"VICTORIA." Tahimik na nag-angat ng tingin si Victoria nang marinig niya ang boses na iyon ni Ma'am Dana na tinawag ang pangalan niya. "Po?" tanong niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Ngumiti naman ito ng tipid sa kanya. "Kami na ang bahala kay, Francis. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na," wika nito sa kanya. "Kinausap ko na din ang anak kong si Frank, idadaan ka na daw niya sa condo ni Danielle." Kinagat ni Victoria ang ibabang labi sa sinabi ni Ma'am Dana sa kanya. Sa totoo lang ay gusto muna niyang mag-stay doon. Gusto muna niyang hintayin si Francis na magising bago siya umuwi o kung pwede ay do'n lang siya hanggang sa hindi pa ito lumalabas ng ospital. Nang mawalan ng malay si Francis kanina sa opisina nito ay agad na tumawag si Ma'am Dana ng ambulance para isu

