya na iwan nito si Callah do'n. Behave din naman

